Kabanata 11"Ako ba ang hinahanap mo?"
Nanlalaki ang mata na napatitig sa nakatihayang kasama si Franco.
Dilat ang pares ng mata nito habang may umaagos na pulang likido mula sa nakabukang bibig. Hindi niya alam kung ano ang nangyari sa kasama. Ilang segundo lang naman na nawala ang atensyon niya sa dalaga, ngunit paano't bigla ito ay hindi na humihinga?
"Lapastangan! Anong ginawa mo sa aking kasama?!"
Nanggagalaiting patanong na sigaw niya sa walang emosyon na binibini nakatayo sa harapan niya. Agad niyang napansin ang hawak nitong punyal na may bahid ng dugo na galing sa kaniyang kasama.
Mabilis niyang binunot ang nakasukbit na baril sa kaniyang tagiliran tsaka itinutok sa dalaga.
"Bitawan mo 'yang hawak mo," maawtoridad niyang utos pero tiningnan lang siya nito at pinaikot-ikot sa daliri ang patalim na hawak.
Tila walang nakatutok na mapanganib na armas sa harap ng dalaga dahil hindi niya ito nakikitaan ng takot. Mas nagdikit pa ang mga kilay ni Franco ng makita ang pagtaas ng sulok ng labi nito.
Nagawa pa nitong hawiin ang hanggang balikat na buhok na tumakip sa mukha ng madala ito sa ihip ng hangin.
Nababahala siya sa pagiging kalmado ng dalaga.
Inutusan niya ang natirang kasama na nakahawak sa bata na ilayo muna ito sa kanila at baka makawala't makuha ng pangalawang prinsesa.
"Nabigla ka yata," wika ng dalaga habang pasimple na pinaglalaruan ang maliit na patalim sa daliri.
"Kita ko mula rito sa kinatatayuan ko na pinagpapawisan ang kulubot mong balat sa noo." Dagdag pang salita ni Mirae.
Nagpanting ang tenga ni Franco ng madinig ang sinabi nito. Kahit talaga sa ganitong sitwasyon ay hindi nakakalimutan ng dalaga na subukang ubusin ang kaniyang natitirang pasensya.
Matalas na tingin naman ang natanggap ni Mirae mula sa kaniya.
"Hindi ko lang inaasahan na magagawa mong kumitil ng buhay na walang pag-aalinlangan," sabi ni Franco.
Nahagip ng tingin ni Mirae ang paggalaw ng daliri at pagsulyap ng lalaki sa iba nitong kasama.
Duwag. Nagtawag talaga ng kasama.
Sabay-sabay na pagkasa ng hawak na mga baril nito ang narinig niya bago ang pagbabanta nito.
"Kapag sinubukan mo lang gumawa ng kilos riyan sa kinatatayuan mo, masasaksihan mo ang pagkakaroon ng malaking butas sa bungo ng batang 'yon."
Ani Franco at sinulyapan ang bihag na paslit, basa ng luha ang itsura nito habang nakatingin sa dalaga, animo'y humihingi ng tulong.
Hindi ito makakilos at tila natulos sa kaniyang pwesto dahil sa sobrang takot ng biglang siya ay tutukan ng baril ng may hawak sa kaniya sa sintido.
Napakunot naman ang noo ni Mirae dahil sa nakita.
Tsk.
Sa sobrang swabe niyang kumilos, hindi nakita ni Franco ang paglipad ng iilang mga karayom na tumama sa iba't ibang parte ng katawan ng kasama. Naunang bumagsak ang kasamahan na nakatutok ang armas na dala sa bata.
"Ah!"
Napahawak ito sa braso at leeg ng bigla itong namanhid at sumakit. Hindi ito mapakali kung ano ang unang pagtutuunan ng atensyon ang leeg niya ba o braso.
![](https://img.wattpad.com/cover/265241108-288-k865962.jpg)
BINABASA MO ANG
The Lost Assassin: Mirae's Venture
FanfictionMirae is undoubtedly the most skilled lady assassin in her previous job and achieved her glory with her own strength and unique abilities. Suddenly, a turn of events happened. She was being hunted and chased by her own previous team and subordinates...