12: Mahal Na Kita... Noon Pa!

71 2 0
                                    

Chapter 12

Nang makarating ako sa pwesto ni Chelsey ay patapos na s'yang kumain. Tatabi na sana ako sa kinauupuan n'ya ng bigla naman s'yang tumayo at naglakad papalayo sa mesa.

???

"Hey! Nahihirapan na ako sa ginagawa mo, ha?" reklamo ko sa kanya.

Kanina pa ako nagrereklamo. Nagrereklamo ako sa mga ka-team mates ko. Nagrereklamo ako sa mga nangyayari. Nagrereklamo ako sa inaaksyon ni Chelsey. At nagrereklamo na din ako sa sarili ko dahil sa mga pinaggagagawa ko kay Chelsey.

Eh teka ano nga bang ginawa ko na hindi n'ya nagustuhan?

Aaahhhhh!!!! Ang hirap ng hindi alam ang nangyayari.

Nilingon n'ya ako at mukha s'yang aburido.

Bakit parang pakiramdam ko nahihirapan ako?

Bakit ganito?

"Nahihirapan ka? Bakit? Hindi ko naman sinabi sa'yong pansinin mo ang mga ginagawa ko, ah? Nananahimik ako dito 'di ba? Ba't mo 'ko pinuntahan? Tapos sasabihin mong nahihirapan ka!"

Her voice was so cold. Parang sarili lang n'ya ang kinakausap n'ya ng sinabi n'ya iyon. And it hurts! It hurts so badly, I can't even breathe!

Nagsimula na s'yang tumakbo papalayo sa'kin.

Sandali pa akong natulala bago ko naisipang sundan s'ya.

Ewan ko ba pero parang kumuha pa ako ng pwersa para lang makaalis sa kinatatayuan ko kanina at sundan s'ya.

Naabutan ko s'ya ng dumaan s'ya sa may malaking puno na malapit sa tennis court. Madaming bench doon at damuhan kaya naman medyo bumagal ang pagtakbo niya.

"Okay, look, I'm sorry. Please, Chelsey! I honestly don't know what I'm doing that you didn't like. Hindi ako manghuhula but if it's about my reputation back then... I've changed, Chelsey! Sa maniwala ka man o hindi!" sabi ko sa kanya.

Iyon na lang ang naiisip ko ng sabihin para hindi na s'ya magtaka at mag-isip.

Totoo namang nagbago na 'ko eh!

"Nagpapatawa ka ba? Hahahaha"

Nabigla ako sa sinabi n'ya. Tumawa pa talaga s'ya!

I just looked at her. Watch her as she laugh.

The next thing I knew, I'm now holding her with my arms as I kissed her that made her stop laughing.

I didn't plan this, but when it comes to her I just lose it. I just lose all my control.

Naramdaman kong nabigla s'ya pero ng tumagal ay naramdaman kong unti-unti s'yang tumutugon.

Bakit ba sa simpleng pagtawa n'ya ay bigla ko na lang naisipan na halikan s'ya?

I was tempted! It's like she's seducing me without her even knowing!

———————-

Nagulat ako nang walang sabi-sabing hinalikan ako ni Ogie ng tinawanan ko s'ya kanina.

Totoo namang nakakatawa ang sinabi n'ya ah? Nagbago na s'ya? Tss... Kakakasal pa lang namin kahapon ay madami na akong narinig at nakita tungkol sa walang humpay na hilig nito sa paglalaro sa mga damdamin ng mga babae. Kaya ba ang tagal kong nag-isip kung itutuloy ko ang pagpapakasal sa kanya?

Simula pa lang ay nasasaktan na ako kahit sa usap-usapan pa lang ng mga taong nakapaligid sa'min ni Ogie.

Naku! Huwag ko lang s'yang makikita na gumagawa ng mga kalokohan n'ya dahil hindi ko alam kung ano ang magagawa ko sa kanya. Baka hindi ko rin kayanin kung mangyari man 'yon.

Wait... teka, teka!

I pushed him! Iyon yata ang nagpabalik sa'kin sa huwisyo.

"Look, sweets... Don't make fun of what I just said. That's true! Kung dati ay—"

Hindi ko na s'ya pinatuloy ng pagsasalita.

"Kung dati ay babaero ka, ngayon ay hindi na, gano'n?" sarcastic kong dugtong sa sinabi n'ya.

"But that's true! I won't risk this marriage! I promise!" he said with pleading eyes.

Sheeet... Ako naman 'tong si tanga... Tingin pa lang n'ya ng ganoon ay napatawad ko na agad s'ya.

O great! Ganoon na lang ba 'yun?

I sigh.

I can't believe that I believed him that easily!

Pero tumango na lang ako. Everyone deserves a chance, right?

He smiled with satisfaction. Mukha s'yang nabunutan ng tinik?

Kahit ako ay napapangiti kapag nakikita s'yang ganyan.

Matapos ang ngitian portion na iyon ay nagulat na lang ako ng bigla n'ya akong yakapin ng mahigpit.

"'Wag ka na uli magtatampo, sweets. Please... hindi ko pala kaya. Hindi nga ako makapag-concentrate man lang sa practice 'pag ganyan ka." Bulong n'ya sa'kin habang nakakulong pa rin ako sa yakap n'ya.

Gosh! Rinig na rinig ko tibok ng puso n'ya at ramdam na ramdam ko ang warmth na nanggagaling sa katawan n'ya.

I feel protected! Naks lang!

Inalis na n'ya pagkakayakap n'ya sa'kin. Then, I felt strange. Ba't ganun?

Pero bago s'ya umalis ay binigyan n'ya pa ako ng isang mabilis na halik sa labi.

"Wait for me, sweets. D'yan ka muna sa bench at magwa-warm-up lang ako."

Iyon lang at umalis na s'ya.

Sheeeett talaga! Magkakasakit ako neto sa puso. Pa'no ba naman nakakataba ng puso ang mga sinabi n'ya kahit galit-galitan ako kanina.

Kahit papano nagkakaroon ako ng pag-asa na magiging maayos ang pagsasama namin bilang mag-asawa.

——————————————————-

Ayan na nga muna! Maikli lang... Antoookkkk na kuuuuu!! (—_—)

Tnx pa rin to all!

God Bless!

<3 by ^^

The player:  Ogie (Mahal na kita... Noon pa!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon