Chapter Five

691K 10K 1.3K
                                    

Alas cuatro pa lang naka-empake na ako. Mga damit ko lang naman ang binitbit ko. Hindi pa nga lahat dahil sa dami nun. Isang maleta at isang traveling bag lang ang dadalhin ko. Sabi naman kasi ni Jace na 'yun na lang ang dalhin ko e. Besides, hindi naman ako habambuhay na titira dun.

Naghalf-day ako gaya ng sabi ni Jace. Buti na lang napaniwala ko si Miss Carmen na sobrang sama talaga ng pakiramdam ko at kailangan kong umuwi. Sinabi ko sa kanyang nage-LBM ako at pinayagan niya agad ako. Takot sigurong magkalat ako sa opisina.

Nailibot ko ang paningin ko sa unit. Siguradong mami-miss ko 'to. Sa loob kasi ng kulang-kulang tatlong taon e rito ako tumira. Pati si Jacky siguradong mami-miss ko rin. Nakakalungkot man pero naiisip ko na rin naman na darating ang oras na kailangan ko na ring iwan ang unit na 'to. Kung hindi man ako babalik kay Jace, may iba akong titirhan.

Naalala ko dati. Naging mabuting asawa sa akin si Jace. Halos lahat ng gusto ko ibinibigay niya basta kaya niya. Hindi ko kailangang magdalawang salita 'pag ganun. Though may mga gusto akong hindi niya napagbigyan, mabibilang ko lang 'yun sa mga daliri ko. Sana naman katulad pa rin siya ng dati. Sana hindi siya nagbago. Sana... ayys! Asa naman ako e katulong naman ang magiging ganap ko sa bahay niya!

Napalingon ako sa pinto nang tumunog ang doorbell. Si Jace na kaya 'yun? Wala pang alas-cinco ah? Lumapit agad ako roon at binuksan ang pinto. Si Jace na nga 'yun. Patamad pa siyang nakasandal sa hamba ng pinto habang hinihintay ako.

"Ready?" tanong niya.

I nodded and went back inside to get my things. Grabe, ang bigat ng mga gamit ko kahit na dalawang bag lang 'yun. Ibinaba ko ang mga gamit sa labas para i-lock ang pinto. Ine-expect kong bubuhatin na 'yun ni Jace kaya napakunot ang noo ko nang makita kong naroon pa rin ang mga gamit sa sahig pagkalingon ko habang naglalakad na palayo ang herodes.

"Wait up!" habol ko sa kanya habang nagkakandakuba na ako sa pagbubuhat ng gamit ko. Pinilit kong maka-agapay sa kanya. "Hindi mo man lang ba ako tutulungan?" tanong ko nang magkasabay na kaming naglalakad papuntang elevator.

"Hindi," simpleng sagot niya sabay pindot sa down button ng elevator.

Pagkabukas na pagkabukas ng elevator door e pumasok agad siya. Naiwan akong nakanganga sa labas at hindi makapaniwalang narito ako, sasama sa asawa ko, na hindi man lang ako matulungan kahit sa pagbibitbit ng mga gamit ko.

Tss. I looked at him intently. Seriously? Ganyan na kalaki ang ipinagbago niya sa loob lang ng dalawang taon? Samantalang noong bago pa lang kaming nagsasama e ni halos hindi niya ako pagbuhatin kahit kaldero. Tapos ngayon... what the heck?!

"Are you coming or not?" narinig kong sigaw niya mula sa elevator.

Padabog na binuhat ko ulit ang mga gamit ko at sumakay na sa loob. Hindi kami nag-iimikan habang umaandar 'yun pababa. Sa loob loob ko, pesteng lalaki 'to, sana hindi na lang bumalik sa buhay ko.

Inis na sumakay ako sa kotse niya matapos kong ihagis sa compartment ng kotse ang mga gamit. Humalukipkip ako at hindi tumitingin sa kanya sa buong biyahe. Hindi rin siya umiimik at tahimik lang nag-drive papunta sa bahay niya.

Unti-unti akong napapangiti nang maging pamilyar ang lugar na dinaraanan namin. So... doon pa rin pala siya nakatira. Doon sa bahay na binili niya noon bago kami ikasal. Doon sa bahay kung saan minsan naging masaya kami sa isa't-isa. I shook my head with the last though. Ano bang pinagsasasabi ko? Hindi naman naging maganda ang pagsasama namin!

Kumontra rin agad ang kabilang isip ko. We were actually happy when something came up and ruined everything. And come to think of it? It was somehow my fault.

The New Boss is My Husband?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon