Kabanata XII

507 43 4
                                    

Erenz pov

“Mukang malalim yata ang iniisip nyo Binibini?” Tiningnan ko si Angelito na naglapag ng tinapay saking harapan.

“Salamat, huwag mo akong intindihin. Inaantok lang ako.” Pagdadahilan ko dito

“Kulang po ba kayo sa tulog Binibini?” Usisa pa nya.

“A-ahh Oo nagbasa kase ako kagabi ng aklat.” Wtf Erenz kaylan ka pa napuyat sa pagbabasa ng libro.

“Napakatalino nyo talagang Binibini.” Nasamid ako sa sinabi nyang yun. Muntik ko pang mailuwa ang iniinom kong mainit na kape.

“Ayos ka lamang ba Binibini?” Tanong nito na akmang lalapit pa sana sa kinatatayuan ko.

“Ayos lang ako masyado lang mainit ang kape.” Anong matalino sinasabi nya tsk tsk. Eh puro tres nga grades ko sa minor subject hehe.

“Ganun po ba?”

“Oo, pwede ka ng bumalik roon.” Utos ko dito.

“Masusunod Binibini, akoy tutulong na lang muna kay Mang Tino.”

“Sige.” Yumuko ito at saka tuluyan ng umalis.

Kumuha ako ng tinapay at inis na kinagat iyon. Potek na Gael na yun, hanggang ngayon ay kinokonsensya pa rin ako. Araw araw syang nagpapadala ng bulaklak pero hindi nagpapakita amputa. Tinapos ko na ang pagkakape at kinuha ko ang lalagyan ng tinapay upang ibigay kina Francia.

"Anong meron?" Naabutan ko sina Francia na nagpapalit ng kurtina. Actually kanina pang abala ang mga kasambahay sa paglilinis ng bahay.

"Hindi po bat darating na ang gobernador heneral kasama ang iyong kapatid na si ginoong Luiz, kaya responsibilidad naming paghandaan ang kanilang pagdating Binibini." Paliwanag ni Francia.

"Ah oo nga no? Sige Heto mag tinapay na muna kayo. Maaga pa naman." Ipinatong ko sa lamesita ang pinggang may tinapay.

"Nasa inyong silid na Binibini ang mga bulaklak na ipinabibigay ni Ginoong Gael kanina bago pumutok ang araw." Magalang na sabat ni Adelya.

"S-salamat,"

"Nauutal ang Binibini." Nang aasar na wika ni Francia.

"Che!" Pagsusungit ko dito saka ko ito tinalikuran. Dinig ko pa ang paghagikhik nito sa aking likuran. She's like Franzy! She is so annoying!

Lumabas ako ng bahay at naabutan ko ang marami na abala sa mga nakaassign na gawain.

"Magandang umaga Binibining Camia," Sabay sabay nilang bati at saka itinigil saglit ang kanilang ginagawa upang yumuko sakin.

"Magandang umaga rin sa inyo." Balik ko sa mga to. Pagkatapos noon ay naglakad lakad ako sa taniman ng mga bulaklak. Siguro kung sa panahon ko yo, ang sarap siguro mag jogging dito tuwing umaga. Masyadong nakakarelax sa pakiramdam. Kung makakabalik pa ako sa 2020, aalagaan ko ng mabuti ang mga tanim na bulaklak ni lola. Promise yan!

Napagawi ang tingin ko sa sunflower field at ang daan patungo sa sinilungan namin nung umuulan, hanggang ngayon sariwa pa rin sa akin ang nangyari ng araw na yun.
Uh-oh this is bad idea!  Iniwas ko ang paningin ko dun.

"Anak ng tipaklong! Anong ginagawa mo dyan?" Hindi ko napansin ang presensya ni Gino na nasa likod pala kanina.

"Pasensya na Inspector kung ikaw ay aking nagulat." Nakayukong paumanhin nya.

"Anong kailangan mo?"

"Naparito ako upang anyayahan ka sa isang piging." Sagot nya.

"A-anong piging?"

Mi AmoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon