Kabanata 2

360 54 5
                                    


Malalaman ko lang kung anong klaseng pamilya ang meron siya, oras na lumabas ang ina niya na sinasabi ng lalaking ito.

Wala pang isang minuto ang lumipas ng muli na namang may lumabas sa gate o tarangkahan.

Hindi ko matanaw ng maayos ang mukha ng lumalabas dahil nasa may gilid ako banda napwesto.

Binati ito nang dalawa."Magandang araw, Reyna Felicia."

"Magandang araw rin sa inyo." Bati pabalik ng reyna.

The hell... bakit may reyna? Nasaang monarkiya ba ako?

"Naparito kami dahil nahanap na namin ang inyong nawawalang bastarda." May halong pang-uuyam na saad ni Franco at sinulyapan pa ang kinaroroonan ko.

"Franco, magtigil ka."

Mahina ngunit may diin na utos na pagkakasabi ni Cielo at sinamaan ito ng tingin.

"Ipagpaumanhin mo sana ang inasal ng aking kapatid na tagapangalaga aming ginagalang na reyna." Nakatungo ang ulo na hingi ng paumanhin ni Cielo sa reyna. Hindi inaasahan ay sandaling natawa ang reyna. Anong nakakatawa? Wirdong reyna.

"Bastarda ba kamo? Ayos lang iyon punong tagapangalaga, sapagkat katotohanan naman ang sinabi ng kapatid mo." Hindi nakasagot si Cielo.

Ano bang pinag-uusapan ng mga lintek na ito? Wala akong maintindihan.

"Mirae.." Napaayos ako ng tayo ng bigla akong tawagin ng reyna I mean ang kapangalan ko pero dahil ako lang naman ang nagngangalang Mirae rito, ako ang kailangan na sumagot.

Tsk.

"Bakit?" Tanging nasabi ko lang.

"Hindi ko gusto ang ginawa mo. Naglayas ka? Bakit, anong dahilan?" Mahinahon na may pag-iinterogang tanong niya sa 'kin.

"Naglayas?" Ulit ko.

Tumango siya."Hindi ako naglayas."

Tipid ang naging sagot ko dahil hindi ko naman talaga alam kong ano ang isasagot. Malay ko ba kung lumayas talaga iyong doble kara ko. Siya dapat ang sumasalo sa tanong ng reynang ito nasa harap ko kung hindi siya nawawala.

"Totoo ba ang sinasabi mo?" Paninigurado nito.

Tumango-tango ako na para talagang nagsasabi ako nang katotohanan. "Hmm, naligaw ako sa gubat, nais ko lamang hanapin ang talon na binanggit sa akin ng isang kaibigan ngunit kasamaan ay naligaw nga ako. Hindi ko saulo ang pasikot-sikot sa gubat na iyon, masisisi mo ba ako?" Tila nagdadalawang isip pa siya kung paniniwalaan ang mga sinabi ko. Sa huli ay di na siya nagtanong pa.

Nag-usap pa muna sandali ang reyna at ang dalawang magkapatid. At wala na 'kong pake kung anuman ang pag-uusapan nila dahil kumikirot na ang bawat parte ng katawan ko.

Iintindihin ko pa ba sila?

Minuto ang lumipas.....

Nagpaalam ng uuwi ang magkapatid pati ang mga surot na nasa likuran nila ibig kong sabihin ay ang tauhan.

Nagyayang pumasok ang reyna.

Sa loob ng bahay.

Hindi maalis ang mata ko sa paglilibot tingin sa bawat sulok ng bahay na pinasukan ko. Ito ang bahay ng babaeng yun? Bigtime naman pala. Mula sa labas ng bahay ay makikita mo ang karangyaan, merong malawak na hardin sa labas. May nakatayong din na rebolto ng lalaking may suot na korona sa ulo nito habang hawak ang isang espada sa kanang kamay na nakatusok sa mismong paanan nito.

The Lost Assassin: Mirae's Venture Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon