Mabilis lang lumipas ang mga araw. Hindi na ako naisasabay ni Jace sa pag-uwi dahil lagi na lang siyang overtime o di kaya naman eh may dinner meeting. Gabing-gabi na rin siya kung dumating sa bahay na halos hindi niya na ako naaabutan na gising. Kung minsan pa sobrang aga niyang umalis sa umaga kaya hindi na rin kami nagkikita.
Dinadala ko na ang kotse ko sa opisina dahil hirap na talaga akong mag-commute lalo na't ayun nga, hindi niya na talaga ako maisabay. Okay naman na ako sa pagmamaneho at so far, sa isang buong linggo kong pagmamaneho eh wala pa naman akong aberyang kinaharap.
Tumingin ako sa reserved parking ni Jace dahil maaga siyang umalis ngayon. Kakagising ko nga lang noong magpaalam siya na papasok na. Kumunot ang noo ko dahil wala doon ang sasakyan niya. Saan pa kaya siya nagpunta?
"Ganda ng sasakyan natin ah?" Napatingin ako sa nagsalita. Si Diane.
Ngumiti lang ako ng bahagya. "Salamat," sabi ko. Tinignan ko naman 'yung segunda mano niyang sasakyan sa di kalayuan. "Regalo lang 'yan sakin," sabi ko pa. Baka kasi isipin niya pa kung paano ako nakabili ng ganoong klase ng sasakyan samantalang pareho lang naman kami ng sinasahod.
"Wow! Ang galante naman ng nagregalo sa'yo! Yamanin! Manliligaw mo?" Err. Okay hindi ko naisip 'yun. Oo nga naman, sino naman ang magreregalo sa akin ng ganitong klase ng sasakyan?
Iling lang ang isinagot ko saka naglakad na papuntang elevator. Sumunod naman agad siya at sumabay sa akin sa paglalakad. Hindi na kami nag-usap hanggang sa makarating kami sa working station. Hindi naman kasi kami ganun ka-close. Nag-uusap lang kami ng matagal pag nand'yan si Karen.
Napatigil ako sa pagbababa ng gamit ko nang makita 'yung nasa desk ko. Isang plasic ng donut na may sticky note na nakadikit.
Jill,
Don't wait for me later.
Sorry.
-Tommy
Yeah, inaasahan ko naman nang hindi siya agad uuwi mamaya. But anyway, natuwa ako sa gesture niya. At talagang choco butternut pa ng flavor na binili niya ha? Wala sa sariling kumagat ako nun habang inaayos ang gamit ko. Mayamaya eh naisipan kong itext na lang siya.
To: Tommy
Take care. Love you.
Hindi siya sumagot kahit na pagkatapos pa ng ilang oras pero hindi ko na lang pinansin. Sobrang busy niya nga talaga siguro.
~*~
"Papa!" Sinalubong ko agad ng yakap si Papa pagkalapit ko sa kanya.
Nagkita kami ngayong dinner dito sa Megamall. Niyaya niya ako since matagal na raw kaming hindi nagbo-bonding. Pumayag agad ako dahil gusto ko na rin naman ulit makasama si Papa. Saka gagabihin naman ng uwi si Jace so okay lang.
"Oh, Lana. How's my little angel?"
Natawa ako. "I'm not little anymore, Papa. I have a... guy, or whatever you'll call him who's sharing my life with me and planning to have our own little angel."
Nakitawa naman si Papa sa akin. "Oh, I don't know about that! I wasn't informed!" Hinawakan pa ni Papa 'yung dibdib niya na para bang nasaktan dahil hindi niya alam ang tungkol dun.
Kumapit ako sa braso niya saka siya hinila papunta sa Bonchon. Doon kami kakain(dahil request ko) kaya naman hindi siya makapalag kahit na sa Jolibee ang gusto niya. Ang cheap 'no? Ganito talaga kami. Hindi naman kasi kasi nasasatisfy sa pagkain ng mga sosyal kaya sa mga fast food resto kami kumakain.
BINABASA MO ANG
The New Boss is My Husband?!
Romance[Completed] One True Love Series #1 Lana is living her life on her own terms, free from an arranged marriage and focusing only on her work. And then her husband Jace walks back into her life--as her boss! As if seeing him at work everyday wasn't bad...