Natapos ang araw na hindi natuloy ang binabalak na pambabasag ni Mirae sa mukha ni Franco dahil sa pinag-usapan nila ng prinsipe na may asul na mga mata.Hindi pa sana siya papayag sa alok nito, pero naisip rin niyang makikinabang siya.
Inisip niya na kapag inuuto lang siya ng prinsipe na iyon ay itutuloy na lang niya ang masamang binabalak na pagdukot sa magagandang mata nito upang idagdag sa koleksyon niya.
"Kaibigan hindi kaya ay nabigla ka lang sa inalok mo sa binibini? Hindi mo nga gaanong kilala iyon." Dikit ang kilay na tanong ni prinsipe Riyuo sa nasaksihan na palitan ng salita ni Mirae at kaibigan niya.
"How could my chosen one, be poor? Do you think you have the right to speak for me?"
Napatikom siya ng bibig nang tapunan siya nito ng malamig na tingin. Bumalik na naman sa pagiging seryoso ang mukha nito kabaliktaran sa pinakita nitong personalidad sa binibining kaharap kanina. Minsan iniisip niyang bipolar ang kaibigan dahil sa papalit-palit nito ng personalidad.
Kahit siya na matagal ng kaibigan nito ay hindi malaman kung ano ang totoo sa katauhan nitong pinapakita sa bawat nakakaharap ng prinsipe.
"You're always like this. Huwag mong sabihin na interesado ka sa pangalawang prinsesa?"
Nakatanaw ito sa lugar kung saan huli niyang nakita ang anino ni Mirae kasama ang batang pinoprotektahan nito.
"Bakit hindi ka nagsasalita?" dagdag na tanong niya ng hindi siya pansinin ni Prinsipe Idris, "tama nga ako ng hinala."
Nakita niya ang pag-angat ng gilid ng labi nito habang nakayuko, tinitigan ang hawak nitong tela na kung hindi siya nagkakamali ay isa itong napunit na piraso ng damit ng pangalawang prinsesa.
"Aren't you very sensitive when it comes to cleanliness? How come you are holding that thing? What if the princess has a disease?"
"You have nothing to do?" seryoso at may halong pagbabanta na anito nang ibaling ang atensyon sa kaniya.
Itinaas ni prinsipe Idris ang isang kamay at ginalaw ang daliri pagkatapos no'n ay siyang paglabasan ng mga tauhan nito na nagtatago sa kung saan.
Hindi na bago kay prinsipe Riyu ang ganitong eksena. Ang mga tauhan ni prinsipe Idris ay itinuring na niyang mga anino nito.
"Prinsipe Idris inaanyayahan ka ng mahal na haring Avril na bumisita sa palasyo," magalang na panimula ng isa nitong tauhan at nakayukong inabot sa kaniya ang isang imbistasyon.
Sinulyapan niya lang ito at hindi tinanggap.
"Prince Yu is free, he will."
Nanlalaki ang mata na napatingin sa kaniya si Prinsipe Riyou. Ipinasa na naman nito sa kaibigan ang dapat niyang gawain.
"BINIBINI, saan tayo patungo?"
Habol ang hiningang tanong ng batang hawak-hawak ni Mirae.
"Kung saan ako nakatira."
"Ngunit ang daan na tinatahak natin ay patungo sa palasyo ng mga maharlika, hindi po ba kayo nagkakamali?"
"You better stop asking- tumahimik ka na lamang at sumunod, malalaman mo rin kapag nakarating na tayo."
Nang makarating 'di kalayuan sa harap ng palasyo ay nagmasid-masid si Mirae sa paligid at ng makita niya na may nagbabantay na kawal sa labas ay inayos niya muna ang nagulong buhok, pati ang napunit niyang bestida. Naninigurado lang siya at baka magtanong ang mga ito kapag nakita siya sa ganoong itsura.

BINABASA MO ANG
The Lost Assassin: Mirae's Venture
FanfictionMirae is undoubtedly the most skilled lady assassin in her previous job and achieved her glory with her own strength and unique abilities. Suddenly, a turn of events happened. She was being hunted and chased by her own previous team and subordinates...