CHAPTER 34

3K 102 36
                                    


Hindi matatawaran ang saya ng aking pakiramdam ngayon. I have a boyfriend na sobrang caring, understanding at lovable.

What else can I ask for? Complete package na to. But, the most important thing why I fell in love with him is because of the true love that he offers.

He is always make the butterflies run in my stomach.

Bukod dito, napakabait pa ng pamilya ng binata sa akin. That's  why I feel like I'm so blessed.

Sa katunayan, binigyan pa ako butihing donya kahapon ng advance payment dahil sa magandang performance ko sa aking trabaho.

Since, may pera ako ngayon ay may naisip akong gawin dito.

Kasalukuyan kaming nag-aalmusal ni Top nang magpaalam ako na may pupuntahan mamaya.

"Top, gusto ko sanang bilhan sina nanay at Ivan ng regalo. Susurpresahin ko sana sila." Paalam ko sa binata.

"Pupunta ka ba sa kanila ngayon?" Tanong nito sa akin.

"Oo, pagkatapos kong bumili ng regalo. Bibili na rin ako ng grocery para kahit papaano mai-celebrate namin ang unang sweldo na nakuha ko sa pagtatrabaho sayo. I want to treat them." Saad ko dito.

"Okay lang ba kung susunod na lang ako mamaya? Gusto sana kitang samahan ngayon mag-grocery at pumunta kina Nanay Lourdes pero may executive meeting kasi ako ngayon eh. Kailangan daw ako doon. Okay lang ba?" Nag-aalalang tanong nito sa akin. Alam ko naman kung gaano kahalaga ang meeting nito kaya pumayag na ako.

"Don't worry. I think I can handle it naman. Sumunod ka na lang sa bahay kapag tapos ka na sa meeting mo okay? I'm  sure nasa bahay na ako pagdating mo doon." Wika ko sa kanya.

"You sure?" Nag-aalala pa rin ito dahil mag-isa lang daw ako lalakad.

"Definitely." Sagot ko naman.

MATAPOS kumain ng almusal ay nagbihis na ako upang pumunta sa mall para bumili ng regalo kina nanay at Ivan.

Ganoon din si Top na naka-gayak na rin upang pumunta sa kanyang kompanya.

Flash report: "Kakapasok lang ng balita, pinapayuhan namin ang mga mamamayan sa NCR na mag-iingat dahil inaasahan ang pagtama ng bagyong Nando ngayong araw. Maghahatid ito ng malalakas na pag-ulan, kulog at kidlat at maaaring magdulot din ng pagbaha sa iilang mabababang lugar sa buong kapuluan. Maghanda ng mga flashlights, mag-imbak ng pagkain, at pumunta sa mga matataas na lugar. Inaabisuhan din namin ang mga mamamayan na nakatira sa mga mababang lugar at sa mga estero na kung maaari ay lumikas muna sa mga Evacuation Center na inihanda ng inyong Local Government Unit. Tiyaking tumutok dito para sa iba pang update ng balitang ito. Ako si Korina Soho. Mag I AM READY para sigurado at ligtas. Nakatutok, 12 oras lang dahil natutulog din ang tagapag-balita." That's a weather forecast for today. I turned-off the television.

"Mukhang malakas ang bagyong tatama dito ah. Tutuloy ka pa ba honey?" Tanong ni Top sa akin na mukhang mas lalong nag-alala.

"Oo naman, mabilis lang ako sa mall. Don't worry mag-iingat ako. Ikaw din ah? Just make sure na mag-iingat ka sa pagdadrive." Wika ko naman sa binata.

"I will. Give me a call pag andon ka na sa bahay ninyo okay?" Paalala naman nito sa akin.

"Sure. Tatawag po ako sayo agad." Lambing ko dito.

I kissed him at nauna na akong nagpaalam sa kanya. Hinintay muna ako nito na makasakay ng Taxi bago ito umalis patungo sa kanyang kompanya.

I am so excited to surprise my Nanay Lourdes and Ivan.

I am planning to buy a Dior 30 Montaigne Brand na bag. I remember kasi na gustong-gusto ni nanay na magkaroon ng ganitong klaseng bag but dahil sa wala naman kaming pera ay hanggang tingin-tingin na lang ito.

Babysitting My Bipolar Billionaire Señorito - (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon