Kabanata IV

786 50 0
                                    

Baler, Aurora 1890

Erenz pov
Muntanga akong nakatulala sa kisame ng aking silid. Silid amp! Ilang araw ng magmula ng sumama ako dito sa Baler dahil ito daw ang tahanan namin.

Ng makita ko ang Intramuros sa Maynila ay hindi padin ako naniniwalang nasa sinaunang panahon ako. Tumakbo ako noon palabas ng pagamutan at naghanap ng sasakyan. Hanggang makarating ako papalabas ng Fort Santiago, hanggang mapapapunta ako sa Manila bay, at doon gumuho ang mundo ko. Naglalakihang mga barko ang nakita ko doon o kung tawagin nila ay bapor at makikita rin doon ang galyon na naglalaman ng mga kalakal na iaangkat dito sa sentro.

Agad akong nahanap ng gwardiya sibil at pinilit dalhin muli sa hospital. Kinabukasan noon ay nagtungo kami sa dito sa Baler, Aurora. Kung sa panahong 2020 ay hindi na namin kakaylangin pang sumakay ng bapor patungo dito, sa bus ay makakarating lang ng ilang oras ang byahe hindi gaya sa bapor na inabot pa kami ng ilang araw bago makarating dito. Nang makababa naman kami sa daungan ng Baler ay nakatulog ako habang papunta palang ng bahay na tinitirhan ko ngayon.

Si Mr. Gobernador Heneral a.k.a ama ko daw ay nagpaiwan sa Manila upang asikasuhin ang kaso ng mga nagtangka sakin. Malupit daw ang Gobernador Heneral kapag mga anak na nito ang pinaguusapan.

Ilang araw nadin akong nakakulong dito silid, ay ganun din ang araw na hindi pa ako naliligo. Ang sabi sakin ni Francia ay hindi pa daw magaling ang aking likudan na napuruhan dahil sa latigo. Madaldal si Francia pero naroon padin ang pagiging mahinhin nito. Minabuti ko nalang hindi umimik dahil hindi din naman ako sanay managalog ng malalim.

Natigil ako sa aking pag iisip ng nahagip ng aking mata ang palutang lutang na makintab na bagay. Agad akong bumangon mula sa old king size bed at tiningnan ang papel na nalaglag sa sahig. Isa itong nakakasilaw na bagay ng hawakan ko ito ay biglang nawala ang kumikinang at naging isang papel na color brown.

Inspector Erenz,
Magandang araw! Binabati kita dahil nakaligtas ka sayong nakatakdang kamatayan kumakailan lang. Ngunit hindi pa dito natatapos ang lahat. Maging handa ka sa anumang oras dahil mapanganib sa panahong to. Pakatandaan mo na kailangan mong manatiling buhay upang maka balik ka sa kasalukuyan at hindi matuloy ang nakatakda mong pagkamatay sa museum. Nasa sa iyo kung paano mo babaguhin ang nakatakda. Sapagkat ako ay nagsasawa na rin sa tuwing ika bente tres na kaarawan mo ay palagi ka nalang nasasawi. Sa muli nating pagkikita. Aasahan kong magtatagumpay kang mabuhay.
-Salamin ng panahon

Oh shit! What is it all about? Ako? Mamamatay sa museum? Totoo ngang magtravel ako sa sinaunang panahon. Oh god, bakit nangyayari lahat ng to.

"Binibini, ikaw ba ay gising na?"
It's Francia, she keep on knocking the door. Dali Dali kong itinago ang Sulat sa drawer.

"Pasok,"
Pagkasabi ko nun ay agad na tumamabad si Francia dala ang kanyang malawak na ngiti at bahagya pang yumuko ng makita ako. She reminds me someone. Si Franz— oh shit bakit hindi ko maalala ang muka ni Franzy!
What the fudge! Wala akong maalalang muka nila. Tanging ang mga boses Lang nila ang naaalala ko.

"Magandang umaga Binibining Camia, Kumusta ang iyong pakiramdam?"

"Okay na ako. Thanks."

"Ano po iyon Binibini?"
Naguguluhan nitong tanong sakin.

"Ang ibig kong sabihin ay ayos lang at salamat."
Sagot ko dito.

Mi AmoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon