Kabanata 10
"Alalahanin mo na pinagsabihan kita."
Baka maubos ang pasensya ko sa 'yo at may kalagyan ka.
Makahulugan na wika niya kay Franco, pero ang sinagot lang niya, ay ang kaniyang marahas na paghampas sa katawan ng kabayo at kasabay ng pagtalikod nito matapos niyang tapunan ng matalim na tingin ang dalaga.
Pinapakita talaga nito kay Mirae na wala siyang pakialam sa anumang sasabihin o iuutos niya.
"Bilisan ang paghahanap!" Muling sigaw ni Franco sa mga tauhan ng makalayo sa kaniya ng ilang metro.
Ilang oras pa ang lumipas at magdadapit-hapon na pero wala parin na nangyayari sa paghahanap nila.
"Kanina pa tayo narito ngunit wala kayong nakikita?" asik ni Franco.
"Tsk, masyado kang reklamador. Wala ka namang ambag. Nariyan ka lang naman sa silong naghihintay ng balita habang sila nagpapakahirap maghanap, sa palagay ko hindi naman ikaw ang totoong pinuno na sinusunod nila kaya isa ka rin sa kanila." singit na salita ni Mirae.
"Kaya ba't ka narito at nakatunganga lang imbes na tumulong para mapadali ang trabaho niyo? Aso sila at aso ka rin, ano ka may breed tapos sila ay wala?" dagdag niya pa habang nakangisi.
Dikit ang kilay nito ng lumingon sa kaniya. "Maaari bang manahimik ka? Wala kang alam."
"Ano'ng silbi ng bibig ko kung hindi ako magsasalita. Swerte ka nga at kinakausap kita samantalang sa lugar ko iilan lang ang nakakalapit sa akin, bwiset ka." Mahina na ang pagkabigkas niya ng mga nahuling salita kaya hindi ito narinig ng lalaki.
"At talagang ang taas ng tingin ng isang bastardang katulad mo sa iyong sarili para tawaging swerte ang makausap ka?" anito bago nakakainsultong tumawa.
Nakakailang tawag na ng bastarda ang kawal na 'to nakakarindi. Mamaya ka sa 'kin.
Naramdaman ni Mirae na may matang nakatutok sa kaniya kaya mabilis niya itong hinagilap ng tingin ng hindi umaalis sa pwesto. Nahagip niya ang pares na mga mata sa likod ng tela na dapat kanina ay siyang lalapitan at titignan.
Paatras siyang lumapit sa kinalalagyan ng nakasabit na tela at mga ibang panindang muwebles habang hindi siya pinagtutuunan ng pansin ni Franco.
Isang bata? Isang marumi at mukhang palaboy na batang lalaki dahil sa payat nitong katawan ang natagpuan niyang nagtatago sa likod ng mamahaling tela. Nanginginig ang buo nitong katawan at butil butil ang pawis nitong tumutulo sa noo at gulat na gulat na napatingin sa kaniya. Nakatabing ang mahaba nitong buhok sa itsura kaya maaari rin itong pagkamalan na batang babae. Kunot ang noo naman siyang napaisip. Posibleng ito ang hinahanap nila.
"B-binibini... n-nakikiusap po ako. H-huwag niyo po akong isumbong," naiiyak na pakiusap nito at pasulyap-sulyap ang ginagawang tingin sa pwesto nila Franco.
"Ano'ng kailangan nila sa 'yo?" seryoso ngunit mahinahon na tanong niya sa bata.
"P-patayin rin nila a-ako..."
"Bakit ka nila papatayin? Ninakawan mo ba sila?"
"H-hindi! N-nakita ko sila." Halata sa boses nito ang pag-aalinlangan.
"Nakita sila? Ano? Ituloy mo lang. Sabihin mo ang dahilan bago ko pag-isipan kung tutulungan kita."
"Hinahanap nila ako upang patahimikin dahil nakita ko na ang mga kasama ng lalaking kausap mo kanina na may kinitil na buhay."
Napataas naman ang kilay niya tsaka napabaling ang tingin ng dalaga kina Franco at sa mga kasama nito.
"Sigurado ka ba sa sinasabi mo bata?"
BINABASA MO ANG
The Lost Assassin: Mirae's Venture
FanfictionMirae is undoubtedly the most skilled lady assassin in her previous job and achieved her glory with her own strength and unique abilities. Suddenly, a turn of events happened. She was being hunted and chased by her own previous team and subordinates...