Kabanata XV

602 41 19
                                    

Erenz pov

Nagising ako dahil may kung anong humahaplos sa aking muka.

“Anong ginagawa mo?” Nagtatakang tanong ko kay Gael na nakaupo sa tabi ng duyang aking kinalalagyan.

“Pasensya na Binibini sa aking kapanghasan.”Kitang kita sa kanyang muka ang pagkapahiya dahil nahuli ko syang ginagawa nya yun.

“Hokage ka rin e no? Teka hapon na pala.” Mapupula ang langit ng sulyapan ko ito. Siguro ay pasado alas kwatro na ng hapon.

“Maaari ba akong umupo sa iyong tabi Binibini?” Iyon na yata ang pinakamatamis nyang ngiti na mahirap tanggihan.

“Ano? S-Sige.” Umisod ako ng kaunti upang syang makaupo. Ayon nanaman ang kakaibang pakiramdam. Masyadong nakakakaba pero masarap sa pakiramdam. Lalo ng nagkanda buhol buhol ang tibok ng ng aking puso ng dumikit ang kanyang braso sa aking braso. Malala na to, hindi ko na alam kung akoy makakaahon  pa sa tindi ng pagkaakhulog ko sa kanya. Inayos nya ang aking saya na bahagya nyang naiipit at tumingin sa akin. Napasighap naman ako at dali daling umiwas ng tingin.

“Gusto mo ba talaga maging guro?” Maya mayay tanong nya. Kung hindi ako nagkakamali ay natatandaan padin nya na gusto ko maging guro at hindi ang pumasok sa beatro.

“Hindi naman gaano, bakit mo nga pala natanong?” Dahil sa usapang iyon ay medyo nawala ang ang aking kabang nararamdaman.

“Dahil katulad mo rin ay hindi ko nais ang aking propesyon. Lumaki akong sumusunod lamang sa utos ng aking ama. Noong sinabi kong nais kong maging engeniero, nagalit lamang sya at sinabi nyang wala akong patutunguhan sa pagiging engeniero.” Dahil doon ay napalingon ako sa kanya.

“Anong engeniero?” Takang tanong ko dito.

“Sa wikang tagalog ay inhenyero.” Engineer??

“Talaga? Gusto mo maging engineer?"

“Engineer? Ano iyon?” Takang tanong nya.

“Yun ang english sa engeniero.” paliwanag ko sa kanya.

“Ganun ba, oo Binibini nais kong maging engineer.” Nakangiting sagot nya sa akin.

“Parang mahal na yata kita.” Biro ko dito.

“A-ano iyon Binibini?” Takang tanong nya.

“Wala, sabi ko kung sa panahong 2020, sigurong kababaliwan ka ng mga teenager at college students kung malalaman nilang gusto mag engineer.” Nalilito syang umiling.

“Hindi ko lubos maunawaan Binibini ang iyong sinambit.” Napangiti ako dahil doon. He look so innocent.

“Sabi ko, sana sa hinaharap ay matupad ang iyong pangarap na maging engineer.” I look at him and gave him genuine smile.

“Maraming salamat Binibini, at hinihiling kong sana ikaw padin aking magiging kabiyak.” Nawala ang aking ngiti at napalitan ng pag iinit nga aking pisngi.

"A-ah mabuti pang bumalik tayo sa kanilang bahay." Pagiiba ko ng usapan. Nauna syang bumaba sa duyan at saka ako inalalayang bumaba. Yumuko din sya upang ayusin ang gusto ng aking saya. God, bakit naman po ganito ang lalaking ito.

"Binibini at Ginoo, halina na po kayo at pinapatawag na po kayo ni ate Francia upang tayo ay magsasaka salo sa hapunan." Hindi namin napansin si Francisca na nasa aming harapan.

"Gracias Francisca" Tugon ni Gael at sabay kaming naglakad patungo sa kanilang tahanan.

Naabutan namin doon ang buong mag-anak nina Francia. Teka nasaan si kuya? Inilibot ko ang aking paningin at nakita ko si kuya sa di kalayuan na nakahubad ito at nagsisibak ng kahoy. Agad hinanap ng mata ko si Francia at kapansin pansin ang pagiging aligaga nito hahaha. So affected si Francia sa kuya ko. Kapansin pansin din ang malimit na pagsulyap nito kay kuya.

Mi AmoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon