20: Mahal Na Kita... Noon Pa!

75 3 0
                                    

Chapter 20

Maaga akong nagising.

I checked on the clock and it was only five in the morning.

Haiss… kahit anong oras yata ako matulog ay automatic na five ako magigising.

Tiningnan ko ang natutulog kong katabi.

I smiled to myself when I remembered what just happen earlier.

Pinagmamasdan ko lang si Ogie while he was sleeping.

He looks so relaxed. Parang ang presko ng pagkakatulog n’ya.

Para tuloy inantok ulit ako.

Nagsumiksik na lang ako lalo sa kanya at saka bumalik sa pagkakatulog.

..

Nagising uli ako ng mga bandang nine ng umaga. Tulog pa rin ang kalapit ko.

Tumayo na ako para makapaghanda ng umagahan.

Psh… ansakit pala no’n. Ngayon ko lang naramdaman.

Nagshower muna ako para naman presko at saka ako pumunta ng salas para makapagpadeliver ako ng room service.

Naghahanda na ako ng pagkain namin ng maramdaman kong may bigla na lang yumakap sakin sa likod ko.

“'Morning, sweets.”

I felt his warm breath by my neck that sends shivers through my body.

“'Morning, too dear.” I smiled.

Ganoon lang s’ya habang nag-aayos ako ng mesa nang bigla kong maramdaman ang kamay nya sa loob ng blouse ko. Nasa may tyan ko lang naman iyon pero hindi ko pa rin maiwasang hindi kilabutan. But in a good way ha. Para akong maiihi na ewan.

Tinigilan ko na muna ang ginagawa ko at humarap sa kanya. Hindi rin naman ako makakatapos ng pag-aayos kung ganitong nadidistract ako.

Uh-la-la. Busog na ‘ko! ‘Kaw ba naman makakita ng anim na pandesal. Taong ‘to oh! Boxer shorts lang ang suot.

“Mag-tee-shirt ka nga. Ang lamig-lamig nakatopless ka.” Fully air-conditioned kasi lahat ng suite dito.

I heard him laugh.

Parang umakyat yata lahat ng dugo ko sa pisngi ko. Ramdam kong pulang-pula na ang mukha ko. Nahihiya ako! Waahhh…

Bumalik naman s’ya sa kwarto. Pagbalik n’ya ay nakatee-shirt na s’ya.

Humalik muna s’ya sa pisngi ko bago pumwesto sa hapag.

Tahimik lang kaming kumain.

Nang matapos kaming kumain ay sininop ko lang yung mga pinagkainan namin at saka ako naupo sa couch at nanuod ng TV.

Naramdaman kong lumapit sa tabi ko si Ogie at saka n’ya inilagay ang braso n’ya sa sandalan ng couch kaya para s’yang nakaakbay sa’kin.

Tahimik lang kaming nanunuod ng maramdaman kong nilalamig ako.

Tumayo muna ako at kinuha ang conforter sa kwarto at bumalik sa couch.

Humilig ako kay Ogie habang nanunuod kami sa TV.

Hmm…

“Dear…” tawag ko sa kanya bigla.

“hmmm?”

“May naalala lang ako.”

“Ano ‘yun?” nakakunot-noo s’ya. Hinaplos ko naman uli ang noo n’yang lagi na lang kumukunot.

“Stop that.” Sabi ko sa kanya habang sinusubukan kong tanggalin sa pagkakakunot ang noo n’ya.

“You always do that.” Sita ni Ogie sa’kin pero nakangiti naman. Ay sus, feel na feel naman n’ya. Nakatingin ako sa mukha nya. Kitang-kita doon ang tenderness ng ekspresyon n’ya.

“I know something…” ibinitin ko pa yung mga sasabihin ko.

“About what?”

“About this trip. Alam kong may balak kayo nila Papa.” Panghuhuli ko sa kanya. I was just bluffing. Wala naman akong ebidensya para mapatunayan na may balak nga sila. Pakiramdam ko lang iyon.

‘W-wala, ah! S-Sino naman ang may s-sabi sa’yo no’n?” kandabulol pa s’ya. Lalo akong naghinala sa kanya dahil hindi man lang s’ya makatingin sa’kin ng diretso habang sinasabi n’ya iyon. Tapos namumula pa pisngi n’ya. Kireng bata ‘to!

“Tsk… You’re such a terrible liar! Meron kayong pinaplano nila Papa!”
***
“Fine.” Amin ko na kay Chelsey. Huli naman na n’ya ako so there’s no point in lying.

“I knew it!” proud na proud pa s’ya. Psh…

“You already knew it, sweets.”

She’s right, I’m a terrible liar. Lalo na kung sa kanya ako magsisikreto.

Actually ay regalo ng mga parents namin ang trip na ito sa Italy. Ginawa ko lang na alibi ang kay Chef Rico, na talaga namang balak ko later on, para hindi na s’ya makatanggi. Hindi ko din naman pati alam na ako pala ang unang nakarelasyon ni Chelsey. Kung alam ko lang sana ay pinaramdam ko muna sa kanya ang magkaroon ng boyfriend.

But that was over now dahil ipaparamdam ko na lang sa kanya kung paano magmahal ang isang Ogie Melandrez.

Malaki ang respeto ko sa kanya kaya naman hindi ko ipinipilit sa kanya ang kahit na ano. Ni hindi ko nga s’ya sinasabihan na lumipat na s’ya ng kwarto, although I really want her beside me when I sleep and woke up.

Speaking of Chef Rico, nagmeeting nga kami kagabi at hindi ako mapakali.

Nang maabutan ko sa Exit si Chesley ay nakasakay na s’ya ng cab. Susundan ko pa sana s’ya pero napipiit naman ako ni Elise. Pinagbigyan ko muna s’ya sandali at saka ako dumiretso na sa meeting namin ni Chef Rico.

Hindi ko na muna inabala si Chelsey na sumama sa’kin. She needs space to cool down kaya mag-isa lang akong humarap kay Chef Rico. Hindi ko rin naman gusto na sumama pa s’ya. I can see the lustful look that that Chef was throwing at her. Gusto ko s’yang sapakin dangan nga lamang ay wala naman s’yang ginagawa pang masama. Minadali ko na lang ang meeting namin noong isang gabi para mailayo ko na sa sight n’ya ang asawa ko.

“Hey, are you still tired?” tanong ko kay Chelsey na mukhang makakatulog na.

“Haaa… Yep.” Pupungay pungay na ang mata n’ya and I swear it was turning me on.

“You better go back inside the room to sleep.”

She nodded and stood up.

Napatingin ako sa get-up n’ya. It was just simple but cute. She’s just wearing a loose blouse and a cotton shorts.

I smiled at myself.

Last night was so amazing. I really panicked when I found that her things were out of sight.

Mabuti na lamang at nagkalinawan din kaagad kami.

We even found out that we love each other.

Actually, I had learned that I was in love with her the first time I kissed her. Hindi ko lang siguro maamin iyon sa sarili ko.

“Are you going somewhere?” tanong n’ya sa’kin bago pa s’ya makahiga sa kama.

I gulped.

Bigla kong naalala na may lunch meeting ako kay Chef Rico.

“I’m going to meet Chef Rico para ma-clear na ang deal. I’ll be back shortly. You better stay here at magpahinga ka. I love you!” I whispered near her.

I just kissed her cheek before I went inside the bathroom to prepare.

----------------------------------------------

Yow! Last for today... di na muna ako nagprogram, kaka-stress... waaahhh~~~ huhuhu...

Please Comment pa rin!

Thank you much...

The player:  Ogie (Mahal na kita... Noon pa!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon