Kabanata VIII

622 44 5
                                    

Erenz pov

"Papá, saan po kayo patungo?"
Naabutan ko si papá sa sala ng ako'y bumababa ng umagang iyon.

"Akoy patutungo sa Real Audencia upang tunghayan ang kaso ng pagkamatay ni Padre Froncio,"

"Sino pong pari ang inyong tinutukoy?"
Pag uusisa ko pa.

"Ang prayleng aking tinutukoy ay ang inyong naabutan noong kayo'y dumalo ng misa noong nakaraang linggo."
What? Patay na ang pari na yun? Napakabilis naman yata ng karma. Isang linggo na ang nakakalipas noon magmula ng kamiy sumimba sa simbahan ni Aswang na si Gael. Alam kaya nun na patay na ang prayleng.

Speaking of that aswang? Ang sabi nya ay may aasikasuhin sya kaya mawawala daw sya ng dalawang linggo. Tss para namang may pake ako.

"Pwede po ba akong sumama?"
Kumunot Lang ang noo ni Gobernador Heneral dahil sa sinabi ko.

"Hija hindi ka nababagay sa ganoong lugar."

"Sige na po papá, wala din naman po akong gagawin dito sa bahay." Tsk Sana gumana ang convincing power ko.

"O sya kung iyan ang iyong nais. Mauna na ako sa labas ng ating tahanan upang ikaw ay maka pag ayos ng iyong sarili. Huwag mong kalilimutan ang iyong abanico Camia, naiintindihan mo ba?" Pagpapaalala ni papá, pati ba naman ang abanico ay hindi nalimutan tsk tsk.

"Masusunod po."
Yun nalang ang sinagot ko saka nagmadaling pumunta sa aking silid.
Nagmadali na ako sa paliligo at pag bibihis ng barot saya.

"Mukang may mahalaga yatang patutunguhan ang Binibining Camia."
May halong pang aasar ang boses ni Francia.

"Anong gusto mong iparating? Kung ang iniisip mo ay makikipag kita ako kay Gael ay nagkakamali ka tss"

"Wala pa man akong sinasabi ay tinutukoy na agad ng Binibini ang makisig na si Ginoong Gael." At doon nag init ang aking pisngi. Gago tong babaeng to ah.

"Tss," nilamapasan ko na sya At dumaretso sa labas ng bahay.

Pumasok na ako sa loob ng kalesa kung nasan si Papá at ilang gwardiya sibil.

* * * * *
Tahimik ang daan At tanging ingay lang ng kalesa ang maririnig ng oras na iyon.

"Nabalitaan ko ang iyong ginawa sa mga maniningil na gwardiya sibil noong nakaraang linggo." Lumingon ako kay papá ng sabihin nya iyon. Seryoso Lang syang nakatingin sakin. Galit ba sya? Yari! Erenz you're doom.

"Patawad papá subalit hindi ko ho kayang makita na nang aabuso sila ng mga mamamayan. Lalo na ang mga matatanda na naghirap sa pag kita ng salapi." Nakatungong Paliwanag ko. Sa tagal ko ng pananatili dito ay bibihira na akong gumamit ng English.

"Hindi mo kailangan humingi ng tawad sapagkat tama lamang ang iyong ginawa ngunit ang hindi ko nagustuhan ang iyong ginawang pakikipaglaban. Papaano kung may mangyaring masama sa iyo?" Batid ko na May halong pag aalala ang kanyang sinabi.

"Ayos lamang ho ako papá."

"Tiyak na magkakaroon nanaman ng poot sa akin ang iyong kapatid kapag nabalitaan niya ang nangyari sayo. Isa akong kapitan-Heneral, marami narin akong digmaang napagtagumpayan ngunit ako ay mahina pagdating sa aking pamilya. Nag simula ito sa iyong ina. Isa syang anak ng koryano at indio. Noong una ay isa rin ako sa mga malulupit na kastila na nagpapahirap sa mga indio. Ngunit ng makilala ko sya ay nagbago ang aking pananaw, ginawa ko ang lahat upang maging katanggap tanggap ako sa isang tulad nya. Marami kaming pag subok na pinagdaanan bago namin makamtan ang isat isa. Hindi nagtagal ay isinilang nya si Luiz na ngayon ay bente otso na, siya ay ka ugali ng inyong ina ngunit nakuha ang aking pisikal na hitsura. Ikaw naman ang sumunod na ngayon ay bente tres na. Nakuha mo ang muka ng iyong ina, akala ko ay sya na ang pinakamaganda na aking nakita ngunit ng isilang ka ay perpektong hitsura ang aking nakita. Nakuha mo naman ang ugali ko. Kaya nais kong manirahan ka dito upang mahalin mo ang iyong bayan. Nangangamba ako dahil sa loob ng treseng taon ay baka isa ka narin sa malupit sa kapwa mo Pilipino, dahil sa paninirahan mo sa espanya. Ngunit ako ay namanangha sa iyo sapagkat hindi ka nagkaganun."
Taimtim akong nakikinig sa kanya at unti unti kong nauunawaan lahat ng sinasabi nya.

Mi AmoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon