CHAPTER 1

7K 164 15
                                    

CHAPTER 1:

"Vianca S. Lee, 22 years old, single, licensed nurse, currently taking-up Master of Arts in Psychology. Perfect!" Saad ng babae matapos tignan ang credentials ko.

"Tatapatin na kita Ms. Lee. I need someone who can take care of my one and only son. And I think, you're fit to this job. You badly needed the money as you said, and I'm willing to help you if you'll help me too. I hope you'll consider my offer." Saad sa akin ni Donya Teodora Ricks. Isang mayaman na ginang mula sa elitistang pamilya.

Siya ang asawa ni Don Ferdinand Ricks na kilala bilang pinakamayaman na negosyante sa Pilipinas. Mababait ang mga Ricks kung pagbabasehan ang mga sinasabi ng media at mga magazine na nagcocover sa kanilang pamilya.

Ngunit, sabi nga nila ay ginawa daw na pantay-pantay ng diyos ang mga tao kaya kahit halos nasa kanila na ang lahat ay hindi pa rin sila nakaligtas sa mga problema. Lahat naman ng tao ay nakakaranas nito.

Narito kami ngayon sa isang restaurant upang pag-usapan ang inaalok nito sa akin na trabaho.

Mag-aalaga lang daw ako sa kanyang anak at kikita pa ako ng malaki. Alam niyo ba kung sino raw ang anak nito na aalagaan ko? Walang iba kundi si Top Ricks.

Sikat ang anak nila bilang business tycoon. Sa edad na 25 years old ay isa na itong billionaire. Wala pa dito ang makukuha niyang mana sa kanyang daddy bilang isang only heir ng pamilya. At hindi makakapayag ang pamilyang ito na hindi gumaling ang anak nila dahil ito lang ang natatanging anak ng mga ito.

Four months ago ay nakaranas daw ng malaking depresyon ang kanilang Unico Hijo na si Top Ricks. Nagsimula daw ang lahat nang hindi sinipot ito ng babaeng dapat ay pakakasalan niya. Simula raw mangyari iyon ay naging aloof na ang binata sa mga tao at hindi na lumalabas ng bahay. At dahil sa depresyon ay nagbago raw ito. Grabe nuh? Parang movie pala ang buhay ng anak nito.

Nahihirapan na ang mga magulang nito kung paano pakikiusapan ang binata na mag-move on at kalimutan na ang mga masasamang nangyari dito. Ngunit bigo sila na pakiusapan ang kanilang anak.

Balita ko rin, ayon sa donya ay nagkaroon ng malaking pagbabago ang nangyari ditong kabiguan. Nagkaroon ng problema ito sa kanyang mentalidad dahil sa sobrang depresyon. Well, iba talaga kapag depresyon na ang tumama sa tao. Yung iba nga ay nagpapakamatay pa eh.

Ayon pa dito, walang nakakatiis na nurse sa binata. Lahat ng nag-aalaga dito ay sumusuko. Minsan kasi nananakit ito. Minsan naman daw ay mabait. Minsan naman daw ay nag-iisip bata ito. Base sa pagkukwento ng donya sa akin, baka nagsa-suffer ang anak nito sa isang mental illness dahil sa depresyon. Baka, may bipolar disorder ito. Shookt! Kung totoo ang hinala ko, makakaya ko kaya ang trabaho? Natatakot ako na baka ako naman ang saktan nito.

Pero bilang Registered Nurse at kasalukuyang nag-aaral bilang isang psychologist, tingin ng matanda ay bagay akong maging taga-pag alaga sa kanyang anak. Bukod sa malinis ang credentials ko.

Sa dinami-dami ng nurse sa bansa, bakit ako ang narito at nakikipag-usap ngayon sa matanda? Eh kasi kilala ng donya ang may ari ng hospital na pinagtatrabahuan ko at ako ang inirekomenda nito sa matanda kaya ako napunta sa sitwasyon na'to ngayon.

Kung hindi lang din ako nangangailangan ng pera ngayon ay hindi ko tatanggapin ang inaalok nito. Pero kakapit muna ako sa patalim. Kasi naman ay baon na baon na ako sa utang.

Four months delayed na ang renta namin sa boarding house. Hindi pa rin kami nakakabayad ng tubig at ilaw ngayon. Kailangan ko pang bayaran ang tuition ng bunso kong kapatid. May sakit pa si nanay at kailangan kong makabili ng gamot nito. Kailangan ko rin magbayad para sa aking second course. Isama pa ang panggastos namin sa pang araw-araw. At ang sweldo ko bilang nurse ay hindi sapat sa pangtustos sa lahat ng gastusin. Kaya kahit may inhibisyon ako sa trabaho, parang naaakit akong tanggapin dahil malaki ang maitutulong ng trabaho na'to sa aking pamilya.

Babysitting My Bipolar Billionaire Señorito - (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon