Kabanata XVI

211 15 5
                                    

Erenz Camia

Nakatulala ako sa harap ng bintana at pinagmamasdan ang mga punong sinasayaw ng hangin at mga ibon na nagliparan. Naaamoy ko din ang usok na alam kong si kusina namin nang gagaling. I have this weird feelings since last night.

Kagabi ay inanunsyo ni papa na dito daw maninirahan sa sina Heneral Fabio at ang kanyang anak na si Analia, sa kadahilanang nasunog daw ang kanilang tahanan. Siguro kaya kami pinauwi ni papá kahapon. Tsk! Andito ako sa loob ng kwarto dahil ayuko makisalamuha kay Analia at sa kanyang tatay na sinagot sagot si papá sa real audencia psh.

Ganoong ganoon ang pagmumuka ng napapanood kong kontrabida e. charot! Kung bakit ba naman dito pa sila titira hays.

BLAAAAAAG!

Napalingon ako ng mga bagay na bumagsak sa aking likuran. Nang lumingon ako ay nakita ko si Guinevere na nakaupo sa kama ko na naka crossarmed at masama ang tingin sa akin. Ang bagay namang bumagsak ay ang aking maleta.

"How dare you na ipakuha ang mga gamit mo sakin! I hate you Camia!"

Natawa ako dahil sa pagmamaktol nyang iyon. Kagabi kase ay tinawag ko sya at pinakiusapan na kung maaari ay dalhin ang ilang gamit ko mula sa taong 2020. No! Hindi ko sya pinakiusapan, inuto uto ko lang ang batang to. Sabi ko kung makapangyarihan sya ay magdala sya ng gamit mula sa taong 2020 dito sa 1890 at yun nga heto sya ngayon saking harapan.

"Thank you Guinevere! You're truly a goddess." Kinindatan ko ito at inirapan naman nya ako.

"Dyan kana nga! Che!" Bigla itong naglaho sa isang pitik lang ng kamay nya.

Excited kong binuksan ang aking maleta. May sticker pa ito ng watawat ng Pilipinas at kung anu-ano pa. It's a huge maleta, ginagamit namin to pag may malayo kaming mission o kaya naman out of town. Nang mabuksan ko iyon ay tumambad sakin ang ilang piraso kong under wear, a lot of cup noodles, biscuit, Yakult, at kung anu ano pang essential. At ang pinaka mahalaga ay ang ibat iba kong klase ng baril na nakalagay sa ilalim na bahagi ng aking maleta. My babies!!! I really miss you mga anak!

"Binibini!"
Dali dali kong isinara ang aking maleta at itinago ito sa ilalim ng aking kama.

"Pasok!"
Matapos kong ilagay ang aking maleta sa ilalim.

"Binibini patawarin mo ako, hindi kita naipagluto ng tinapay sa kadahilanang hindi po ako nakapagpadaig ng apoy, nabuhusan na po ng tubig nina ate Francia ang kanilang apoy kaya't hindi ako nakahingi." Mahabang paliwanag ng nakayukong si Angelito. Lumapit ako sa kanya at iniangat ang kanyang balikat.

"Ayos lamang iyon Angelito"

"Hayaan mo po Binibini, pag aaralan ko pong mabuti ang pagpapalingas ng apoy." Natawa ako sa kanyang sinabi.

Hinila ko sya sa tapat ng aking kama at hinila ko ang aking maleta.

"Ano ang kakaibang bagay na iyan? Binibini! Ngayon lamang ako nakita ng ganyan." Bakas sa muka nya ang pagkamangha at pagtataka.

"Ang bagay na ito ay tinatawag na maleta, Angelito. Kung maaari ay tayo lang dapat ang makakaalam nito. Okay?" Ngitian ko ito habang binubuksan ang aking maleta. Kahit naguguluhan ay tumango ito habang namamangha.

"Binibini ano ang makukulay na ito? Maaari ko bang hawakan?" Nakatingin ito sa isang pack ng jelly ace.

"Sige,gusto mo ba nyan? Favorite ko yan e." Kinuha ko mula sa kanya ang isang balot na jelly ace at kumuha ako ng tatlo doon at binigay sa kanya.

Sinilip, sinuri at inalog nya iyon. Natawa ako dahil doon kaya kinuha ko ito saka binuksan para sa kanya.

"Kainin mo, masarap yan hehe" Kinuha nya iyon at sinubo kahit nag aalinlangan. Nanlaki ang kanyang mata.

Mi AmoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon