07: Mahal Na Kita... Noon Pa!

108 5 4
                                    

Chapter 7

Nakakapagod din pala ang makasal.

Hayss...

'Eto ako ngayon at nakahiga sa aking kama... Sa bahay NAMIN ni Ogie.

OO! Nandito nga kami ngayon sa bahay NAMIN ng aking ASAWA.

Ang mga gamit ko pala ay nailipat na dito noong umaga pa lang bago ang kasal, pagkaalis namin ng condo ko.

'Buti na lang at hiwalay kami ng kwarto nitong asawa ko dahil kung nagkataon ay hindi yata ako makakatulog.

I want privacy! Heck, I crave for it, lalo na ngayon at may ASAWA na ako. Shocks! Hindi ako sanay na may kasama sa kwarto, kaya mainam na ang ganito.

Habang nakatitig ako sa kisame ay naalala ko 'yung bilin sa'kin ni Mommy ng lumapit s'ya sa'kin sa reception ng kasal.

"Cater for your husband, baby, just like what I do with you and your father. Tingnan ko na lang kung hindi pa 'yan ma-In-love sa'yo."

I thought about that for a while kaya nang nasa reception kami kanina ay medyo natahimik ako.

I never thought that there would come a time where I would actually serve someone. Kahit pa nga sabihing asawa ko iyon. Sabagay, hindi ko pa naman naiisip noon ang magpakasal kaya ganoon pa ang perception ko sa buhay. Mas sanay ako na pinagsisilbihan ko ang sarili ko pero hindi ang ibang tao.

Pero bakit parang gusto ko iyong idea na pagsisilbihan ko si Ogie?

Nai-imagine ko pa nga na sasalubunin ko s'ya pagpasok n'ya dito sa bahay pagkagaling n'ya sa trabaho. Then, I would prepare his meals and clothes before going or after work.

Hayst...

Antok na ako pero nakatitig pa rin ako dito sa kisame ng kwarto ko.

Then...

Zzzzzzzzzzzzzzzzz.........

—-

Kanina ko pa kinakatok ang pinto ng kwarto ni Chelsey pero wala pa rin nagbubukas ng pinto. Ano na bang nangyari doon?

At dahil wala namang may balak magbukas ng pinto na ito ay ako na ang gumawa noon. At 'eto namang si Chelsey, hindi pala ini-lock ang pinto.

Sumilip muna ako sa loob bago ako tuluyang pumasok.

Nakita ko si Chelsey na payapang nahihimbing sa kama niya. Ang cute n'yang pagmasdan. Nakasuot pa rin s'ya nung gown n'ya kanina. Mukhang napagod ng husto itong ASAWA ko kanina sa kasal namin.

Grabe, ah! Habang tinitingnan ko ang ayos n'ya ay parang ako ang naiinitan sa ayos n'ya.

Magising nga ito.

"Chelz? Chelsey!" bahagya ko pa s'yang tinatapik sa may balikat niya pero hindi talaga siya magising.

Eh, kung palitan ko na kaya s'ya ng damit? Wala sigurong masama doon dahil papalitan ko lang naman ng damit itong ASAWA ko. Defensive lang! Psh... Kakaawa lang kasi s'yang tingnan dahil ang init ng suot n'ya at mukhang basa na rin ng pawis ang likod n'ya.

Then I thought; she really is one in a million for me. Ngayon lang ako nakakita ng babaeng katulad ni Chelsey. Hindi s'ya katulad ng mga nakikilala kong babae na easy-to-get, brat or bitchy.  Kahit sa pagtulog n'ya ay maganda pa rin s'yang tingnan. For me, she looks like a goddess. Tama, kahit kanina ay nakita ko s'yang nanginginig sa kinasisiksikan n'ya sa may fountain ay hindi ko pa rin maiwasang humanga.

S'ya lang din ang kaisa-isang babaeng nakapagpapa-inis sa'kin ng sobra. Most girls would do everything and anything just to please me and to not make me angry. Never in my life that I met a girl who can make me irritated and amused at the same time... S'ya lang!

The player:  Ogie (Mahal na kita... Noon pa!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon