Erenz pov
"Binibini, ako ang malalagot kapag nalaman ito ng Gobernador Heneral"
Reklamo ni Francia habang kumukuha ng damit nya na mga luma sa kanyang balutan.Alas singko palang ng umaga ay tumungo na ako dito sa kwarto ng mga kasambahay at panay ang reklamo ni Francia mula ng sabihin kong pahiramin nya ako ng mga lumang damit.
"Hindi ka malalagot dahil hindi mo naman ako isusumbong diba?" Nanlaki ang mata nya habang tumigil pa ng bahagya sa paghahanap ng pinakalumang damit.
Hindi din naman ako makahiram kay aleng Wilma sapagkat hindi kasya sa akin kanyang mga damit. Masyado namang hapit sa akin kung hihiramin ko yung kay Bonita. Wait a minute—
"Adela? Adelya? Maaari ko bang mahiram din ang inyong kasuotan?"
"Ngunit Senyorita ang aming kasuotan ay hindi nababagay sa isang katulad nyo." Nakatungong sagot ni Adelya.
"Maaari rin po kaming managot sa Gobernador Heneral kapag nalaman nyang pinasuot namin sa inyo ang aming lumang kasuotan." Ganun din ang itsura ni Adela
"Ayos lang yun, hindi nya naman malalaman e, promise papalitan ko naman e. It's just, I can't find the dress like that in the town."
"Mawalang galang na Binibini ngunit para saan ba ang mga kasuotan na iyong hinihiram?"
Nilingon ko si Aleng Wilma ng itanong nya iyon."May mahalaga lamang akong gaganapan bilang isang kasambahay."
"Ang ibig sabihin nyo po ba ay gaganap kayo bilang manananghal sa entablado?"
Theater?
"A-ah yun nga, tama ka Bonita."
Hindi ko pwedeng sabihin sa kanila ang totoong gagawin ko kaya siguro pwede na din to hehe."Kung ganun ay ibibigay nanamin ang aming kasuotan sa iyo Binibini."
Sagot ni Adelya."Gracias!" Paalam ko sa kanila ng lisanin ko ang kanilang silid.
Pers taym ko mag Spanish language tas sobrang babaw pa wew!
Agad kong pinalitan ang aking damit ng lumang kasuotan at pagkatapos noon ay lumabas na ako ng bahay.
"Kakaiba ka talaga Binibining Camia, kahit luma na ang iyong kasuotan ay lumilitaw pa rin ang iyong kagandahan."
"What the?? You startled me you know?" Nagulat ko kay Francia ng sumulpot bigla sya sa dilim malapit sa May pinto.
"Hindi ko man naiintindihan ang iyong sinambit, ngunit sa iyong muka ay nagulat kita Binibini. Paumanhin, nandito ako upang ipaalala sa iyo na mag iingat ka sa iyong gagawin." Saka nya ako tinalikudan na para bang may ibang kahulugan ang kanyang sinabe. Hindi ko nalang pinansin At nagtungo ako sa kwadra ng mga kabayo.
"Magandang umaga Binibining Camia, Batid mong hindi ako sang-ayon sa Plano nyong dalawa ng aking anak na si Ginorcio, ngunit wala naman akong magagawa. Naway patnubayan kayo ng panginoon At sana'y mag tagumpay kayong dalawa."
Namataan ko si Mang Tino na taimtim na nag iintay sa mga kwadra ng kabayo habang hawak si Rara, iyong kulay puting kabayo na nagustuhan ko sa lahat ng kabayo sa hacienda."I'll keep that in my mind Mang Tino, Salamat." Sagot ko rito.
Hindi ko na inintay pa ang sagot nya At nagmadaling pinatakbo si Rara papuntang simbahan ng Baler.
*****
"Nakakamangha, iyo na ring alam ang pangangabayo Binibini?" Salubong sakin ni Gino ng makababa ako ng kabayo. Mahirap magpatakbo lalo kung nakasaya ka ng mahaba tss. Try nyo din minsan.
BINABASA MO ANG
Mi Amore
Historical FictionKilala bilang isang magaling na pulis si Erenz Camia De Chavez o mas kilalang Inspector De Chavez sa kanilang departamento. Pano ba naman sa edad na bente tres ay umaani na sya ng iba't ibang parangal mula pamahalaan dahil sa angking galing nya sa p...