Kabanata 12MIRAE
Agad ko rin inalis ang tingin sa lugar kung saan ramdam ko ang mga matang nakatingin sa direksiyon ko. Wala akong oras para sa kanila. Ngayong busy ako kaharap ang hinayupak na 'to.
Franco are now obviously laughing in anger. Paano namang hindi, siya lang ang itinira kong nakatayo.
Inalalayan ko ang bata na kasalukuyang nasa tabi ko na huwag matumba. Nanginginig kasi ang maliit nitong katawan dahil rin siguro sa takot. Ikaw ba naman tutukan ng baril.
Mabilis ko siyang pinuwesto sa likod at muling hinarap ang nagpupuyos sa galit na si Franco. Namumula na ang balat nito sa mukha, hindi ko alam kung dahil ba ito sa tindi lang ng galit niya sa akin o baka naman sa tingkad lang ng sikat ng araw. Summer na summer ang panahon, eh!
At dahil naghahanap talaga ako ng sakit sa katawan siyempre hindi ako tatahimik lang. Sinimulan ko ulit siyang asarin na mas lalong ikinagalit na nito. Kulang nalang ay meron ng imaginary na usok na lalabas sa magkabilang tenga ni Franco.
"Ano na ang gagawin mo ngayon? Nag-iisa ka nalang nakatayo."
"Papatayin kita."
"Magagawa mo ba?"
"Sino ka ba sa inaakala mo, babae? Sa tingin mo dahil lang napatumba mo ang mga kasamahan ko ay matatalo mo na rin ako? Nagkakamali ka!" Dikit ang kilay na sigaw ni Franco. Sa sobrang linaw ng mga mata ko na ubod rin ng ganda ay nakita ko pa ang nagtalsikan na likido mula sa loob ng bibig niya habang nagsasalita sa madaling salita-laway. Yikes!
"Bakit ka na sigaw? Magkalapit lang tayo, oh. Hindi ako bingi. Galit na galit?" Nakangisi ko pang salita.
Nasisiyahan talaga ako sa tuwing nakikita na nagagalit at nauubusan ng pasensya ang mga nakakalaban ko. Mas nailalabas kasi nila ang totoong sila oras napuno na at kung minsan ay basta na lamang sumusugod kaya mas napapadali ang trabaho ko noon. Nagpapadala kasi sila sa emosyon at hindi napapansin na nahulog sila sa inihanda kong patibong.
Alam kong kunti nalang rin ang natitirang pasensya ng lalaking ito sa 'kin. Alam ko rin na pinipilit niyang magtimpi dahil kahit tinatawag niya akong bastarda alam ng hinayupak na anak parin ako ng ginagalang nilang hari, nananalaytay ang dugo sa akin ng isang Montregomie at isa parin akong prinsesa.
Oras na ginalaw niya ako at nalaman ng hari paniguradong kailangan na niyang bumalik sa sinapupunan ng ina niya kung gusto niya pang magpatuloy na mabuhay sa mundong ibabaw. Iyon lang ay kung kakasya siya. Of course hindi. Saan ka ba nakakita ng taong bumalik sa tiyan ng nanay nila? Ibig sabihin lang no'n ay wala talaga siyang takas kapag pinatay niya ako.
"Malakas ang loob mo dahil anak ka ni Haring Avril!"
"Siraulo ka pala, e. Sino ba naman nagsabi sa iyo na kalabanin ako kung alam mo naman simula palang na kahit ano mang gawin ko hindi mo ako magagalaw dahil anak ako ng hari niyo?"
Aba't sinisisi pa ako ng lalaking ito kung bakit hindi niya ako magawang saktan. Takot rin pala mamatay! Ang tapang makatutok ng baril hindi naman pala ipuputok.
Napakaduwag.
"Ano na? Kanina mo pa itinututok iyang baril mo sa akin. May balak ka ba talagang iputok 'yan? Magsabi ka naman. Nakakainip maghintay!"
Napakatagal naman talaga kung meron talaga siyang balak na patayin siya ay kanina pa nito ginawa. Pero ito ang hinayupak hanggang pagbabanta lang, pero kung pinaplano nga talaga nitong patayin siya ay hindi pa rin naman ito magtatagumpay. Swerte niya kung mapapatay ng isang kagaya niya ang tulad ko.
BINABASA MO ANG
The Lost Assassin: Mirae's Venture
FanfictionMirae is undoubtedly the most skilled lady assassin in her previous job and achieved her glory with her own strength and unique abilities. Suddenly, a turn of events happened. She was being hunted and chased by her own previous team and subordinates...