21: Mahal Na Kita... Noon Pa!

125 5 3
                                    

Chapter 21

"Hmm...?"

Para akong naalipungatan ng may maramdaman akong kakaiba. I think someone is tickling me with a wet, soft sponge? 'Di ko lang sure. Adik lang.

"Ahehehe..." nakikiliti talaga ako kaya naman napatawa ako.

"Hahahahaha..." narinig ko pang may tumawa din. Doon na ako tuluyang napamulat ng mata. Then I saw Ogie laughing hard at me.

"Shocks... tawa ka d'yan?" galit-galitan ko naman. Kakainis kasi, tinawanan ako.

"I was just amaze by your laughter, sweets. Good morning!" he said then kissed me on my cheek. Ayieh... bansweet lang.

"Uhmm... Good morning din po!" I smiled at him sweetly.

I saw him blush, nakakakilig lang 'yun.

I tried to get up pero nang ma-realize ko that something is strange, I look under the blanket. Oh shems... burles ang peg!

I took the covers with me and went to the bathroom.

For the past two weeks ay nandito pa rin kami sa ibang bansa ni Ogie at kina-career ang honeymoon na gift pala sa'min nila papa. I knew that something was up.

Sa mga unang linggo ay nasa Rome, Italy lang kami. Then we went to Venice, and then for the last stop over, we are now here in Paris.

Isang lingo din kami dito sa Paris at maya-maya nga ay babalik na kami ni Ogie sa Pilipinas.

---

Paglabas ko ng bathroom, nakita ko si Ogie na ineempake na ang mga gamit namin.

I wore a leggings and a loose shirt. Puro loose na shirt ang damit ko, ayoko kasi ng fit. Mainit!

Tinulungan ko na lang s'ya sa pag-eempake at para matapos na. Ang saya saya lang dito, grabe. Kung saan-saan lang kami naglilibot ni Ogie, and now we'll be going back to the Philippines.

Ewan ko ba pero parang naiiyak ako. Parang ewan lang no. Basta bigla kong na-feel 'yun. Kasi naisip ko, sa Pilipinas iba ang setup namin ni Ogie. Babalik na ba uli kami ni Ogie sa dati namin na setup na magkahiwalay ng kwarto?

Kung dati hindi ako sanay na may kalapit, ngayon naman ay parang hindi na ako sanay na hindi s'ya kalapit.

I love the way he hugged me at night when we are sleeping. I feel so safe. Basta ang himbing ng tulog ko. Tapos sa umaga, paggising ko, mukha agad n'ya ang bumubungad sa'kin. Kahit walang hilamos o mumog okay lang basta mukha n'ya una kong makikita.

Eh papaano nga kapag bumalik na kami sa Pilipinas? Mag-isa na uli ako sa kwarto? Ayoko ng ganoon.

"Hey... Sweets? Why are you crying?" nag-aalalang tanong sa'kin ni Ogie. Kahit naiiyak ako parang kinikilig pa rin ako kasi inaalo n'ya ako. Tapos nung hindi ako tumatahan niyakap na n'ya ako.

"Why are you crying? Sheeshh... What's wrong?"

Umiling lang ako sa tanong niya sa'kin. Niyakap ko lang siya nang mahigpit at saka ako tumingin sa mga mata n'ya.

"'Wag mo kong iiwan, ha? Promise me that!" I said while looking in his eyes. Parang ewan talaga ako ngayon. Ang weird lang ng feeling ko.

Then I saw him smile at me and all of my doubts faded. You see? Nagiging bipolar na yata ako. One second I was all sad and doubtful, and then I would be giggly and giddy and happy. What's wrong with me?

He chuckled. "Of course, sweets!" bigla syang sumeryoso. "I don't think I can bear being away from you. I promise I will never leave you, sweets. I love you too much."

The player:  Ogie (Mahal na kita... Noon pa!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon