01: Mahal Na Kita... Noon Pa!

234 4 0
                                    

Chapter 1

"Congratulations, anak!" bati ni Mama sabay yakap sa'kin. Kinamayan naman ako ni Papa.

Graduation day namin. Hay, sa wakas natapos na rin ako sa course kong Business Management. Sa apat na taon masasabi kong challenge talaga 'to para sa'kin. hindi ko kasi gusto ang course na 'to.

I'm Chelsey. Nag-iisang anak kaya ako ang sasalo ng negosyo namin in the future. Si Papa ang kasalukuyang CEO ng isa sa mga sikat na restaurant ngayon sa loob at labas ng bansa.

"I can't believe that you graduated as a Cum Laude. Hanggang doon lang ang kaya mo?" say ni Papa.

Wow! Ayaw pa n'ya ng Cum Laude. 'Yung iba nga maka-graduate lang masaya na.

Hindi katanggap-tanggap para kay Papa na ga-graduate ako ng Cum Laude. mas may ibubuga pa daw ako doon. Eh heller ayoko kaya ng Business Management. Gusto kong maging designer. Gusto ko lang naman maging proud sa'kin si Papa kaya kahit ayoko no'ng course ko tinyaga ko pa rin. Pinagbutihan ko pa. Ang kaso hindi pa pala sapat 'yon. Nakakalungkot lang!

Hindi ko na alam kung paano ko i-pi-please si Papa.

"Oh, please..." say ni Mama kay Papa. "Aren't you happy that your daughter already graduated with honors? I can't believe you! Hindi ka marunong makuntento. Hmph!"

Buti pa si Mama, laging full support sa mga desisyon ko. Madali din s'yang i-please at maka-appreciate ng mga ginagawa ng tao sa paligid n'ya. Kahit sa pinaka-worst case scenario, may nakikita s'yang positive.

Hindi na lang umimik si Papa.

Umalis na kami doon sa may stage at dumiretso na sa sasakyan namin. Doon na daw kami didiretso sa main branch ng restaurant namin para mag-celebrate.

Parang ayaw pa ni Papa.

Ang tahimik pa sa loob ng kotse.

...

"We'll be meeting someone there." Say ni Papa.

"Sino?"

"Who?"

Sabay na tanong namin ni Mama. 

"The Melandrez. Our supplier and Business partner." Sagot ni Papa.

Oh!

Napangiti si Mama.

Oo nga pala, mag-kumare nga pala si Mama at si Mrs. Melandrez.

I remember them. Good people. Hindi plastic at mapang-mata. Kasundo nila sila Mama at Papa.

"You'll meet their son." Say uli ni Papa.

Whoah! Close kami?

Nagulat naman ako doon. Hindi ko lang pina-obvious. Baka mainis na sa'kin si Papa.

Teka, never ko pang na-meet anak nila, ah? Na-curious ako.

...

Nakarating na kami sa restaurant. Ang The Filipinoes. Weird right?

'Yun ang gusto nila Papa eh.  Iyon ang main branch ng chains of restaurant namin. Dito sine-serve lahat ng klase ng pagkain sa Pilipinas. Ang ibang branch ng restaurant namin ay nag-se-serve naman ng foreign dishes. Obvious 'yun sa pangalan ng mga restaurants tulad ng The Italianoes, The Greeks, The Americans, The Japanese, The Koreans, The French, The English, and twenty-two more.

Ang dami na pala.

Pagpasok sa resto, nakita ko agad ang mag-asawang Melandrez. Doon sila naka-pwesto sa VIP table.

Lumapit kami sa table nila. Tumayo naman sila Mr. and Mrs. Melandrez para salubungin kami.

Hindi na sila nagpaligoy-ligoy, ipinakilala agad nila ako sa anak nila Mr. and Mrs. Melandrez.

"Ogie, I would like you to meet our only daughter, Chelsey. Chelsey, meet Mr. and Mrs. Melandrez's son, Ogie Melandrez." pakilala sa'min ni Papa.

Boogsh!

Halaaa! S'ya 'yun!

Nilahad ni Ogie kamay n'ya sa'kin.

Shocks... gulat na gulat ako. Hindi ko expected na si Ogie Melandrez pala ang anak nila.

...

Ayan umupo na lang ako, magkatapat kami.

Tumingi ako sa plato ko. Hala, sige, kain lang ng kain!

Ubos na! Buurrpff!!! Busog!

"Tuloy na ba ang plano?" tanong ni Mr. Melandrez kay Papa.

Tapos na 'kong kumain kaya tumingin na lang ako sa kanila.

"Oo naman." say ni Papa.

"Pero, George. Hindi pa alam ng mga bata." say ni Mama kay Papa.

Huh? Anong meron?

Parang na-intriga din si Ogie kasi nakikinig na din s'ya kila Papa.

Oohh my! Ano 'yon? Bakit ako kinakabahan? Bilis ng tibok ng puso ko.

Nagkatinginan kami ni Ogie.

Halaa! Lalong bumilis tibok ng puso ko.

Ganda ng mata n'ya. Nakaka-hypnotize. Para akong malulunod.

Ang haba ng pilikmata n'ya at chocolate brown ang kulay ng iris ng mata n'ya. Mysterious! Whew! kahit yata magtitigan kami nito twenty-four-seven papayag ako eh. 'Di ako magsasawa.

Pero nagbawi ako ng tingin. Nahiya ako eh.

Bumaling naman s'ya ng tingin sa papa n'ya.

"Ano 'yon, Pa?" tanong ni Ogie.

"Ah, hijo... Matagal na naming plano ito ni George--" say ni Mr. Melandrez.

"Kasi, hijo... hija..." say ni Mrs. Melandrez. "Napagkasunduan na kasi namin na since kayo ang hahawak ng negosyo., mas mabuti pang kayo na lang ang magkatuluyan at magpakasal pagkatapos n'yong mag-aral."

Huuu...Whaattt??!!!!

Napatulala ako sa kanila.

I can't belive this!

Kasal?????


.........

Abangan sa susunod na kabanata... Papayag kaya sila na ipakasal sila ng mga magulang nila? Ano ng mangyayari?

Any idea? Share mo sa'kin by commenting or PM-ing me...

Tnx...

The player:  Ogie (Mahal na kita... Noon pa!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon