CHAPTER 30

3.3K 131 80
                                    


MATAPOS kumain ay nanatiling nakaupo si Top sa tapat ng mesa habang pinapanood ako nitong naghuhugas ng platong pinagkainan niya. Kami na lang dalawa ang naiwan sa kusina.

Maya-maya pa ay nagsalita ito na nagpahinto sa aking ginagawa.

"Ate, bakit mo pala ako iniwan sa ulanan? Ayaw mo na ba sa akin?" Tanong ni Top. Hindi ko naman alam kung papaano ko ito sasagutin ng maayos. Hindi ko naman pwedeng sabihin na galit ako sa kanya dahil wala naman kamalay-malay ito sa totoong pangyayari.

"Ang totoo kasi Top ay umuwi ako sa amin para magpahinga sa trabaho. Pero nagulat na lang ako ng bigla mo akong nasundan." Pagtatahi ko ng kwento. Hindi ko alam kong dapat ko bang itanggi dito ang totoong nangyari.

"Sorry po ate kung naging pasaway ako ah?" Parang mapapaluha na nitong saad sa akin.

"Ako ang dapat magsorry sayo Top." Bulong ko sa hangin. Dahil sa akin, naging ganyan na naman ang kondisyon mo.

"Ate, bakit ganito nararamdaman ko? Parang may kung anong mabigat sa puso ko. Pakiramdam ko nasasaktan ako. Pero di ko naman alam kung bakit." Sumbong nito sa akin habang napapaluha na ito.

Agad ko namang nilapitan ito at niyakap.

"Don't cry Top. Kung ano man yang nararamdaman mo ngayon ay papawiin ko. Babawi ako sa mga nagawa ko." Parang mapapaiyak na din ako sa binata.

"Ate! Huhuhu." Mas hinigpitan pa nito ang yakap sa akin. "Wag mo lang akong iwan ay sapat na sa akin." Dagdag pa ng binata. Bibitaw na sana ako sa yakap dito nang mas humigpit pa ang yakap nito sa akin.

Parang ayaw ako nitong pakawalan.

"Give me another minute Ate Vianca. My heart is tired." Saad nito. Kalaunan ay naramdaman ko na parang nakatulog na ito habang kayakap ako.

Hindi ko naman namalayan na nasa likod lang pala namin si Nanay Lourdes.

"Anak?" Tawag pansin nito sa akin.

"Nay?" Wika ko naman dito.

"Sa tingin ko ay kailangan mong bumalik sa trabaho para alagaan si Top. Mukhang kailangang-kailangan ka niya ngayon." Saad ni nanay sa akin.

Napaisip na din ako sa sinasabi nito sa akin.

"Hindi ko alam kung ano ba talaga ang kalagayan ng nobyo mo. Pero kahit maging isip-bata man siya ay ikaw pa rin ang iniisip niya. Sa tingin ko totoong mahal ka ng binata. Kaya kung ano man ang nagawang kasalanan niya sayo. Sana mapatawad mo ito, anak. Minsan lang dumating sa atin ang totoong pag-ibig." Wika ni nanay na nagpabuhos na ng mga luha ko na kanina ko pa kinikimkim.

"Pag-iisipan ko po nay." Mahina kong saad dito.

MARAHAN kong ginising si Top na nakatulog sa aking balikat kanina. Dahan-dahan nitong minulat ang mga mata. Tinitigan ako nito ng mariin sabay ngiti sa akin ng napakatamis.

"Ang sarap palang matulog sa balikat mo ate Vianca." Huminga naman ako ng malalim. Akala ko bumalik na ito sa tamang pag-iisip. Pero ilang oras na ba ang lumipas ay ganito pa rin ito?

Nginitian ko naman ng matamis din ang binata.

"Kailangan mo ng pumasok sa kwarto Top para maayos kang makatulog." Yaya ko dito. Nag-inat muna ito bago tumayo.

"Tara na ate." Nasa sala naman ang tatlo na nanonood ng telebisyon nang makita kami ng mga ito na lumabas sa kusina.

"Good evening nanay." Bati ni Top kay nanay Lourdes. "Good evening kuya." Si Ivan naman ang binati nito. At tumingin ito kay Barbie pagkatapos. "Good evening manong Bruno." Hirit nito na naging dahilan upang mapuno ng halakhak ang sala.

Babysitting My Bipolar Billionaire Señorito - (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon