Tulala akong nakatambay sa bintana ng silid na ito, panu ba naman ay wala akong ginagawa kahit ano, kung nasa panahong 2020 sana ako ay baka nasa office ako at gumagawa ng case report o kaya naman nasa isang operasyon. Ilang araw na akong pagani ganito lang sa bahay na ito and it's sucks me harder.Iniisip ko din kung bakit hindi ko maalala ang mga muka ng mga nakasalamuha ko sa future. Ano bang kababalaghan tong nangyari sakin. Mas gugistuhin ko pang pagaralan ang case study, kesa dito na hindi ko alam kung paano malulutas para makabalik ako sa dati. Hindi ako yung tipo na naniniwala sa mga fairytale, magic and whatsoever fantasy. Pero ngayon base sa nangyayari sakin ay kaylangan ko ng maniwala.
"Binibini!"
Tumingin ako sa ibaba ng bintana at nakita ko doon si Francia na may dalang basket. Gaya parin sya ng una kung nakita. Malawak ang ngiti na akala moy walang problema. Mapapa Sana all ka nalang talaga tsk tsk.
"Saan ka pupunta?"
Tanong ko rito."Sa bayan ng Baler Binibini!"
"Bakit?"
"Ako ang naatasan ng mayordoma upang mamili ng lulutuin sa araw na ito kung kaya't ako'y paparoon."
"Sama ako!"
Total Wala naman akong ginagawa kaya sasama nalang ako. Saka May gusto akong hanaping isang bagay. Ang salamin. Baka pag nahanap ko yun ay makabalik na ako sa panahon ko."Ngunit Binibini, Baka hindi matuwa ang Gobernador Heneral na ika'y sumama sa akin."
"No, problem! Hintayin moko sa baba. Papalam lang ako."
Hindi ko na inintay ang kanyang sagot at dali dali akong lumabas ng silid at pumunta sa opisina ni Mr. Gobernador Heneral.
Kumatok muna ako ng tatlong beses.
"Entra,"
(Come in)Ano daw? Dahil no choice ako ay pumasok na din ako kahit hindi ko naintindihan ang sinabi nya.
Tumambad sa akin si Mr. Gobernador Heneral na naka upo at nagsusulat sa kanyang mesa. Maraming tambak na papel ang nakapatong din dito. Nang naramdaman nito ang presensya ko ay tumingin ito sakin.
"Ahm good—Magandang umaga po
p—papá, magpapaalam ho sana ako kung pwedeng sumama ako sa bayan upang mamili?""Sigurado ka ba dyan hija? Nais mo bang pumunta sa pamilihan? Maputik sa palaisdaan at masangsang ang amoy doon?" Bahagya nitong ibinaba ang kanyang panulat. Kung hindi ako nagkakamali ay pluma ang panulat na yun. Wow! Cool!
"Ayos lang ho p-papá"
Sa ilang araw na pananatili ko dito ay hindi padin ako komportable na tinatawag ko syang papá."Kung ganun ay aatasan ko si Mang Tino upang ihatid kayo sa bayan. Nais ko ding may kasama kang gwardya personal."
"Ahh sige po"
Yun nalang ang nasagot ko, baka kase hindi pa ako payagan pag nagkataon.Tumayo sya at saka ako pinagbuksan ng pinto. Nang pababa ng kami ng hagdan ay tumigil ito.
"Sandali hija, nasaan ang iyong abanico? Nais kung palagi mong dala iyon upang hindi matitigan ng mga ginoo ang iyong muka." Lumingon ito sakin na sya namang ikinagulat ko.
"S-sandali Lang po papá kukunin ko lang. Nakalimutan ko ho kase."
"O sya sige mauna na ako sa baba dahil tatawagin ko pa si Mang Tino."
"Sige po."
Tumalikod na ito nakangiwi naman akong pumunta saking silid para habapin ang abanico na kanyang sinasabi. Speaking of abanico. Ano ba yun? Panyo ba yun? Malong? Panaklob daw ng muka amp! Binuksan ko isa isa ang drawer at nakita ko doon ang isang rectangular shape na kahoy at may nakalagay na "Abanico de Erenz Camia" binuksan ko ito nanlumo ako sa aking nakita. Yawa! Pamaypay pala amputa!" Kulay white ito At May design na feather, sa gilid naman ay may mga glitters na gold. I'm not fan of fan pero base sa structure nito ay mukang mamahalin. Isinarado ko na ang drawer at saka nagmadaling lumabas.
BINABASA MO ANG
Mi Amore
Historical FictionKilala bilang isang magaling na pulis si Erenz Camia De Chavez o mas kilalang Inspector De Chavez sa kanilang departamento. Pano ba naman sa edad na bente tres ay umaani na sya ng iba't ibang parangal mula pamahalaan dahil sa angking galing nya sa p...