CHAPTER 24

3.1K 118 93
                                    


Hindi pa rin ako makapaniwala na isang CEO pala ang lalaking kaharap ko kanina. Nakatingin pa rin ako sa bulaklak na ibinigay nito.

Agad akong nagpunta sa lost and found section ng hotel upang ibigay sa kanila ang wallet ni Vernon. Ibinigay ko ito sa staff upang sila na ang maghatid nito sa binata.

Kakaalis ko lang sa lugar ng biglang tumunog ang aking cellphone.

Si Top ang tumatawag. Agad ko naman itong sinagot.

"Meet me in the lobby. Uuwi na tayo." Sabi nito sa akin mula sa kabilang linya bago ibinaba ang tawag.

Tinungo ko naman ang lobby na kung saan naroon na ang binata at naghihintay sa akin.

Handa na ang mga gamit namin. Talagang ako na lamang ang hinihintay.

Hinalikan ko ang pisngi nito ngunit wala lang reaction ang binata.

"Kumusta ang meeting?" Sinubukan kong kausapin ito ngunit wala pa rin itong imik. Ayaw talaga ako nito pansinin at all.

Agad na kinuha ang mga gamit namin ng mga staff at inilagay na sa likod ng kotse. Sumakay na rin kaming dalawa sa loob upang umalis na sa lugar.

Tinanaw kong muli ang magandang tanawin ng lugar sa isa pang pagkakataon. Hindi man kami nagtagal dito ay naenjoy ko pa rin ang stay namin.

I just can't believe na uuwi kami na may di pagkakaunawaan ni Top. Akala ko magiging masaya hanggang sa huli ang trip nato.

Umandar na ang sasakyan at ilang minuto lang ang lumipas ay amin nang tinatahak ang airport.

Hanggang sa loob ng airport ay walang imik ang binata sa akin. Bagamat, pati ang gamit ko ay kanyang hawak-hawak ngunit hindi pa rin ako nito kinakausap.

Mukhang may malalim na problema talaga ang binata. Hindi ito nakakabuti sa kanya kaya gusto ko sanang kausapin siya pero sa ginagawang pangdideadma nito sa akin ay wala akong magawa.

Habang nasa himpapawid ay pinili ko na lang na matulog muna. Hindi pa rin kasi ako nito pinapansin.

Nakapikit lang ito at parang walang balak na kausapin ako.

ILANG oras ang lumipas ay nakapag-landing na ang eroplano na sinasakyan namin pauwi.

Nakaabang na ang driver na inutusan ni Top upang sumundo sa amin. Matapos ipasok ang mga gamit sa likod ng kotse ay agad nang pinatakbo ang sasakyan upang umuwi sa mansyon.

Habang nasa biyahe, parang hindi mapakali si Top. Malalim ang iniisip nito.

Hindi pa rin ako pinapansin ng binata mula pa kanina. Nag-aalala na rin ako dito kung bakit ganito ang pakikitungo nito sa akin.

Maya-maya pa ay huminto na ang kotse sa mismong harap ng gate ng mansyon.

Isang babae ang nakaupo sa tabi ng gate habang may dala itong maleta. May pasa ito sa kanang labi na halatang parang binugbog.

Napakunot ang noo ko ng makilala ko ang babae. It's her. The ex-fiancee of Top Ricks.

"Ano ang ginagawa ni Analexa dito?" Tanong ko sa sarili.

Agad na umibis ng kotse si Top at tinungo ang kinaroroonan ni Analexa. Sumunod naman ako dito.

Agad naman tumayo at tumakbo ang babae patungo kay Top sabay yakap sa binata. Umiiyak si Analexa. Yumakap na rin si Top sa babae.

Nakaramdam naman ako ng parang kurot sa dibdib sa aking nakikita.

"Hey, what happened?" Tanong ni Top sa babae.

Babysitting My Bipolar Billionaire Señorito - (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon