02: Mahal Na Kita... Noon Pa!

179 3 0
  • Dedicated kay Kathleen Inguito
                                    

Chapter 2

“Excuse me, po.”

Tumayo si Ogie sa upuan n’ya.

Parang iyon lang ang time na nag-sink in sa utak ko ang mga nangyayari.

Ipapakasal nila ako kay Ogie!

Hmm… Okay na rin siguro. Hahaha sabay gano’n.

Wala na rin sigurong masama dahil gusto ko naman s’ya. 

“Where are you going?” tanong ni papa n’ya.

Shocks, ayaw pa yata n’ya.

Ah oo, ako nga lang pala ang umiisip na pumayag.

“I ah… I think I’m gonna be needing some fresh air. Excuse me!”

Aalis na sana si Ogie nang bumalik s’ya sa mesa namin.

“Er… Excuse us.” say pa ni Ogie sabay hila sa’kin papalabas ng resto at papunta sa parking lot.

Ang feeling ko, runaway ang drama namin katulad nung mga napapanood sa tv at nababasa sa libro. Kinikilig ako. Hawak pa n’ya kamay ko.

Dinala n’ya ako sa sasakyan niya at pinasakay sa passenger’s seat. Doon naman s’ya pumwesto sa driver’s seat.

Hindi naman n’ya binuhay ang makina ng kotse. Nakatitig lang si Ogie sa unahan at ako naman nakatingin lang sa kanya.

“Do you know about this?” say n’ya.

Medyo nagulat ako dahil sa bigla n’yang pagsasalita sa gitna ng katahimikan.

Tumingin s’ya sa’kin ng hindi ako sumagot.

Pumitik-pitik pa s’ya sa may tapat ng mukha ko ng mapatulala ako sa kanya. Reality hit me hard. Nakakahiya!

“I know I’m gorgeous but can you please answer back when I ask you a question?” say ni Ogie with a huge grin on his freaking face.

What the…? Conceited little brute? Grr… Is this the kind of man they wanted me to marry??? NO WAY!!!

“NO.”

Calm down, Chelz… ‘Wag mo s’yang papatulan. Manahimik ka na lang.

Tumingin s’ya sa’kin. Nakatitig sa mata ko kaya napatitig na din ako sa mata n’ya.

Wrong move!

Nakakalunod nga pala ang mga titig n’ya.

‘Buti na lang at nakaupo ako, kung hindi ay baka kanina pa ko tumumba dahil nanghihina yata mga binti ko dahil lang sa titig n’ya.

.

..

...

...

...

Umiling s’ya.

“I’m sorry.”

What? Sorry? Tama ba ang pagkakarinig ko? Nagso-sorry si Ogie Melandrez? Miracles do happen!!

“What?”

Kailangang ma-I-confirm kung nabibingi na ba ako…

“What ‘what?’” balik-tanong n’ya.

“What… I mean, bakit ka nagso-sorry?”

Natatawa na ‘ko pero pinipiit ko lang dahil baka magalit s’ya sa’kin kapag tinawanan ko s’ya.

“I’m sorry ‘cause I doubted you for a sec. And I’m sorry dahil ayokong magpakasal sa’yo…”

Ouch!!! Parang bumagsak ang langit at lupa sa harap ko mismo dahil sa sinabi n’ya. Nakatingin pa rin ako, direkto, sa mga mata ni Ogie kaya naman kitang-kita ko ang sinseridad sa mga sinasabi niya. And it hurts… big time. Hindi n’ya man lang t-in-ry na I-break it to me gently. Parang kasamang bumagsak ng langit at lupa ang ego ko. Gusto kong maiyak at sapakin s’ya sa mukha ng mga oras na ‘yun. Definitely a conceited little brute that didn’t know how to think before saying anything.

The player:  Ogie (Mahal na kita... Noon pa!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon