Kabanata 4

277 47 9
                                    

~Mirae~

Ansakit ng likod ko! Ebarg naman! Parang ang sikip-sikip nitong hinihigaan ko, di maituwid ang katawan ko.

"Binibini.."

"Binibini.."

"Binibini..?"

"Gising kana ba, binibini? Napansin kong gumalaw ang mata mo."

Sino 'to? Binibini????

"Nais ko sanang gamutin ang sugat sa iyong balikat ngunit mahimbing ang 'yong tulog, ayaw kitang maistorbo kaya hinintay nalang kita magising." Aniya muli ng isang tinig ng lalaki.

Sa pagkakataong yun ay minulat ko na ang mga mata ko at umayos ng upo saka siya tiningnan at sinuri. Lumagpas ang tingin ko sa likuran niya.

Wala na yung dalawa. Mabuti naman.

"Sino ka?" Agarang tanong ko sa kaharap.

"Isang propesyonal na manggagamot." Mabilis na tugon nito. Tumaas ang kilay ko paanong nangyari na propesyonal 'to e, parang kasing edad ko lang naman siya.

"Sigurado ka?"

"Hindi pa'ko nagsinungaling kailanman patungkol sa aking propesyon." Nakangiting tugon ulit niya.

"Nagtataka ako.. kasing edad lamang yata kita, kaya pa'no nangyari yun?" Usisa ko.

"Mahabang istorya iyon binibini baka makatulugan mo kapag aking ibinahagi sa iyo."

Kumunot ang noo ko. "Paikliin mo kung ganon. Pero 'wag nalang pala gamutin mo nalang ako."

"S-sige."

'Magulong kausap ang binibini' sa isip ng binata.

Kumilos na siya at lumapit sa'kin. Linapag niya isang maliit na mesa ang dala niya, may laman itong mga gamot.

Inuna niya ang sugat ko sa balikat. "S-sandali potangina, bakit ang layo-layo mo sakin? Lumapit ka naman para maayos mong magamot ang sugat ko. Para naman akong may sakit na nakakahawa sa ginagawa mo."

"A-ah.. p-paumanhin binibini." Sumunod siya sa sinabi ko at tinuloy ang ginagawa.

"Nasaan na sila?" Tukoy ko sa mag-ina.

"Sino?" balik-tanong nito.

"Ang reyna at prinsesa."

"Ah.. dinalaw nila si Haring Avril." Tumango lang ako.

"Sinong nagpadala sayo dito?"

"Ang reyna binibini, pinasundo niya ako sa isang gwardya sibil nang palasyo."

"Talaga? Ginawa niya 'yon?" Paniniguro ko. Parang ang labo na gawin ng reyna kasi ang sama din ng tingin no'n sakin kanina.

"Hindi ako sinungaling, binibini."

"Wala akong sinabing sinungaling ka, naniniguro lang ako."

"Inaakala mong nagsisinungaling ako, kaya mo ako kinuwestyon." Pilit pa niya.

"Alam mo nakakabwiset ka. Sinabi nang hindi, peste." Inis kong sagot.

"Hindi ako isang peste, binibini." Kunot-noong sagot nito habang abala sa paglalagay ng tapal sa sugat ko.

"Wala rin akong sinabi na peste ka, dahil hindi ka naman insekto."

"Kakasabi mo lang binibini, malinaw ang pandinig ko."

"Malinaw nga pero mali naman ang pagkakaintindi mo. Akala ko pa naman matalino 'to simpleng salita di makaintindi." Mahina kong sabi at siniringan siya.

The Lost Assassin: Mirae's Venture Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon