Nasa malalim na pag-iisip si Haring Avril nang maantala ito sa katok sa pinto at pagpasok ng isang gwardiya-sibil.
"Narito ang isa sa mga kasapi ng konseho, mahal na hari." Nakayukong usal nito.
Pagkatapos niya rin na sabihin ito ay siyang pagpasok ng isang matandang lalake na may suot na balabal sa leeg at balot na balot ang katawan nito ng suot na damit.
"Avril..."
Mahinang bigkas nito sa pangalan niya. Hindi niya agad ito nakilala, dahil nakatabing sa mukha nito ang suot na balabal.
Sinenyasan niya ang gwardiya sibil upang lumabas na agad naman nitong sinunod.
"Avril.. dapat mo nang ilabas ang lihim na nakatago sa loob ng palasyo at ipakilala sa lahat ang pangalawang prinsesa." Walang gatol na saad nito pagkatapos kuhanin ang balabal na nakatabing sa kanyang mukha na naging dahilan upang tuluyan niya itong makilala.
Marahan napahilot sa sentido ang hari.
"Ilalabas ko siya... at ipapakilala ko sa lahat na siya ay aking anak, ngunit hindi sa ngayon. Kailangan ko pa nang panahon... siya kailangan ko pang ihanda sa maaaring maging reaksyon ng mamamayan kapag siya ay nakilala na."
"Ngunit kailangan mo na rin magmadali, Avril. Pumapatak ang oras at lumilipas ang panahon."
"Alam ko. Bigyan mo lamang ako ng panahon."
"Dapat hindi pa natatapos ang taon na ito ay magawa mo na, nasasayang ang oras. Matagal na palugit na ang naibibigay sa iyo. Sakaling hindi mo pa nagawa, ang konseho ang maglalabas nito." Huling usal, saka ito umalis at di nag-abalang magpaalam sa hari.
Iyon lang naman ang ipinunta nito sakanya, ang paalalahanan siya.
Gumuhit ang linya sa noo ng hari. Alam niyang mangyayari ito pero di niya maiwasan ang isipin ang puwedeng mangyari sa kanyang anak. Nag-aalala lamang siya at natural iyon dahil siya ay ama nito. Hindi magtatagal ay malalaman ng magkabilang mamamayan ang sekreto ng palasyo tungkol sa pagtatago nila sa pangalawang prinsesa.
Kailangan niyang makausap ang prinsesa upang maihanda ito.
Nangyari at nakausap niya ang pangalawang anak na prinsesa pero hindi niya nasabi ang nais sanang sabihin dahil agad din itong umalis, na ipinagtaka niya.
'Nagtatanong lang ako sa kalagayan niya?'
Pumasok sa isip ng hari na tila nararamdaman niyang lumalayo ang loob ng pangalawang prinsesa sa kanya. Na kabaliktaran dati kung saan agad siya nitong susunggaban ng yakap sa tuwing siya ay nakikita at maglalambing.
Katulad nalang noong sila ay nagsalo-salo hindi siya nito binati. Pangalawang ay nang ipatawag niya ang pangalawang prinsesa, tila tinatamad itong kausapin siya. Napansin niya rin na wala na itong pakialam sa kung anuman ang sinabi sa kanya ng reyna.
Tinatanong niya kasi ito dati kung ano ang tunay na nangyare bago niya paniwalaaan ang kanyang asawa dahil hindi lingid sa kanyang kaalaman na hindi parin nito tanggap ang pangalawang prinsesa.
'Bakit tila lumalayo ang loob mo sa'kin, anak ko?'
Tanong sa sarili ng hari. Uminom ng hawak na alak na nakalagay sa babasagin na baso ang hari. Nalunod na naman ito sa malalim na pag-iisip.
~••••••~
"Pinuno, nilusob ng mga rebelde ang isa sa ating mga kuta. Marami ang naging sugatan at sa kasamaan ay nabawian rin ng buhay ang iba."
BINABASA MO ANG
The Lost Assassin: Mirae's Venture
FanficMirae is undoubtedly the most skilled lady assassin in her previous job and achieved her glory with her own strength and unique abilities. Suddenly, a turn of events happened. She was being hunted and chased by her own previous team and subordinates...