15: Mahal Na Kita... Noon Pa!

84 3 0
                                    

Chapter 15

"You can start tomorrow, sweets."

Bigla na lang sabi sa'kin 'yan ni Ogie.

"Start ng...?"

"Work."

Hala! Na-Excite ako! Yehey! Kasi naman eh, isang linggo na akong tengga dito sa bahay namin.

"Talaga?" paninigurado ko pa para sure.

Nakakatuwa lang talaga. Hahahaha. Hindi na ako mabuburo dito sa bahay. Wala akong magawa dito kundi ang maglinins, manuod ng TV, matulog kapag pagod na ang isip ko kababasa o kapapanuod. Para ngang wala na akong malinis dito sa bahay namin.

"Oo. Kaya agahan mo ang gising mo bukas, ha?"

"Tsk... Kailan ba ako tinanghali?"

Ayan na, nangingiti na naman ako. Maaga naman ako lagi gumising dahil iyon na ang nakasanayan ko. Pero dahil maaga akong nagiising ay naaasikaso pa lalo si Ogie bago s'ya pumasok sa trabaho. Neks nemen oh!

Napahikab ako.

Waahhh~~ Antok na pala ako. But wait! There's more!

Feeling ko gusto ko pa s'yang makasama. Bakit kaya gano'n? Parang nasanay na ako na kasama s'ya at gusto ko lagi akong malapit sa kanya. At kung tutuusin naman ay talagang mag-asawa na kami kaya dapat magkasama na kami sa iisang kwarto, 'di ba?

Uungkatin ko sana sa kanya ag usapin na iyon, kaso na-shy naman ako kaya never mind nalang siguro. Hihintayin ko na lang siguro na s'ya na ang mag-open sa'kin no'n.

"I'll go ahead na, my dear. Antok na 'ko."

Iyon lang at tumayo na ako at nagtungo sa kwarto ko. Si Ogie naman ay nakita ko pang tumayo na rin bago ko pa maisara ang pinto.

————————————-

Kinabukasan...

Ayun, maaga na naman akong nagising, as usual.

Tumayo agad ako para maghanda na ng almusal namin ni Ogie.

Pero tapos na akong maghanda ng almusal ay hindi pa rin bumababa si Ogie.

Mag-aalas sais na ah.

Mapuntahan na nga iyon sa kwarto n'ya.

Kaya ayun nga ang ginawa ko. Pinuntahan ko na s'ya sa kwarto dahil male-late na kami sa office. Seven kasi ang pasok doon.

Knock... knock... knock...

"Ogie... knock... knock..." walang sumasagot.

Tawag uli.

"Ogie... knock... knock..." wala pa rin.

At dahil hindi naman naka-lock ang pinto ng kwarto niya ay nangahas na akong pumasok.

.

..

...

Ang himbing pa ng tulog n'ya!

.

..

Sandali pa yata akong natigilian para lang titigan s'ya.

Bakit ang gwapo n'ya kahit tulog o gising?

Bakit ang gwapo n'ya para sa'kin kahit anong gawin n'ya?

Tapos magpapa-charming pa ang loko. Eh parang weakness ko na iyon.

Ayun, take advantage na rin ako para malambing s'ya.

The player:  Ogie (Mahal na kita... Noon pa!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon