16: Mahal Na Kita... Noon Pa!

77 2 0
                                    

Chapter 16

Agrrghhh… Kainis!

Nakakaasar lang isipin na nawalan ako ng control sa sarili ko kanina. Bakit kasi may pa-gising-gising pang nalalaman si Chelsey?

Pero, masarap pala sa feeling ang makikita ko s’ya pagkagising na pagkagising ko sa umaga? Haysss, kung hindi lang talaga kami magkahiwalay ng kwarto ay lagi ko s’yang makikita sa paggising ko.

Nandito na nga pala kami sa office.

At ang pakiramdam ko? Gusto ko lang naman s’yang itago.

Bakit?

Pinagtitinginan lang naman siya dito ng mga empleyado naming lalaki.

Nakakainis pa lalo! Ewan ko ba kung bakit pero parang possessive ako sa kanya.

Shit! I want to punch all of them!!

Naglalakad kami ni Chelsey papunta sa office ko doon. Nasa may likod ko sya.

“Hey there,” bati sa kanya ng isang empleyado. Medyo napalayo ang pagitan namin ng asawa ko.

“Hi!” aba’t gumanti pa ng bati si Chelsey. Talaga naman oo. Nakakapanggigil lang.

Nilingon ko si Chelsey at nakita kong binate lang n’ya ang lalaki at saka ibinalik ang tingin sa daan at dumiretso na uli ng lakad papalapit sa’kin.

“Are you new here?” pangungulit pa rin nung lalaki na hindi ko matandaan ang pangalan. Hindi naman kasi ako nagtatagal sa opisina dito. Doon ako sa main madalas at sa mga restaurants mismo.

I saw her sighed. “Yes.” Tipid na sagot ni Chelsey. Mukhang irita na siya. Good!

Nilapitan ko na sya para hindi na siya kulitin. Mukha namang nagulat ang empleyadong iyon ng lumapit ako kay Chelsey at ipaikot ang braso ko sa beywang niya.

I can’t help it. She’s mine!

-----------------------

“We’ll be going out of the country.” Biglang sabi sa’kin ni Ogie nung nagla-lunch kami sa loob ng office nya. Nagpadeliver lang kami sa baba. Nandoon kasi ang branch namin na The Filipinoes.

Hindi n’ya ako pinapwesto sa labas ng office n’ya. Kasama n’ya ako sa loob.

“Saan?” tanong ko sa kanya.

“Uhmmm… Sa Italy… sabi ni Papa may imi-meet daw tayong chef doon.” Sagot naman niya pagkatapos magpunas ng tissue sa bibig.

May naiwan pang sauce sa may gilid ng labi niya kaya naman sige ako sa punas. Naks!

Napaangat ang tingin ko mula sa labi nya at napatingin sa mga mata nyang nakatingin din sakin.

Shocks! Bakit  parang hindi ako makahinga at ang bilis ng tibok ng puso ko?

He cleared his throat, maybe trying to catch my attention.

KJ lang!

“Am I needed there?” tanong ko na lang.

“Of course kailangan kita—er—ka doon!” mabilis na sagot nya. Nagkakandabulol-bulol pa s’ya.

Syempre napangiti naman ako sa pagkakamali nya. Nakakatuwa naman na gusto nya akong makasama doon.

“Okay, kailan?” tanong ko uli.

“Two days from now.”

“Ilang araw tayo do’n?”

Once again, he cleared his throat that made me a little bit suspiscious.

Hmmm…. Siguro may plano ‘tong lalaking ito? Mukhang hindi magaling magsinungaling ang asawa ko. Halata naman eh!!

The player:  Ogie (Mahal na kita... Noon pa!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon