Prologue

580 72 16
                                    

Pagod na pagod na ako, sobra.

Hindi na kaya ng katawan ko ang labis na pagod at gutom na aking iniinda. Ang dami ko nang galos sa iba't ibang parte ng katawan, baka ikamatay ko na ito.

Halos kapusin na ako ng hininga.

Gustuhin ko man magpahinga at umupo kahit sandali ay hindi pwede, dahil mahuhuli nila ako at mas mapapadali pa ang kamatayan ko.

Nakakainis.

Natiyempuhan nila akong walang dala ni isang armas. Kaya ito ako ngayon, walang katapusan na pagtakbo lang ang kaya kong gawin upang makatakas sa kanila.

Nagdaan ako sa tapat ng bahay ng tiyahin ko sana para bumili ng yosi nang madatnan nila ako.

Sa labis na takot at kaba na baka madamay pati ang tiyahin ko, tumakbo ako palayo sa lugar.

Dumalaw lang ako sa anak ng tiyahin na may sakit kaya naroon ako. Ayoko na may madamay sa gulo kaya nilisan ko na ang lugar.

Hinabol nila ako, 'di ko akalain na marami sila.

Nakarating kami sa kagubatan- at iyon ang plano ko. Para maiwasan rin ang mapahamak ang iba sa paligid.

Hindi ako magpapahuli nang buhay sa kanila.

Hindi ako basta-basta susuko kahit marami sila at may dala pang armas.

Ang dahilan kung bakit nila ako hinahabol ay ako ang pumatay sa nobya ng kanilang amo. Galit na galit siya at ipinahanap nila ako. Nagbigay pa sila ng pabuya kung sino man ang unang makakuha sa akin, buhay man o patay.

Hindi ko alam na kasintahan niya ang babaeng iyon, sinusunod ko lang ang utos.

Ang hindi nila alam, mismong ama niya ang nag-utos sa akin na tapusin ang kanilang nobya. Hindi ko rin alam na konektado siya sa babae. Natuklasan ko lamang no'ng simulan na nila ang pag-hunting sa akin ang kanilang tauhan.

"Bilisan niyo kasi! Nakakalayo na siya! mga punyeta!"

"Para kayong mga pagong!"

Dinig kong sigaw ng lider ng mga humahabol sa akin. Wala yatang kapaguran ang mga tarantado na 'to.

"Ah! shit!" Daing ko ng mapatid sa isang malaking sanga ng kahoy.

Hindi ko kasi gaano makita ang daan at papalubog narin ang araw, kaya hindi ko napansin.

Guma-gabi na.

Kailangan ko ng makaalis sa lugar na ito at matakasan sila.

Paulit-ulit akong natutumba at agad rin na tumatayo. Medyo nakalayo na ako sa kanila pero hindi ako tumigil sa pagtakbo.

Hindi ko masisiguro kung kakayanin ko pa. Nanghihina na ang mga tuhod ko, nanginginig ang bawat parte ng katawan.

"Mirae! Hindi mo kami matatakasan! Kaya tumigil ka!" Sigaw ng lider ulit.

"Alam ko!" Sagot ko habang tumatakbo.

"Alam mo naman pala na hindi mo kami matatakasan! Kung ganoon sumama ka na lang sa amin ng matiwasay!"

"Anong akala mo sakin?! Bobo tulad mo?! Siyempre 'di ako magpapahuli ng buhay sa inyo! Gunggong!"

"Putragis! Hulihin ang lintek na babaeng yan! Patayin niyo!"

Agad akong nagtago sa likod ng malaking puno ng magsimula silang paputukan ako ng baril. Umalis rin agad ako sa puno at tumakbo ulit para maghanap ng pagtataguan.

"Huwag na kasing tumakbo pa! Mahuhuli't mahuhuli ka namin!"

"Ang bobo! Syempre kaya nga ako tumatakbo para di niyo ako mahuli! Tapos papatigilin mo ako? Nasaan utak mo?"

The Lost Assassin: Mirae's Venture Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon