Kabanata 9

251 27 10
                                    

Kabanata 9

Dikit ang kilay na nakatuon ang tingin ni Aldus sa hawak nitong baso habang inaalog ang laman nitong alak.

Napailing naman ang kasama niyang si Alec nang masulyapan siya nito habang may kinakausap na babae.

Pinalabas niya muna ang mga ito at binalingan si Aldus.

"Maaari mong ibahagi sa akin ang iyong iniisip."

"What do you think of her?"

"Sino ang tinutukoy mo?"

"Ang anak ni haring Avril," tipid na sagot ni Aldus

"Si Mirae? Bakit mo naman natanong?"

"Hindi ba maaaring sagutin mo nalang ako? At huwag balikan ng tanong?" Malamig ang boses na aniya.

Tipid na ngumiti naman si Alec sa tinuran ng kaibigan. "Sa tingin ko ay may alitan ang magkapatid na Montregomie."

"Hindi ba nakarating sa iyo ang balita galing sa konseho na meron silang mahalagang iaanunsyo? Marahil sa gaganaping okasyon limang araw mula ngayon, sa loob ng palasyo ay ipapakilala nila si binibining Mirae at kung hindi tayo bumisita kay haring Avril ay sa araw pa na iyon natin makikilala ang binibini," dagdag na wika ni Alec na siyang ikinakuha ng atensyon ni Aldus.

"Ayon sa impormasyon na nakalap ko, siya ay anak ng hari sa babaeng nagmula sa La Estrella. Pumanaw ito pagkapanganak sa binibini."

"Marami kang alam sa kaniya. Interesado ka yata sa binibini."

"Alam mong marami ang naghahabol at umiibig na dalaga sa akin kaibigan, hindi ko na kailangan pang idagdag siya sa koleksyon ko. May napansin lang akong kakaiba sa pag-uugali niya."

Katotohanan naman ang sinabi nito na marami ang may nais maging kasintahan siya, dahil madali siyang lapitan at mahilig sa magagandang dilag. Hindi katulad niyang may nagkakagusto pero hindi naman siya malapitan ng mga ito sa lamig niya makitungo.

"Bakit hindi mo idagdag sa mga babae mo ang anak ng reyna?"

"Sa 'yo si binibining Priscilla. Hindi maganda ang may kasalo sa isa."

Muling ibinalik ni Aldus an atensyon sa alak at hinayaan na ang kaibigan, ayaw na niyang makinig sa mga salita nitong walang kabuluhan dahil wala naman siyang pakialam sa kung sino na dalaga.

...

"Hija, Mirae aking prinsesa."

Napatigil sa pagsubo ng pagkain si Mirae ng madinig ang boses ng hari mula sa likuran.

Agad niya itong nilingon at tumayo tsaka binati ito.

"Hari- I mean... ama. Bakit ka naparito?"

Hindi sinasadya ay muntikan na niyang makalimutan ang itatawag rito. Pilit niya na sinasanay ang sarili na tawagin itong ama pero hindi nakikisama ang dila niya.

"Umupo muna tayo," anito at puwesto sa kaharap niyang upuan na nakalagay sa terasa sa loob ng kwarto niya.

"Ito sana ang nais kong sabihin sa iyo no'ng ipinatawag kita ngunit kaagad kang umalis."

Napaisip naman siya sa gustong sabihin ni haring Avril.

"Paumanhin sa naging asal ko nitong nakaraan, ama. Marahil ay pagod lang ako ng araw na iyon at hindi ko na alam ang aking pinagsasabi."

"Naiintindihan ko, nais ko lang sabihin sa inyo na kailangan mong maghanda sa gaganapin na okasyon rito sa palasyo."

"Maghanda?" Nagtatakang tanong niya.

The Lost Assassin: Mirae's Venture Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon