"Masarap po mag-alaga si Ate Vianca. Lalo na po yung milk niya masarap." Napa-ubo naman ako sa huling sinabi nito. Langhiya ka Top. Ibubuking mo pa yata ako. Kurutin ko yang itlog mo eh. Hahaha."Oh Vianca, anong klaseng milk ito." Tanong ng donya. Patay! Lagot talaga sa akin ang baby damulag na to.
"Ah Milo po, este Nido po." Tarantang saad ko dito. Pinagpapawisan tuloy ako.
"Hindi naman po yun Nido eh." Angal naman ni Top sa sinabi ko. Pinandilatan ko tuloy ito ng mata. Subukan mo lang talaga magsabi di na kita papatikimin ng favorite milk mo. Char! "Bearbrand po." Saad nito na parang napipilitan lang din sabay nguso sa akin. Natakot yata haha.
"Naku Vianca, kung gayon dapat araw-araw mong patikimin ng milk ang alaga mo." Napa-ubo na naman ako sa sinabi ng donya. Nginitian ko na lang ito para di makahalata na iba ang ibig sabihin ng hudyo niyang anak. Nakita ko naman si Top na ngiting-ngiti sa sinabi ng ina.
SAMANTALA, kasalukuyang sinusuri na ni Dr. Raul Saavedra si Top. Every sunday ang check-up at monitoring nito sa binata. Maamong sumasagot naman si Top sa mga katanungan sa kanya ng doctor.
Sa totoo lang, ako rin ay nagtataka sa totoong kondisyon ng binata. Gusto kong malaman kung gaano kalaki ang tsansa nitong gumaling.
"Maayos ba ang pakikitungo sa iyo ni Top, hija?" Boses ni Donya Teodora ang nagsalita sa aking likuran.
"Medyo nakakasanayan ko na rin po si Top. May kaba lang po ako sa tuwing nagiging seryoso at masungit ito minsan." Kwento ko naman dito.
"Pagpasensyahan mo na hija ang anak ko. Sana ay manatili ka muna sa kanya sa pag-aalaga. I know kung gaano kahirap si Top alagaan. Pero sana matulungan mo ang anak ko." Pakiusap nito. Hinawakan ko naman ang kamay ng ginang. Makikita mo sa kanyang mga mata ang pag-aalala sa binata.
"Wag po kayo mag-alala at sisikapin ko pong tumagal sa pag-aalaga sa señorito." Isang ngiti ang aking ibinigay sa ginang para sabihin sa kanya na gagawin ko ng maayos ang trabaho ko.
"Ipapaliwanag sayo ni Dr. Raul ang totoong kondisyon ni Top mamaya hija, nang sa ganoon ay alam mo ang dapat mong gawin pag nagkakaroon ito ng mood swing." Saad ng ginang sa akin.
Gusto ko rin malaman ang kondisyon nito kaya kailangan ko rin talaga itanong kay Dr. Raul ang kanyang assessment kay Top.
"Alam mo ba hija, Top suffered so much pain and maybe these were the reasons why he ended-up like this. And as his parents, we're too late to realize how we gave less attention to him." Simula ng kwento nito sa akin.
"So much pain? Tulad ng ano kaya?" Ito ang mga katanungang tumatakbo sa aking isipan.
"Top is a smart Kid. When he was in his 6th grade lagi itong nangunguna sa kanilang klase. He was close to his Ate Dana kaya lagi nitong sinasabi na gusto niyang alagaan ang kanyang ate." Kwento nito. Wait may kapatid si Top?
"Saan na po ang Ate niya?" Tanong ko sa ginang.
"Dana accidentally died when she was hit and run by the car. Dead on arrival na siya ng madala sa hospital. At nasaksihan ni Top ang pangyayari kung paano binawian ng buhay ang kanyang pinakamamahal na kapatid. During that time nasa travel kami ng daddy niya. Hindi namin nadamayan ito. Sa burol na ni Dana kami nakarating." Shocks! Nakakagulat pala ang naranasan nito. Parang maluluha na rin ang donya habang nagkukwento.
"Sorry to hear that po." Hingi ko naman ng paumanhin dito sa pagtatanong.
"Then, nung nag high school na siya, akala namin ay magiging okay na ang lahat. Dahil sa busy kami lagi ng kanyang daddy sa negosyo, laging naiiwan si Top kay Aling Pasing - ang kanyang yaya. Si Aling Pasing ang kinalakihan nito. Mas close pa nga ang dalawa kaysa sa amin ng kanyang daddy. Ngunit isang araw, natagpuan na lang ni Top na wala ng buhay ang matanda. Nagkaroon ito ng stroke. Hindi na umabot sa hospital ang kawawang matanda. Halos gabi-gabi umiiyak si Top dahil sa pangungulila sa kanyang yaya." So another dark memories ito sa binata.
BINABASA MO ANG
Babysitting My Bipolar Billionaire Señorito - (On-Going)
RomantikA story of Vianca who badly needed a work to support her family financially and ended into accepting an offer that changes her life. She ought to babysit Top Ricks - her bipolar billionaire señorito. Can she control herself not to fall in love with...