Erenz pov
Pasado Alas otso na ng umaga ngunit heto padin ako nakahiga sa aking higaan at nakatulala sa kisame. Hindi parin ako makapaniwala sa nangyari kagabi. Waaaaaaaaah! Nakipaghalikan ako kagabi huhu. Hindi ko maigine na maeexperience ko yun at sa taong 1890 pa!??
Napahilamos ako sa muka ko dahil sa mga naisip ko.
"Sino Yan?" Balikwas ko ng may kumatok sa pintuan.
"Binibining Camia, ako ito si Francia. Maaari ba akong pumasok sa iyong silid?"
"Sige pasok ka." Umayos ako ng upo dahil doon.
"Magandang umaga Binibini, narito ako upang magpaalam na akoy lilisan muna ngayong araw ng sabado." Nakangiting bungad nito sa akin.
"Saan ka pupunta?"
"Ngayong araw po Binibini ang takdang araw ng aking pahinga kung kaya't akoy paroroon sa aking pamilya." Rest day ganun?
"Hanggang kelan ka doon?" I asked.
"Sa darating na linggo ng hapon ay muli akong babalik dito at sya nga pala Binibini, nariyan nga pala si Ginoong Gael." Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. Potek hindi pa ako handang makita sya huhu. Nag iinit ang pisnge ko dahil sa katotohanang makikita ko sya ngayon.
"M-maaari ba akong sumama sayo Francia?"
"Ngunit Binibini, natitiyak kong hindi papayag ang gobernador heneral sa inyong nais." Pagtanggi nya.
"Wag kang mag-alala ako ang bahala kay papà. Hintayin mo ako dito at magpapaalam ako, ipaghanda mo rin ako ng aking kasuotan." Naguguluhan man ay wala ng nagawa si Francia. Iniwan ko ito at nagtungo sa opisina ni papà.
"Oh hija ikaw pala, ano ang iyong sadya?" Bungad sa akin ni papà na ngayon ay busy sa pagsusulat.
"Papà, akoy magpapaalam sana sa inyo na akoy sasama kay Francia sa kanila kung inyong mamarapatin." Sana pumayag!
"Hindi ka ba mahihirapan doon? Payak ang pamumuhay nila doon at ang kanilang pamumuhay ay hindi gaya ng iyong kinagisnan dito." Paliwanag ni papa, sandali pa nyang inilapag ang kanyang pluma at pinagcross ang mga kamay.
"Batid ko iyon papà, ngunit nais ko sanang maranasan ang pamumuhay ng ating kababayan. Pangako ko sa inyong mag iingat ako." Pangungumbinsi ko dito.
"Kung gayon ay wala na akong magagawa dahil iyon ang kagustuhan ng aking unica hija. Ipangako mo lamang sa akin na iingatan mo ang iyong sarili habang ikaw ay naroroon." Dahil sa sinabi nya ay napangiti ako.
"Pangako papà," Lumapit ako dito at niyakap sya. Sa sandaling yun ay nakaramdam ako ng lungkot dahil isa ito sa mamimiss ko kapag bumalik ako ng 2020. Ang magkaroon ng pangalawang ama na mapagmahal.
"Mag-iingat kayo sa inyong daraanan." Pahabol nito ng kumalas ako sa kanyang yakap.
"Salamat po papà, kami poy Mauna na." Paalam ko dito at tuluyan na akong umalis at isinarado ang pintuan.
Bumalik ako sa aking silid upang yayain na si Franciang umalis. Naabutan ko syang nagbabalot ng aking damit sa isang supot.
"Tayo na Francia, pumayag na ang papà, salamat sa pagbabalot ng aking kasuotan." Kinuha ko ang supot at hinila na sya palabas ng aking silid.
"Mabuti at punayag ang gobernador heneral sa inyong nais Binibini."
"Oo, bastat magiingat lang daw ako."
"Saan ang iyong paroroon Binibini?" Napatigil ako sa paglalakad papalabas ng sala ng marinig ko ang boses ni Gael mula sa aking likuran.
"Binibini, kinakausap ka ng ginoo." Sinagi ako ni Francia at bahagyang bumulong. Unti unti akong lumingon at kaakibat noon ang matinding kana.
BINABASA MO ANG
Mi Amore
Historical FictionKilala bilang isang magaling na pulis si Erenz Camia De Chavez o mas kilalang Inspector De Chavez sa kanilang departamento. Pano ba naman sa edad na bente tres ay umaani na sya ng iba't ibang parangal mula pamahalaan dahil sa angking galing nya sa p...