Kabanata X

516 46 3
                                    

Erenz pov

Isinara ko ang diary ni Angelito matapos kong basahin iyon, ng makita kong alas sinko na ng umaga. Ngayong araw ang ika tatlong araw ko sa pagiimbistiga sa pagkamatay ni Padre Froncio. Meron pa akong apat na araw para alamin ang katotohanan. Nagmadali na akong maligo pagkatapos ay sinuot ang lumang baro't saya.

Gaya ng dati ay naabutan ko si Mang Tino sa kwadra ng mga kabayo.

"Magandang umaga Binibining Camia"

"Magandang umaga din ho Mang Tino."

Pagkatapos ng batian ay sumakay na agad ako kay Rara at saka pinatakbo ito ng mabilis papunta sa simbahan ng Baler.

Sa di kalayuan ay namataan ko si Gino na taimtim na nag-iintay sa ilalim ng puno ng bayabas. Malumanay akong bumaba kay Rara pagkatapos ay naglakad na patungo sa kanyang kinatatayuan.

"S-sinong nariyan?"Bagamat medyo  madilim pa kaya hindi ako mamukhaan ni Gino. Hawak hawak nya ngayon ang lampara na nagsisilbing ilaw sa kanyang tabi upang aninagin ang dumating.

"Ako to si Natoy na mahal na mahal ka." Biro ko dito saka ako nagpakita sa kanya.

"N-natoy?"

"Sira! Ako to si Camia gagi bwahahaha."

"Inspector! Ikaw pala hehe." Napakamot sya sa kanyang ulo saka lumapit sa akin upang kunin si Rara at itinali ito sa puno ng bayabas pagkatapos ay nilagyan ito ng pagkain at inumin.

"Tayo na Natoy, este Gino" Biro ko dito ng matapos sya sa kanyang ginagawa.

"M-masusunod Inspector." Dinig kong tugon nito sa akin. Umuna sya sa paglalakad hanggang sa marating namin ang simbahan. Gaya ng dati ay dumaretso kami sa kanyang silid para makapag ayos ako ng muka.

"Indio!" Dinig naming sigaw ni Inurencio sa labas ng pintuan. Ako ang malapit sa may pintuan kung kaya ako nadin ang nagbukas nito.

"Magandang umaga señor, ano ho ang maipaglilingkod namin." Señor your face asshole!

"Umagang umaga ay ang pangit mong muka ang aking nakita"Asiwa nitong tiningnan ang buo kong pagkatao.

"Patawad Señor" Paumanhin ko kunwari.

"Bueno, nais kong linisin mo ang silid ni Froncio pati narin ang silid ni Angelito ng sa gayon ay maging kaaya-aya ito sa bagong prayleng papalit sa kanya." Utos ng kingina

"Masusunod ho Señor" Señor kwago! Hindi na ito sumagot at saka ito tumalikod ng masama ang timpla ng muka.

"Pano ba yan Gino mauna na ako."

"S-sige Inspector, mag-iingat ka." One thing na napapansin ko dito kay Gino, palagi itong nauutal.

"Hmm" Saka ako tumalikod at iniwan sya sa kanyang silid.

Agad kong kinuha ang mga panlinis at nagtungo sa sa silid ng namayapang prayle. Itinulak ko ang pintuan at naglikha ito ng kakaibang ingay. Nang mabuksan ko ng tuluyan ang pintuan ay tumambad sakin ang malansang lamoy. Namataan ko ang maraming dugong nagkalat sa sahig na natuyo na. Ito marahil ang sanhi ng malansang amoy.

Inuna kong walisan ang sahig at pagkatapos noon ay inumpisahan ko ng lampasuhin.

Kuskos doon, kuskos dito ang ginawa ko. I don't know kung saan pa ako makakakuha ng ebidensya dito. Hays ang hirap maging pulis sa ganitong sitwasyon at panahon ha. Pinunasan ko rin ang maliit na altar doon at saka pinalitan ang puting kurtina. Binuklat ko ang cabinet at tumambad sa akin ang iba't ibang kasuotan ng pari. Sa kaliwang bandang bahagi nito ay may makakapal na telang puti. Kinuha ko ito at ibinuka. Hmm bedsheet pala!

Mi AmoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon