Kabanata 5

290 47 10
                                    

~Wren~

Nakakatuwa kausap ang binibini, haha.

Ngayon lang ako nakatagpo ng ganoong babae. Matalas siya kung magsalita. Walang preno kung magmura. Tinawag pa akong peste, di naman ako mukhang insekto.

Sa kagwapuhan ng aking pagmumukha, tatawagin niya lang ako na isang peste?

Malakas ang loob niya. Maliban sa pagiging tanyag at mahusay na manggagamot ay maraming kababaihan ang pinapantasya ako at pinag-aagawan na mapasakanila. Hindi sa nagyayabang ako, katotohanan lamang ang sinasabi ko.

Dahil na rin nabibilang ako sa pamilyang Loveras. Isa ang mga Loveras, ang aking pamilya sa pinakamaimpluwensyang tao sa La Estrella. Malapit ang aking ama sa dayuhang Gobernador. Habang nabibilang sa konseho ang aking Ina.

Bakit? Hayst, di ako kilala ng binibini? Samantala lahat ng tao sa La Estrella ay kilala ako. Pagtapos siya ay hindi, para akong nainsulto. Inakala kong tanyag ako sa lahat, tapos malalaman ko lang na isang nagtatagong binibini sa palasyo ang hindi sakin nakakakilala? Tsk.

Kaya ba ganun nalang ang pakitungo nito sa'kin kanina? Dapat siguro ay nagpakilala muna ako.

Nakapagtataka ang dami ng sugat ng binibini? Bakit siya nagkasugat? May nanakit kaya sakanya? Saan ba nanggaling ang binibini at ganoon ang nangyari sa kanya? Sayang ang porselana niyang balat, paniguradong magkakaroon ng lamat ang kanyang mga sugat sa katawan.
.
"Kumusta?" Pamilyar na tinig ng aking kaibigan. Naantala ako sa pag-alala sa mga nangyare. Buntong-hininga ang aking sinagot. "Masyadong malalim ang iyong paghinga, baka hindi mo maiahon ang iyong sarili."

Napatingin ko sakanya. "Hindi ko kailangan umahon o iahon ang aking sarili dahil mayaman ang pamilya ko."

"Literal ka mag-isip. Di naman iyan ang nais kong sabihin. Isa iyong biro. Di mo naintindihan? Akala ko pa naman ay matalino ka?"

"Pati ba naman ikaw ay kukuwestyunin ang taglay kong katalinohan?" Salubong ang kilay na tanong ko.

"Huh?" Nagtataka ang uri ng tingin nito sa akin.

"Wala manahimik ka na lang riyan, bago kita palabasin sa aking pamamahay." Di mawala sa isipan ko ang maaaring nangyare kay binibining Mirae.

"Alam ko na hindi mo iyon magagawa sa akin." Hindi ko pinansin ang iba pa niyang winika puro lamang iyon pagyayabang na kanyang alam.

"Isiwalat mo na ang iyong dahilan kaya ka naparito." Tinatamad kong wika, paniguradong may mensahe na naman siyang dala.

"May magandang balita na sumalubong sa aking pagbisita sa sentro. Tiyak na malaking selebrasyon ang magaganap sa susunod na araw." Panimula niyang kwento. Nakikinig ako habang nakatingin sa pahina ng aklat na nakapatong sa aking kandungan. Naglalaman ito ng mga uri ng panggagamot, nais ko pang matuto nang marami.

"Nagbalik na siya." Napatingin ako sa kanya. "Si Aldus."

Sabi niya noon na matatagalan bago siya bumalik subalit bakit narito na siya sa La Estrella? Si Aldus ay ang matalik kong kaibigan na nadestino sa malayo upang gawin ang kanyang tungkulin bilang pinuno ng samahan na binuo nito mismo. Ito ang samahan ng mga taong paisa-isang pumupuksa sa mga rebelde. Si Aldus, hindi siya nagtitiwala sa kahit kanino kahit kami na matalik niyang kaibigan ay walang alam sa mga planong maaaring pumapasok sa kanyang isipan. Masyado siyang malihim.

Sinarado ko ang aklat at nilapag sa mesa. "Bakit naging mabilis ang pagbabalik niya? May binanggit ba sa'yo?" Agad siyang umiling. Hindi talaga mahilig magsabi ang taong iyon.

"Hindi naman siya nagpadala ng sulat sa'kin bilang paalala ng pagdating niya."

Sumandal ako sa aking kinauupuan huminga ng malalim. "Saan siya pa-paroon?"

The Lost Assassin: Mirae's Venture Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon