CHAPTER 31

3.1K 125 46
                                    


New morning for me and Top Ricks. Kahit medyo inaantok pa ay pinilit ko ng gumising ng maaga para maligo at makapagluto ng almusal. Gising na ang lahat maliban kay Top.

Sabi ni Ivan na kalalabas lang ng kwarto ay mahimbing pa daw ang tulog ni Top.

"Anak? Mabuti pa ay gisingin mo na doon ang nobyo mo ng makapag-almusal na ito." Utos ni nanay sa akin.

Agad naman akong tumalima at tinungo ang kwarto kung saan ito natutulog.

Pagkabukas ko ng pintuan ay bumungad sa akin ang natutulog na binata. Pumasok ako sa loob at umupo sa tabi nito.

Pinagmasdan ko ang gwapong mukha nito na animo'y isang anghel na natutulog. Hinimas ko ang kanyang buhok pababa sa kanyang pisngi. Pinagmasdan ko din ang mga mapupulang labi ng binata na alam ko kung gaano kasarap humalik ito.

Nakaramdam na naman ako ng guilt sa nangyari sa kanya. Because of my quick judgment ay naging isip bata ulit ito. Nadala ako ng galit at selos kaya hindi ko pinakinggan ang mga paliwanag ng binata.

Naramdaman naman yata nito ang aking presensya kaya unti-unti itong nagmulat ng kanyang mga mata.

Biglang napa-upo ang binata nang makita ako sa tabi niya.

"Top? Tapos na nagluto si Ate Vianca ng almusal. Tara na para makakain ka na ng agahan." Saad ko dito habang nakangiti ng malambing sa binata.

Ngunit wala ni isang salita akong narinig mula sa kanya. Pinagmamasdan lang ako ng binata na parang hindi makapaniwala sa nakikita.

"Top? Okay ka lang ba? May masakit ba sayo? Magsalita ka naman oh. Nag-aalala tuloy si ate sayo." Tanong ko dito ngunit mas lalo lang akong tinitigan nito.

"Top?" Tawag ko muli sa kanya.

"Tell me that, this is not a dream. Ikaw ba talaga yan Vianca?" Hindi makapaniwala na tanong nito sabay hawak sa mga kamay ko.

Bumalik na yata ito sa tamang pag-iisip. Hindi na yata ito si baby Top na pilyo at makulit.

Natuwa naman ako dahil bumalik na itong muli sa kanyang totoong pagkatao.

"Yes Top. Ako to." Ewan ko ba. Pero natagpuan ko na lang ang sarili ko na nakayakap sa binata. Sobrang namimiss ko na ang mayakap ng mga bisig nito.

"Oh God! I don't know what happened. But, I am thankful na nabigyan ako ng pagkakataon na muli kang makita at mayakap." Hindi makapaniwala ang binata habang mahigpit ako nitong niyakap.

"I want to apologize for hurting you Vianca. I want to apologize for making you cry. I am so sorry. But believe me, walang nangyari sa amin ni Analexa. Maniwala ka sa akin. She planned everything para masira tayo." Paliwanag nito.

"Top, ako dapat magsorry sayo dahil hinusgahan agad kita. Ako dapat ang magsorry sayo dahil hindi ako naniwala sayo. I'm sorry." Hingi ko ng paumanhin dito.

"Please come back to me again? Ayokong mawala ka sa akin Vianca. Mahal na mahal kita!" Pakiusap nito sa akin.

"Oo Top. I am willing to be with you again. Hindi ko rin kayang mawala ka sa akin." Bigla naman akong siniil ng halik nito sa labi.

"Ehem!" Isang boses mula sa tabi ng pintuan ang narinig namin ni Top. "Tama na yang paghaharutan ninyo. Kanina pa kami gutom sa labas. Lumabas na kayo diyan at kumain na muna." Si Ivan ang nagsasalita habang nakatingin sa amin ni Top. Umalis din agad ito upang tumungo muli sa kusina.

"Mukhang hindi ako gusto ng kapatid mo." Saad ni Top sa akin. Natawa naman ako sa narinig.

"Naku! Wag mo na yang isipin dahil hindi yan totoo. Hindi mo ba alam na magkatabi kayong natulog kagabi ni Ivan dito sa kwarto niya? Tsaka nung sinumpong ka ng D.I.D. mo kagabi ay si Ivan pa ang nagpaligo sayo dahil basang-basa ka nang ulan." Kwento ko naman dito. Nanlaki naman ang mga mata nito sa nalaman.

Babysitting My Bipolar Billionaire Señorito - (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon