CHAPTER 10

4.9K 116 16
                                    


Binilisan ko ang aking pagtakbo upang di maabutan ni Top. Nagawa ko namang makapasok agad sa kwarto at mai-lock ang pinto.

"Wait? Nailock ko nga ba?!" Napalunok ako ng laway ng makita ko na nakatukod sa baba ang paa nito sa pagitan ng pintuan. Lagot!

Sumilip ito sa may pintuan at ngumisi sa akin. Itinulak nito ang pinto. Walang nagawa ang lakas ko sa lakas ng binata. Tuluyan na itong iniluwa sa buong silid.

"You have to pay for what you did a while ago." Saad nito sa akin na nagpakaba talaga ng sobra sa akin. Napaatras naman ako dahil dito habang palapit nang palapit naman ito sa akin.

"Hey Top. Stop it okay? Nagbibiro lang naman ako kanina. Ayaw mo kasi akong kausapin eh." Paliwanag ko dito.

"You think I'm joking?" Saad nito sa akin habang mas lumalapit ito sa akin.

"Don't hurt me please?" Pakiusap ko dito nang isang pulgada na lamang ang layo nito sa akin. Seryoso pa rin ang mukha nito. Lagot na talaga. Bakit ko pa kasi ginawa yun.

Napapikit na lang ako ng mahawakan ako nito sa braso. Bigla na lang ako nitong hinila palapit sa kanya at naramdaman kong tumama ako sa kanyang matitigas na dibdib.

Bigla ako nitong niyakap na nagpagulo sa aking sistema.

"Thank you for staying with me Vianca." Bulong nito sa akin at mas pinahigpit nito ang pagyakap sa akin.

Parang huminto naman ang pag-ikot ng mundo ko sa mga oras na yun. Wala akong ibang naririnig kundi ang malalakas na pintig ng puso ko. Para akong nakukuryente sa pagkakadikit ng aming mga katawan.

"Ano ang nangyayari sa akin? Bakit ko ito nararamdaman?" Ito ang mga katanungan na tumatakbo sa aking isipan.

Yumuko ito at tinignan ako sa aking mata. Sh*t! Those sparkling eyes of him makes me shiver as he look at me deeply. Those strange feelings are starting to overflow through my veins.

Dahil sa kaba ay akma ko itong itutulak ngunit mas hinigpitan nito ang yakap sa akin.

"Is this kind of a joke Top?" Tanong ko dito habang nakipagtitigan na rin sa kanya.

"You are the only one who is joking around here." Sagot naman nito sa akin.

Wt! I'm so speechless. Wala akong mahagilap na sasabihin sa kanya. My mind is telling me na baka dala lang ito ng kondisyon ng binata kaya niya sinasabi ito. But deep inside my heart is telling me the opposite.

"The way you look at me, I know you're starting to like me too, aren't you Vianca?" Tanong nito na lalong nagpalakas ng tibok ng puso ko.

"I-i don't know." Nabubulol kong sagot dito. Ngumiti naman ito at tila nakaintindi.

"No worries. I'm not gonna force you. Maybe I'll just prove it to you." Saad nito. Wala na akong nagawa ng yumuko ito at gawaran ako ng isang halik sa labi.

Napapikit ako ng dumantay ang kanyang halik sa akin. Inaamin ko na nagugustuhan ko kung paano ako halikan nito. Napakatamis ang halik na kanyang ibinigay sa akin. Matapos niyon ay dumapo ang kanyang halik sa aking noo. Sh*t na malagket! Ang sweet ni Top.

"Gosh! I wish I can kiss your lips forever." Sambit nito sabay hiwalay nito sa pagkakayakap sa akin.

"I really know that I am hard to understand. My condition is not doing good. And I am afraid that I might hurt you while you are here with me. That's why I am giving you again the chance, kahit pa anong sabihin ko ulit sayo o anong pigil ko sayo, huwag mo akong pakinggan. Save yourself from me. Pwede ka ng magresign at umalis sa bahay ko." Malungkot na sabi nito at akmang lalabas na ng kwarto.

Babysitting My Bipolar Billionaire Señorito - (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon