Kabanata XIII

623 36 8
                                    

Erenz Pov

"Wow andami naman nyan?" Maaga akong nagising at ganun nalang ang aking tuwa dahil napakaraming pagkain na nakahayin sa mahabang lamesa namin.

"Inaasahan po kase na maraming panauhin ang dadalo sa pagdating ng iyong kapatid." Anang ni Aleng Wilma.

"Ganun ba? Patikim naman nito." Kumuha ako ng tinidor at kumuha ng isang sugpo.

"Noong nabalitaan namin ang inyong pagdating ay mas maraming aming hinanda ngunit naantala iyon noong
hindi ka dumating sa takdang araw na inaasahan namin." Napalingon ako sa sinabi ni Aleng Wilma.

"Paumanhin Binibini, Hindi ko na dapat sinabi iyon." Nagbaba sya ng tingin at yumuko.

"Ayos lamang po iyon Aleng Wilma." Hinawakan ko ang kamay nya at saka ngumiti.

"Pero isa lang ang ikinasasama ng loob ko."

"A-ano iyon Binibini?" Nag aalalang tanong ni Aleng Wilma.

"Hindi ko natikman lahat ng handa noon. Sayang Yun diba Aleng Wilma! "

"Susmaryusep kang bata ka, pinakaba mo ako. Iyon ba ang ikinasasama ng loob ng Binibini? Halika sumama ka sakin sa lutuan." Sumunod ako sa kanya sa lutuan at ipinakita nya sa akin ang malalaking kawali na naglalaman ng ibat ibang putahe.

"Wow! Pwede ko bang kainin Yan?" Excited na tanong ko.

"Masusunod anuman ang iyong naisin." Nakangiti nyang sagot sa akin. Ikinuha nya ako ng plato at kobyertos.

"Maraming salamat Aleng Wilma!"

"Walang anuman Binibini, akoy magpapaalam na upang gawin ang desenyo sa sala." Pagpapaalam nya.

"Sige po." Pagkatapos noon ay kumain ako ng kumain at tinikman ko lahat ng putahe doon.

"Magandang umaga Binibining Camia." Tuluyang pumasok si Angelito sa kusina at kumuha ng mga gamit pang masa.

"Magandang umaga din Angelito. Halika at ikaw ay kumain." Pag aalok ko dito.

"Maraming salamat Binibini ngunit kailangan ko ng tapusin ang tinapay na aking gagawin."

"Osige ikaw bahala. Mauna na ako sa taas." Paalam ko dito at saka ako umakyat ng hagdanan.

Pagbukas ko ng aking silid ay tumambad sa akin ang magarang Maria Clara dress na kulay krema. I'm sure na si Francia ang naghanda nito. Aaminin kong Medyo nasasanay na akong magsuot ng kasuotan nila.

Pumasok na ako sa c.r at naligo pagkatapos ay isinuot ko na ang aking nakahandang damit.

"Paumanhin Binibini sa aking kapangahasan kung akoy bigla nalang pumasok ng walang paalam." Iniluwa ng pintuan ni Bonita ng lingunin ko ito.

"Ano ka ba ayos lang. May kailangan ka?" Bonita is a nice girl kaya i gave her a half smile.

"Ipininapasabi po ni Aleng Wilma na kaylangan nyo na pong mag ayos sapagkat parating na daw po ang inyong ama at kapatid."

"Ganun ba? Ayos na ako kaliligo ko lang." Sagot ko rito.

"Napakaganda nyo po Binibini kahit kayo ay kilos lalaki." Aba bastos tong batang to ah!

"Ah hehehe" Pasalamat ka at di ka naiiba naku!

"Maaari po bang ako ang magsuklay sa inyo."

"Makakatanggi pa ba ako e hawak mo na yung suklay." Biro dito. Nakaharap ako sa salamin at ngayon ko lang napansin na medyo humaba na ang aking buhok.

Mi AmoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon