Kabanata II

854 48 0
                                    

Erenz pov

"Hihintayin kita sa ating tagpuan, umaasa akong babalik ka upang tuparin ang iyong pangako. Te Amo Mi Amore"

Kringgggggggg!

Agad akong napabalikwas ng marinig ko ang malakas na tunog ng aking alarm clock. Pinahid ko ng marahan ang aking noo na pawis na pawis. Napatingin ako sa aircon sa aking silid. Bukas naman ito pero bakit ako pinagpalawisan tsk tsk. Bumangon na ako at kumuha ng tubig sa aking mini ref at uminom ng sagad.

Simula ng magbirthday ako nung nakaraang buwan ay hindi na ako pinatahimk ng aking panaginip. Tungkol ito sa isang lalaki na palaging nag aantay sakin sa parola.

Ang weird ha, sobrang vintage nung lugar at setting ng aking panaginip. Hinilot ko ang aking ulo saka dumaretso saka naligo.

******

"Good morning Erenz!"
Masiglang bati sakin ni Franzy ng maabutan ko sya sa office.

"Morning. Anong nakain mo Guevara? At napaaga ka yata?"
Sagot ko dito.

"Hello, May mission tayo mamayang gabi no. Ako yung magdedesguise bilang janitress dun hahaha. Kaya mauuna na ako ngayong umaga kesa sa inyo."

"Ganun ba? Ede good luck pala sa trabaho mo? Ayusin mo ang paglilinis sa museum hahahaha"
Birada ko pa dito.

"Oh yes at saka Museum yun! Marami akong makakalap na bagong impormasyon about sa history no. Baka mahanap ko ang sagot sa museum na yun kung bakit pinatay yung babae sa history. Ikaw ba naman ang barilin on the spot sa ulo ng walang dahilan no!"
Inaayos nya ang kanyang uniporme na pang janitress na ngayon ko lang napansin.

"May hidden agenda pala ang kingina."
Asik ko sa kanya

"Hahahahaha well."

Inaayos ko ang mga gamit ko at saka tinanggal ko ang aking baril saking bewang at saka binuksan ito At nilagyan ng mga bala ang magasin nito.

"Bye Erenz gotta go!"
Paalam nya sakin saka bumeso sakin.

"Wait! Wag mong sabihing dadalhin mo yung sport car mo?"
Pigil ko dito ng makarating ito sa pintuan.

"Bakit may problema ba dun?"

"Janitress ka tapos naka sport car ka? Sana ayos ka Lang Guevara."
Asik ko dito.

"Ay Oo nga no? Buti ipinaalala mo."
Kunot noo nyang kinuha ang susi nya saka binigay sakin.

"Sayo muna yan ha"
Matapos nyang kunin ay ibinato nya ito sakin.

"Good morning Inspector Guevara at Inspector De Chavez."
Napatayo ako ng pumasok si Hepe sa aming opisina.

"Good morning Hepe."
Sumaludo kami ni Franzy matapos naming batiin ito pabalik.

"Inaasahan kong bibigyan nyo ang kaso na to ng matalinong pansin. This is one of the big case that we are handling now. Maasahan ko ba yun?"

"Yes sir!"
Tugon namin.

"Kaylangan natin ng ibayong pag iingat para dito. Lalo ka na Inspector Guevara."

"Yes sir."
Yumuko si Franzy kay Hepe na akala moy pinapagalitan ng ama.

"Makakaalis ka na"

Mi AmoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon