11: Mahal Na Kita... Noon Pa!

87 4 0
                                    

Chapter 11

Bigla naman dumating si Ogie kaya natahimik silang tatlo na napa-'whoa' pa kanina.

Tapos sabay-sabay pa silang tumingin sa kaliwang kamay ni Ogie para lang ma-confirm kung totoo nga ang sinabi ko.

Nang makita nila ang wedding ring namin ni Ogie ay... nagtawanan sila?

"Anong problema n'yo?" tanong naman ni Ogie sa kanila.

Napatungo naman ako. Syempre shy ang drama ko kaya yuko na lang.

"Hindi ka man lang nang-imbita, Brod." Say ni Terrence.

Oh e di lagot ako, alam na n'yang sinabi ko.

Tingin naman ako sa kanya. And ayun nakatingin din s'ya sa'kin.

"What's happening here? Did I miss something?" nagtatakang tanong ni Ogie. Nakatingin pa rin sa'kin with that questioning look.

"We missed something, Brod, but YOU didn't..." cool na sabi ni Roman na nagpipiit ng tawa n'ya.

Bakit kaya s'ya gano'n? Limited ang emotions? Parang ewan lang! Ang cool n'ya tingnan.

"Brod, nakakatampo ka... Pero ayos lang, good catch naman ang MISIS mo..." pang-aasar pa ni Terrence.

Kaya ayun naintindihan na n'ya ang nangyayari dahil ng tiningnan n'ya ulit ako ay nakangiti na s'ya sa'kin.

"Sorry, mga Brod... Mabilis ang mga pangyayari eh. Hindi ko na kayo nasabihan." Paliwanag naman ni Ogie sa kanila habang nagkakamot sa may batok.

Sheeeetttt... Ba't ang cute n'yang tingnan?

Syempre umawat na si Regie kaya nagpunta na sila sa court. Ako naman iginiya ni Ogie sa bench na kalapit ng court.

"Sinabi mo na pala sa kanila." Panimula n'ya agad matapos ang ilang sandaling pagtahimik n'ya.

"Ayaw mo ba? Sorry, ha? 'Di ko sana muna babanggitin, kaso nakita na nila 'yung wedding ring natin tapos hindi ka pa daw nagdadala ng babae sa practice n'yo kaya nagtaka sila sa'kin. Bakit nga ba?" bigla ko na ring naitanong.

"Ahh... K-kasi..." nagkakandautal na sagot n'ya.

Parang iniisip pa n'ya ang idadahilan n'ya sa'kin.

Tumayo na ako bago pa s'ya makapagsabi ng idadahilan n'ya.

Hahanap na lang ako ng kakainan.

Bakit ba kapag nagagalit ako ay gusto kong kumain ng kumain?

"Wait..." habol n'ya sa'kin.

"Saan ka pupunta?" tanong pa n'ya nang iharap n'ya ako sa kanya.

"Kakain lang ako habang nag-iisip ka pa ng dahilan, okay. Gandahan mo 'yan ha! Magpapakabusog muna ako para prepared ako." Sarcastic kong sabi.

"Hindi ako magdadahilan sa'yo..." defensive na sagot n'ya.

"...Kaya hindi ako nagsasama ng babae dito kasi, una, wala naman akong madadala dito. Pangalawa ay ayoko ng may mang-iistorbo sa practice ko kung may maisama man ako na babae dito." Explain na n'ya.

Ako naman hindi na naman makatingin ng diretso dahil alam kong any time na gawin ko 'yun ay bibigay lang ako sa mga titig n'ya.

I just shrugged.

"Okay, if that's what you said. Kakain muna ako. Ayoko naman na makaistorbo ako sa practice mo." Sabi ko. Tumalikod na ako ng hindi na s'ya sumagot.

Walang lingon-likod na naglakad na ako papalayo sa kanya.

Medyo binagalan ko pa ang paglalakad ko kasi baka habulin n'ya pa ako.

The player:  Ogie (Mahal na kita... Noon pa!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon