Kabanata 3

316 46 3
                                    

Hindi nagustuhan ni Priscilla ang pagtalikod sa kanya ni Mirae, nais niya itong saktan pero di niya magawa dahil nasa harapan siya ng kanyang ina.

Nakapagtataka... bakit buhay pa siya? Paano siya nakaligtas? Sinong tumulong sakanya? Tanong niya sa sarili habang nakatingin sa natutulog na dalaga.

Mali ang impormasyon na ibinalita sa'kin ng mga punyeta!

Napapaisip siya kung ano ang nangyari sa pinagawa niya sa kanyang mga inutusan ng pagtapos sa buhay ni Mirae bakit ito ang naging resulta. Mga walang silbi! Papaanong parang may alam ang bastarda kong kapatid sa plano ko? Hinuhuli niya ba ako kanina sa pamamagitan ng pagtatanong niya? Hindi ko napansin yun, muntik pa akong magpahuli. Pero hindi nga ba ako nahalata?

Hindi siya maaaring magsumbong kay ama. Kailangan ko ulit gumawa ng plano para patahimikin siya at nang mapatalsik siya rito sa palasyo.

Nakapagtataka...

Ang mga kinikilos niya ay estranghero, nagbago ang paraan ng kanyang pananalita, kung magsalita 'to ay parang hindi tinuruan ng magandang asal samantala dati ay mahinhin ito magsalita't kumilos.

Kung dati rati ito ay nasisindak niya sa matatalim niyang tingin pero ngayon ay bumaliktad na, siya na ang nasisindak nito. Pakiramdam niya kanina habang kinakausap ang dalaga ay ibang tao ang nasa harapan niya, tila isang tigre na handa siyang sakmalin. Pilit niyang itinatago ang kabang nararamdaman, dahil ayaw niya magmukhang kaawa-awa sa harap ng kanyang ina na siyang reyna.

"Hayaan mo na siya, umalis na tayo Priscilla." Akay sakanya ng reyna, hindi na nagreklamo at sumunod na lang rito. "Dadalaw tayo sa hari." Nagulat siya sa sinabi ng ina.

"Hari? Kay ama? Hindi ba't ipinagbabawal sa atin ang pagpunta roon?" Nagtatakang usal niya.

"Kapag nakarating tayo, ako na ang bahala sakanya. Asawa niya ako, ako ang kanyang reyna wala siyang magagawa kundi ang pahintulutan ako." May pinalidad na saad nang reyna.

Ipinagbawal ng hari ang pagpunta doon sa lugar na kinalalagyan niya dahil ang hari lamang ang maaaring makapasok dun. Isang pribado ang lugar na iyon at pansamantala doon rin nakatira ang hari. Nakaimbak ang mga importanteng dokumento roon kaya mahigpit na ipinatupad ang pagbabawal na pagpunta roon. May minsang nagtangka na nakawin ang mga dokumentong nasa pangangalaga ng hari kaya mas naging maigi ang pagbabantay sa lugar ng mga gwardya sibil.

Pagmamay-ari ng mga mula sa pinakamataas na posisyon hanggang sa pinakamababa ang mga impormasyon na nakalagay sa dokumento na nanggaling sa La Estrella at San Andreas.

San Andreas, ang lugar nang mahihirap at mga walang sapat na edukasyon, pinagkaitan ng tinatawag na edukasyon, tapunan ng pugante, lugar ng rebelde, kriminal, sa lugar na ito nagkalat na ang masasamang loob dahil sa pagkasalat sa pagkain, kabuhayan naging resulta ng pagnanakaw ng mga ito. Hindi maaari makapasok ang mga taga-San Andreas sa lugar ng La Estrella kung sila ay hindi naimbitahan ng taong nagmula rin sa La Estrella, pero may iba parin na nakakalusot ngunit nadadakip rin agad ito ng mga gwardya sibil, kinukulong ng ilang araw bago ibalik sa lugar na pinanggalingan. Kapag may krimen o kasalanan na nagawa ang sinuman sa mga taga-La Estrella at San Andreas ay hahatulan ng karapat-dapat na parusa kung mabigat ang krimen na nagawa ay igagarote ang may sala o puputulan ng ulo.

Pantay ang batas na ipinatupad sa magkabilang lugar ngunit mas nananaig parin ang may salapi, pilak, ginto, kayang baliktarin ang lahat ng pangyayari kung may ganoon ka. Kaya kung sino pa ang inosente siya ang mapapatawan ng parusa imbes ang may halang na kaluluwa.

Marami ang sumubok na dumayo na mga taga San Andreas sa La Estrella upang mamasukan bilang trabahador, alalay, alipin kapalit ang pilak na kikitain.

Pero pili lang din ang nakakapasok minsan ay dala lang ng swerte ang iba.

The Lost Assassin: Mirae's Venture Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon