Kabanata VI

699 54 6
                                    

Third person point of view

Malayo ang tingin ng binatang si Gael Velez sa sala ng tahanan ng pamilya Guerrero. Ilang taon na ang nakakalipas ng dumating sya sa Las Islas Filipinas.

"Mukang malalim yata ang iniisip ng aking kaibigan, Ano iyong gumugulo sa iyong isipan? Tila masaya ka yata sa iyong pagmumuni muni." Naabutan siya ni Senior Matthew Guerrero sa kanyang pag iisip, ang unico hijo ng mag asawang sina Don Agustin At Doña Estrellana na syang tinutuluyan ng binatang si Gael.

"Iniisip ko lamang ang napakagandang Binibini na nakita natin kahapon. Kakaiba sya sa lahat ng binibini na aking nakita dito sa atin."

"Y Ella es una mujer encantadora."
(And She is a charming woman) Dagdag pa nito ng may ngiti sa labi.

"Tila nabihag ng binibining iyon ang iyong puso At ganyan nalamang ang epekto sayo." Tukso pa ng kaibigan nito sa kanya.

"Hindi ka nagkakamali sa iyong tinuran. Ella es muy valiente, upang gawin ang ganung bagay." (She is very brave) Pag sang-ayon niya sa kanyang kaibigan.

Ang tinutukoy nila ay ang Binibining nakita nila sa bayan ng Baler kahapon lamang habang Silay namamasyal ng kanyang kaibigan si Matthew.

Sa di kalayuan ay nasaksihan nila ang ginawang paghabol ni Camia sa magnanakaw at kung paano nito nilabanan ito. Kitang kita sa mga mata ng binatang si Gael ang labis na paghanga kay Camia dahil sa angkimg galing nitong pakikipaglaban. Idagdag pa dito ang ginawa nitong pagtatanggol sa inosenteng batang napagbintangan ng Doña. Kapansin pansin sa muka ng Binibining bumihag sa kanyang puso ay walang emosyong makikita. Ngunit kahit ganoon ito ay hindi maitatanggi na bukod tangi ang kanyang kagandahan sa lahat ng Binibining naninirahan sa bayan ng baler maging sa Espanya.

"Ano ang iyong balak?" Pag uusisa ng kaibigan nyang si Matthew.

"Gusto kong makilala ang Binibining iyon. Hindi mahalaga sa aking ang antas ng kanyang pamumuhay." Nakangiting sagot ni Gael.

"Batay sa aking pagsusuri, Hindi sya pangkaraniwan lamang. Kapansin pansin na galing sya sa mga maharlikang pamilya tulad natin."

"Iyon din ang aking napansin."

"Ngunit may isa kang suliranin na dapat mong solusyunan."

"Ano iyon?" Biglang nagbago ang timpla ng muka ni Gael ng sabihin iyon ng kanyang kaibigan.

"Hindi ba't nakatakda ka ng ikasal sa unica hija ng mga De Chavez na kapatid ng ating kaibigang si Luiz,"
Pagpapaalala nya sa kasunduang kasal nila ng anak ng Gobernador Heneral walong taon na ang nakakalipas.

Ang Gobernador Heneral ay matalik na kaibigan ni Duke Alonzo Velez na siyang ama naman ni Gael. Ngunit mas malapit ang loob ni Gael sa Gobernador Heneral, dahil hindi maganda ang trato ng duke sa anak nyang bunso na si Gael.

"Naisip ko na rin iyan, mabait sa akin ang Gobernador Heneral, ipagtatapat kong hindi ko nais maikasal sa kanyang anak sapagkat may iba na akong napupusuan."

"Pumayag kaya ang Gobernador Heneral sa iyong nais?"
Tanong muli ni Matthew sa kaibigan.

"Maiintindihan ako ng Gobernador Heneral sapagkat alam kong Ayaw din naman nyang matali ang kanyang anak sa taong may iba ng iniibig."

"Kung Ano ang iyong nais ay susuportahan kita." Yun nalamang ang naisagot ng ni Mattew sa kanya.

"Bueno, akoy magpapaalam na sa iyo upang sadyain ang Gobernador Heneral sa kanilang hacienda." Tumayo ito nagpaalam sa kanyang kaibigan.

"O sya mag iingat ka, patnubayan ka Sana ng dios sa iyong pag ibig."
Tukso ng kanyang kaibigan.

Ngiti Lang ang isinagot ni Gael sa kanya at saka tinalikudan. Sumakay ito kanyang kabayo saka pinatakbo papunta sa hacienda ng mga De Chavez.

* * * * *

Mi AmoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon