Kabanata 7

296 36 5
                                    

~Mirae~

Nanatili akong nakatayo sa terasa habang tinatanaw ang papalayong kabayo sakay ang dalawang bisita ni Priscilla. Nakakatuwang panoorin ang nakabusangot na itsura niya. Dismaya dahil di nakasama ng matagal ang binata na hinahangaan.

Masyado niyang ipinapahalata ang pagtingin niya sa lalaking iyon. Siyempre, iiwasan siya nito kapag ganun. Maganda naman siya, nakakaakit, elegante kung kumilos, nagpapatunay lamang na isa siyang anak ng maharlika. Ngunit, hindi ito magiging sapat upang mapansin siya ng napupusuan.

Hindi ko rin talaga malaman kung ano ang nagustuhan niya sa lalaking iyon. Unang tingin ko palang don, mukang antipatiko at suplado. Hindi ko rin gusto ang uri kung paano siya tumingin kanina, tila binabasa niya ang iniisip ko at kasabay nun ang panghuhusga.

Bakit di niya pagtuunan ng pansin si Priscilla na trying hard kung magpapansin sa kanya sa hapagkainan. Kung makatitig siya, ay parang may malalim na kasalanan akong nagawa, tulad ng mga kalaban na dati kong kasamahan na humahabol sakin nang araw na iyon.

Hayst, nakalimutan ko.. ano na kaya ang nangyari sa mga yun? Hinahanap parin ba nila ako? Posible, dahil tiyak na sila ang papatayin ng amo nila, oras na di ako nahuli. Nagwawala na siguro ngayon ang pinuno nila. Tsk, di parin ako makapaniwala na mismong dating kasamahan ko ang magtatraydor, at gustong pumatay sa akin kapalit ang malaking pabuya. Itinuring ko pa naman na kapatid ang ilan sa kanila. Nabulag na sila ng pera mga ganid, ang tangina.

Kumusta na kaya si Tiya? Gumaling na rin naman siguro ngayon ang anak niya.

Si Mirae yung kamukha ko, nasaan na ba yon? Gusto kong palitan na niya ako rito para makabalik na rin ako sa bahay ko. Marangya ang pamumuhay niya rito pero may sarili naman akong buhay at ayaw kong akuin ang hindi ko pag-aari.

Mas nanaisin ko pa na tumira sa bahay ko kaysa rito sa palasyo nila. Di ako komportable, at mainit ang mata sa akin ng kapatid niya na sa tingin ko ay dapat sa kanya napunta. Ako ang sumasalo sa problema na hindi dapat akin.

Isa pa ang reyna, ang ina ng malditang Priscilla na iyon, hindi ko alam kung kampi ba o kasabwat ito ni Priscilla sa ginagawang kasamaan kay Mirae pero nararamdaman kong wala siyang alam sa ginagawa ni Priscilla. Sa palagay ko ay ayaw niya lang talaga kay Mirae.

Naloloka talaga ako kasi wala akong natatandaan na may ganitong uri ng lugar. Dapat siguro ay magbasa ako ng libro tungkol sa lugar dito o kasaysayan ng misteryosong lugar na ito.

Nakakabagot ang umupo lang sa kwarto at magkulong ng isang araw at lalabas lamang kung oras na kumain. Nais ko magliwaliw sa labas, pero di ako pinayagan dahil baka raw tumakas ako at ulitin ang paglalayas.

Wala naman akong mahalungkat sa kwarto ni Mirae, dahil konti lang ang kagamitan sa kwarto niya kahit ang damit sa aparador ay bilang lang sa daliri, at luma na pero ayos pa naman kung suotin. Para sa 'kin basahan na kung ituturing ang mga damit niya, pero wala akong pagpipilian kundi ang isuot iyon kaysa maglakad ako sa loob ng palasyo na mabaho o kaya naman ay hubad.

Ang sapatos naman niya ay pitong pares lang may dawalang kulay kahel, isang puti, tatlong itim, at isang kulay abo, mga bago pa. Hindi pa yata nagagamit, nakatago lang sa ilalim ng aparador niya. Buti nga hindi tinirahan ng daga.

Naglaan ako ng oras na pakialaman ang gamit niya at linisin, para malaman ko na rin kung saan ko makikita ang mga ito at di ako malito.

"Binibining Mirae." Dinig kong wika nang isang tagapagsilbi sa pangalan ko mula sa likuran. Nanatili akong nakaharap sa terasa habang kinakausap ito.

"Nais po kayong makausap ni Haring Avril." Salita niya, ayaw ko siyang makausap, hindi ako handa na makaharap ang ama ng babaeng kamukha ko.

"N..ngayon na ba?" Pinanatili kong kalmado ang boses kahit gusto kung tumanggi na puntahan ang hari. Madedehado ako nito, di ko alam kong paano makitungo si Mirae sa ama niya.

The Lost Assassin: Mirae's Venture Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon