Kabanata 1

420 66 7
                                    

Nubayan!? Kanina pa ako lakad ng lakad wala parin ako makitang kalsada, lintek!

Halos mga nagtataasang puno ang nadadaanan ko, kahit damo mataas pa sa akin.

Paano ba makaalis dito.. tsk! Wala man lang akong na makitang tao para mapagtanungan. Malamang, nasa gubat ka Mirae!? Tapos maghahanap ka nang tao!? Pinapairal mo na naman kabobohan mo! Tsk, tsk, tsk!

Napipikon na talaga ako! Kanina lang kasi-hayst! Bwisit!

Mag-iisang oras na ako palakad-lakad, mamamatay ako sa gutom nito. Wala talaga akong takas sa kamatayan, eh.

"Yah!!!!" Napatalon ako sa gulat ng marinig iyon. T*ngina, papatayin talaga ako sa nerbyos.

Ano yun? Gumagalaw yata ang lupa? Parang tumatakbo na.... peste isa lang naman ang alam ko kapag ganyan ang tunog, nalintekan na.

Mas lalong lumakas ang tunog nang yapak ng mga paparating.

"Hanapin sa paligid ang Binibini! Huwag kayong babalik hangga't hindi ninyo siya dala! Nagkakaintindihan ba tayong lahat!?"

"Masusunod pinuno!"

"Simulan na ang paghahanap! Di dapat tayo maabutan ng dilim! Sa lugar na ito maraming mababangis na hayop ang pakalat kalat, kaya kung maaari ay bilisan ang inyong pagkilos! Magsimula na kayo!"

Dinig kong usapan ng mga ito habang palapit ng palapit sa kinalulugaran ko.
Sino kaya hinahanap ng mga gunggong na ito? Binibini? Pinuno? Tsk.

Napaisip ako bigla.

Pwede kaya sila tanongin ko ng daan? Di naman siguro sila mga tulisan. Bahala na.

Mula sa paghinto ay nagpatuloy ako sa paglalakad upang hanapin ang mga nagmamay-ari ng tinig na iyon. Alam kong malapit lang sila sa pwesto ko.

Magpakita.. magpakita na kayo, sa wakas nahanap rin. Dalawang metro ang layo mula sa kinatatayuan ko ay makikita ang dalawang tao na sa tingin ko ay parehong lalaki na nakasakay sa tig-isang kabayo. Sa likod palang makikita na ang kakisigan ng mga ito, maski sa kasuotan ay halatang-halata. Magkaharap ang dalawa, nag-uusap siguro.

Di naman siguro masama na sumali ako sa usapan ng dalawang ito.

Dahan-dahan akong lumapit sa kanila kaya habang papalapit ako ay naririnig ko ang usapan nila.

"Kailan nga ba umalis ang pahamak na iyon? Bakit daw ito biglang nawala?"

"Kagabi pa raw ito nawawala at hindi pa bumabalik, ayon sa magulang nito. Ang masama ay hindi rin nila alam kung bakit umalis ang binibini."

"Nakadagdag lang sa suliranin natin ang paghahanap sa babaeng iyon, Cielo."

"Hindi ka dapat nagsasalita ng ganyan, Franco. Obligasyon pa rin natin ang hanapin ang kung sinuman na nawawala sa ating bayan."

"Oo, obligasyon nga ngunit hindi natin responsibilidad pa ang walang kwentang babaeng na iyon. Isa lamang siyang hamak na anak sa labas ng nakaupo sa trono."

"Kahit na. Anak pa rin siya dapat pa rin natin siyang galangin. Kaya kung maaari ay manahimik ka na lang sana kung wala namang lumalabas sa madumi mong bibig."

Tsk.

"Nagsasabi lamang ako ng katotohanan."

"Ngunit maaari kang putulan ng dila kung may nakarinig sa mga binitawan mong salita. Di mo naman siguro limot ang batas natin, Franco."

The Lost Assassin: Mirae's Venture Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon