CHAPTER 38

2.1K 89 29
                                    


They said "When you feel the light of the sunshine through your skin, it's going to be a brighter day."

The atmosphere is almost perfect. The sky is blue. The birds are freely flying up above. The wind blows smoothly hugging my skin.

This must be a great day for us. This day must be a perfect time to show how deep is my love for him.

But...

"Ate Vianca?!! Let's play na in the pool. Come here na po." I suddenly watch him in completely baffled face when I heard his lovely voice.

My tears falls down from my eyes. My heart is trembling too.

"Via?" Boses ni Donya Teodora ang nagsalita. Napatingin ako sa kanyang kamay na nakahawak sa aking balikat.

"Mommy Teodora?" Tawag ko sa butihing donya.

"Ihanda at bihisan mo na si Top para madala na natin siya kay Dr. Saavedra."

Yes. You guys heard it right. Dadalhin namin si Top kay Dr. Saavedra upang ipasuri ulit ang kondisyon ni Top. This is his fifth check-up after what happened between us.

Halos magdadalawang linggo nang ganito ang binata. Hindi na ito bumalik sa katinuan simula ng saktan ako nito.

Matatandaan na ilang oras lang naman ang tinatagal ni Top sa pagiging isip bata at bumabalik din naman ito sa kanyang katinuan. Ngunit, ngayon lang talaga tumagal ng ganito ang kondisyon niya.

Sa totoo lang, parang sinasadya ng katawan at isip ni Top na huwag bumalik sa kanyang katinuan.

Hinahayaan niyang matalo ang sarili ng batang Top. Parang ayaw niya ng lumaban at ipinapaubaya niya na ang lahat sa batang Top.

Sabi ni Dr. Saavedra ay kailangang masuri si Top dahil kung hindi ito bumalik sa pagiging mature na Top ay ang ibig sabihin lang nito ay lumalala na ang disorder ng binata. Hindi na lang ito bipolar disease.

Ayoko! Ayoko! Kailangang lumaban ni Top. Kailangan labanan niya ang kanyang sakit. Hindi ako makakapayag na sumuko na lang ito. Hindi ako makakapayag na hanggang dito na lang siya.

Paano naman ako? Paano naman ang pag-iibigan namin? Paano naman ang mga nabuo naming pangarap dalawa?

Hindi ako dapat mawalan ng pag-asa. Alam kong gagaling ito.

Halos gabi-gabi akong nagdarasal na sana ay bumalik na ito sa tamang pag-iisip. Naniniwala akong hindi siya pababayaan ng diyos.

Oo, vulnerable si Top pagdating sa pagkontrol sa kanyang emotion. But, despite of this, alam kong lumalaban siya.

The best thing that I can do for now is to pray and wait for him na bumalik ito sa kanyang tamang pag-iisip.

Pareho kami ng mama niya na nag-aalala sa kanya. Kaya, she decided na ipasuri ito sa doctor. Kung wala pa rin, even the farthest place on earth ay susuyurin na ng donya to look for the best of the best doctor upang ipagamot ang binata. Hindi na matiis ng donya ang nangyayari kay Top.

"Top, please bumalik ka na sa akin." Bulong ko sa hangin.

NASA hospital na kami kung saan kakatapos lang ni Top na suriin ni Doctor Saavedra.

"Donya Teodora, tatapatin ko na kayo. Lumalala ang kalagayan ng anak niyo. Kung magpapatuloy pa ito at di makabalik sa tamang pag-iisip ang binata sa mga susunod pang mga araw ay baka tuluyan ng hindi gumaling ito." Pag-amin ng doctor sa donya.

Nakikinig lang ako sa doctor habang nagpapaliwanag. Ngunit ang aking mga luha ay hindi ko mapigilan na tumulo sa aking mga mata.

Ganoon din ang donya. Ngunit, makikita ko pa rin sa kanya ang katatagan ng loob nito. Buo ang tiwala nito sa kanyang anak na malalampasan ang lahat ng ito.

Babysitting My Bipolar Billionaire Señorito - (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon