"Top, is that you?" Tanong ng babae sa binata.Nag-iba naman ang itsura ni Top ng makaharap ang babae. Mukhang galit na galit ito.
"What are you doing here?" Tanong naman ni Top sa babae habang hindi ito nilulubayan ng masamang tingin.
"Kararating ko lang galing America. I can't believe na makikita kita dito. Kumusta ka na?" Tanong naman ng babae na halata ang pagkailang sa kaharap.
"The nerve of asking me if how am I after you ditched me in our f*cking wedding, Analexa?" Maanghang na tanong ni Top sa babae. So, ito pala si Analexa ang ex-fiancee ni Top.
Magsasalita pa sana ito nang may lumapit na lalaki sa kanila. Hindi ito nagkakalayo ng edad kay Top. Okay lang naman ang itsura nito. Pero mas di hamak na may itsura si Top kumpara dito.
"Hey babe? Is there anything wrong?" Tanong ng bagong dating na lalaki sa babaeng kausap ni Top sabay tingin sa binata.
"Who is he?" Tanong naman ni Top na halata ang pagka disgusto sa nakikita.
"He is Arthur. My husband." Pagpapakilala nito kay Top.
"You ditched our wedding for that bastard?!" Sigaw na sermon ni Top sa babae sabay duro sa lalaki. Hindi yata nagustuhan ng lalaki ang tono ni Top.
"Hey what did you say?" Tumaas na din ang boses ng lalaking kasama ni Analexa. Masama na rin ang tingin nito kay Top.
"Hey Arthur, I'll explain it later, please? Just let me talk to him right now." Pigil naman nito sa lalaki. Pumayag naman ang lalaki sa sinabi ni Analexa.
"Alright. Wag kang magtatagal." Saad nito sabay halik sa labi ng babae at lumayo na sa kinaroroonan ng dalawa.
I don't know how to react. Hindi ko alam kung lalapitan ko ba si Top o hahayaan ko silang mag-usap ng kanyang ex-fiancee. Ang alam ko ay para akong napako sa kinakatayuan ko ngayon.
"Look, I don't want to be unfair to you Top." Pag-uumpisa ng babae.
"I was being unfaithful to you. Mahal kita at alam mo yan, pero nagkasala ako sayo. Nabuntis ako ni Arthur. Lubos ang hinagpis at pagsisisi ko kung bakit ko yun nagawa." Paliwanag nito. Nakuyom naman ni Top ang kamao sa naririnig mula sa babae. Ngunit nagpatuloy pa rin ito sa papaliwanag.
"Hindi ko kayang harapin ka sa mga oras na yun. Naging duwag ako. Umalis ako papuntang America sa araw mismo ng kasal natin. Nagpakalayo-layo ako. Ngunit nasundan ako ni Arthur. Gusto niyang panagutan ang anak namin. Kaya nagpakasal ako sa kanya." Maluha-luhang paliwanag ng babae kay Top. Nagtagisan naman ang mga panga ni Top na halatang nagpipigil na lang ng galit.
"Pero kung akala mo na naging masaya kami ay nagkakamali ka. Last month ay nalaglag ang bata sa sinapupunan ko. Karma na siguro ito sa kasalanang nagawa ko sayo." Saad ng babae habang unti-unti nang humihikbi ito.
Hindi ko alam ngunit parang kinakabahan ako sa aking nakikita nang aking tignan si Top. Nag-iiba na ang aura ng binata.
"Alam ba ng lalaking yun na may nobyo ka at ikakasal ka na dapat?" Tiim-bagang tanong nito sa babae.
"Oo. Alam niya na ikakasal ako pero hindi niya alam na ikaw ang lalaki. I'm sorry Top. Sana patawarin mo ako." Hingi ng tawad ng babae habang umiiyak. Samantala, may mangilan-ngilan nang nakakapansin na tao sa eksena.
"Sorry? Yun lang sasabihin mo sa akin? Hindi mo alam kung paano mo sinira ang buhay ko! Hindi mo alam kung paano naging impyerno ang buhay ko dahil sa kagagawan mo! Hindi sapat yang sorry mo para maayos ang mga bagay na sinira mo!" Sigaw nito na nakatawag na ng pansin sa mga tao. Lumapit ulit ang lalaking kasama ni Analexa sa kinaroroonan ng dalawa.
BINABASA MO ANG
Babysitting My Bipolar Billionaire Señorito - (On-Going)
RomansA story of Vianca who badly needed a work to support her family financially and ended into accepting an offer that changes her life. She ought to babysit Top Ricks - her bipolar billionaire señorito. Can she control herself not to fall in love with...