Kabanata 6

250 37 10
                                    

Pinagbubuksan lahat ni Mirae ang mga cabinet sa loob ng kwarto na kinaroroonan niya. Naghahanap siya ng impornasyon ukol sa pagkatao ng babaeng kawangis niya.

"Hayst, nakakainis naman. Bakit ba kasi ako napunta sa sitwasyon na ito?" Namomoblemang usal ni Mirae tsaka tumigil sa ginagawa at umupo sa kama.

Wala pa siyang dalawang linggo sa palasyo ay gusto na niyang umalis. Hindi rin naman siya pinapayagang kumilos ng mayordoma sa palasyo dahil sa nag-aalala ito na mapano siya.

Kanina lang ay sinubukan niya na lumabas ng palasyo pero di niya magawa dahil marami ang guwardya sibil na nagbabantay mula sa labas hanggang sa loob ng palasyo.

Nakapalibot ang mga ito sa buong lugar mayroon rin na nagroronda.

"Prinsesa Mirae, nakahanda na ang hapunan. Ikaw nalang ang hinihintay sa hapagkainan at may bisita ang unang Prinsesa Priscilla." Dinig niya na salita ng isang tagapagsilbi mula sa labas ng pinto tapos nito kumatok ng tatlong beses.

"Oh? Nakauwi na ang mag-ina, di ko sila nakita kanina, ah." Umiiling na aniya sa isip ni Mirae. "Sabihin mo nalang na mauna na silang kumain," tugon niya.

Nabahala naman ang tagapagsilbi sa labas ng kanyang silid sa sinagot niya.

"Hindi maaari iyan. Sabay-sabay ang lahat kumain, iyan ang nais ng iyong ama. Nandito na ang hari mahal na prinsesa, nais ka niyang makita."

'Oh, shit! Bakit narito ang lahat? Ano may family reunion?' Napipikon na isip ni Mirae.

"Hay! Sige, susunod na ako. Wala. naman akong choice." Lumabas na siya sa at sinundan ang sumundong tagapagsilbi sa kanya.

Tinatamad na naglalakad patungo sa upuan si Mirae, di nag-abalang tignan ang kasama at batiin.

"Hindi magandang pinaghihintay ang grasya, Mirae." Salita ng reyna nang makaupo siya. Di niya binigyang pansin ang sinabi nito. "Dahil nahuli ka, ikaw ang magdasal ngayon." Dugtong nito para mapalingon siya.

"Luh? Anong ako?" Nangunot ang noo niya.

Lihim naman na napangiti si Prinsesa Priscilla. Tahimik naman na nakikinig lang ang kasama nitong lalaki, dalawang binata.

Tumaas ang isang kilay ng reyna at pekeng ngumiti. "Bakit, may problema ba? Hindi ka ba marunong magdasal, Mirae?"

Naiinis pero peke niya rin itong nginitian." Ang sabi ko magdadasal na nga ako." Napipilitan niyang sabi.

'Buwisit, di ako nagdadasal yawa.' Mura niya sa isipan.

"Sa ngalan ng ama, anak, espiritu santo amen. Panginoon salamat sa mga pagkaing ito na nakahanda ngayon sa aming harapan, nawa'y kaming inyong gabayan upang ang kasama ko ay hindi mabulunan-ay este-maraming salamat muli! Amen!" Dasal niya.

Muntik pa siyang magkamali.

Nagsimula na silang kumain. Tanging tunog lang ng kubyertos at kutsara ang maririnig sa gitna ng hapag dahil sa katahimikan. Pasimple na sinusuri ni Mirae ang dalawang kasama ni Prinsesa Priscilla habang mabagal na nginunguya ang bawat pagkain na sinusubo.

Hindi na rin halos kumakain si Prinsesa Priscilla dahil mas inuuna pa nitong magnakaw sulyap sa katabing lalaki na may agwat na kalahating metro ang kinauupuan.

'Tsk. Goodness! Nakakalungkot love story ng babaeng 'to.' Mahinang natawa sa naisip si Mirae. Gusto niyang pagtawanan ng malakas ang prinsesa na si Priscilla at ipaalam rito na nagmumukha siyang sabik sa atensyon.

'Bwahahahahahagago!' Tawa ni Mirae ni Mirae sa isipan kay Prinsesa Priscilla. 'Ang bully ko yata? Haha.'

"Anong tinatawa-tawa mo riyan? Nababaliw ka na ba?" Biglang sita ng taong kanya rin na pinagtatawanan. Napatingin siya rito at sumulyap sa lalaking ninanakawan nito ng sulyap saka binalik ulit ang tingin kay Prinsesa Priscilla.

The Lost Assassin: Mirae's Venture Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon