Kabanata XVII

342 17 17
                                    

Erenz pov

Naalimpungatan ako dahil sa tilaok ng manok, napatingin ako sa maliit na orasang kasama ng bagahe na dinala ni Guinevere. It's 4:23 in a morning. Bumangon ako at nag inat, Buhat sa liwanag ng lampara ay nakita ko ang aking sarili sa salamin, at doon ko lang napansin na humahaba na pala ang aking buhok at wavy ito, marahil ay sa kapupuyod. Nagpalit na ako ng damit, at saka bumaba.

"Magandang umaga Binibining Camia, nais nyo po bang uminom ng kape?" Salubong sakin ni Adelya ng makababa ako ng hagdan.

"Sige, salamat" tanging tugon ko dito.

Lumabas ako ng bahay para panoorin ang sunrise, ngunit si papa ang natanaw ko sa di kalayuan. Sa ilalim ng puno ng mangga ay may lamesa doon at upuan na yari sa bakal.

"Hija, ano at ang aga mo magising?" Tanong ni Papa ng matanawan ako.

"Hindi na po ako makatulog papa," tanging sagot ko na lamang at umupo sa harap nya.

"Kayo po ba, bakit ang aga nyo?" Dagdag ko pa,

"Naghahanda ako ng aking dadalhin bukas sapagkat pupunta akong Sentro dahil may aasikasuhin ako doon hija. Nais mo bang sumama?" Nakangiting tanong nya sa akin.

"Makakaabala lamang ako sa inyo papa, dito nalang ho ako. Pasalubong nalang ho haha" Mahinang sagot ko sa kanya. Masaya pala sa pakiramdam ang may amang kasama, salamat at muli kong naramdaman ang may isang ama Guinevere.

"Narinig ko ang iyong sinambit munting Binibini, ano ang gusto ng aking unica hija?" Narinig nya pa iyon?

"Nais ko ho sana ng kwintas na may litrato nating tatlo ni kuya at saka ho ng tikoy hehe " Napakamot ako sa batok ng sabihin ko iyon. Nakakahiya teh anuba! Gusto ko lang naman ng kwintas para madala ko sa panahong 2020 at may remembrance manlang ako.

"Iyon lamang ba? Bueno masusunod ang iyong nais aking anak." Sagot nya.

"Ano ang inyong pinag-uusapan at hindi ako imbitado? Hindi na ba ako pamilya dito?" Sabay kaming napalingon ni papa kay kuya Luiz na may dalang tatlong kape.

"Nagpapaalam lang ako sa iyong kapatid na akoy luluwas sa Sentro upang asikasuhin ang ipapadalang dokumento sa Espanya." Sagot ni papa.

"Hindi mo pa ba alam Camia?" Tanong ni kuya habang inilalapag ang dala nyang kape.

"Ang alin kuya Luiz?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Na mag reretiro na ako bilang Gobernador Heneral, upang makasama kayo bago ka ikasal Camia, Nais ko ng lumagay sa tahimik." Si papa ang sumagot at saka sumimsim ng kape at umiwas ng tingin.

'Sanay naririto pa ako Mr. Thiago De Chavez ng mga panahong yan. Even me, i like to be with them ng mas mahaba pa.'

Bigla akong nakaramdam ng lungkot dahil doon.

Nagtuloy tuloy ang aming usapan, puno ng tawanan dahil narin sa mga kwento ni kuya Luiz noong mga bata pa sila ni Camia, the real Camia in this time. Naiinggit ako ng unte kase hindi ko iyon naranasan.

"Maigi pa ay tayo munang sumakay sa kabayo upang panoorin ang pagputok ng araw bago ako umalis" Suggest ni papa, at sumang ayon naman kami ni kuya Luiz.

Naghanda na nga kami ng aming dadalhin sa aming pamamasyal. Naligo ako at nagpack ng mga biscuit, skyflakes na plain lang iyon. Nilagay ko iyon sa isang shoulder bag na maliit pagkatapos niyon ay pumunta ako sa kusina at doon pinaglalagyan ng peanut butter ang mga biscuit kong dala. Nang makalabas ako ay naabutan ko si Angelito may inaabot na supot kay kuya Luiz.Pero bago iyon ay naabutan ko din sa sala si Heneral Fabio na umiinom ng kape habang may tabacco na hawak. Oo nga pala, muntik ko ng makalimutan na may kasama nga pala kami sa bahay. Hindi ko alam kung masama ba sya maningin o ganun lang talaga ang paraan nya ng pagtingin. Kakaiba talaga ang pakiramdam ko sa kanya yung tipong wala pa mang ginagawa sa akin ay naiinis na ako. Tsk tsk tsk.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 17, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mi AmoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon