CHAPTER 11

41 8 13
                                    

After their mission last night Lexxus and the boys went straight to the control room which is very unusual for Shaina, it's been days since she observed Lexxus were too preoccupied and didn't have the time to eat.

Madalas din nyang napapansin na umaalis ang mga ito at babalik ay minsan madaling-araw na. Pero baka kasi may importante lang itong ginagawa. Knowing their situation, hindi nga naman biro kung maging kampante sila. Their safety is at stake and they need to be vigilant all the time.

Shaina came back from her reverie when someone snapped a finger in front of her. "Ate Shai, your wet dreaming."

"Ano namang wet dreaming yan, Frinces?" Sabat ni Isabel.

"Wet dreaming katulad ng daydreaming." Sheila said confidently, "sa kanya kasi halata namang wet dreams yan, si boss ang iniisip eh." Tumatango-tango pa ito na parang sigurado sa sinasabi nya.

Kasama nyang kumain ang dalawang 'to sa kusina dahil tanghali na silang nagising matapos ang mission nila.

"Sama kayo mamaya?" Basag ko sa ingay na naman nilang dalawa, kumakain lang pero hindi matigil sa mga kalokohan.

"Saan ate? Lalabas ba tayo?" Tanong ni Isabel.

Shaina placed her finger on her lips silencing them. Hindi maaring marinig na may pupuntahan sila dahil paniguradong baka umabot ito sa mga lalaki.

"Anong oras ate?" Bulong na tanong ni Sheila.

"When the sun sets, west." Agad namang tumango ang dalawa ng maintindihan ang sinabi nya.

"Ako ayaw nyo isama?" Napabalikwas si Sheila ng marinig ang boses ni Esperanza pero wala naman dito ang bunso nila.

"Hala baliw nasa'n ka?" Tanong ni Isabel habang nagpapalinga-linga sa paligid.

"Hanapin nyo muna ako." Sagot nito bago tumawa.

Nangunot ang noo nya at naglakad ng dahan-dahan papunta sa likod ng Island Counter at isa-isang binuksan ang mga cabinet na nasa ibaba.

Napangiti sya at sinenyasan ang dalawang kasama na iabot sa kanya ang nakatirentas na mga rubber bonds. Binuksan nya ang huling cabinet na nakasarado at itinapon ang rubber bond na hawak.

"AHAS... MAMAAAAA, MAY AHAS!!" Sigaw nito at pinilit ang sarili na makalabas, nakapikit pa sya sa takot kaya hindi nya nakita ang pinto na papasara na at nauntog sya.

Dire-diretsong itong lumabas at hindi man lang ininda ang noong nauntog.

"Ano bang trip mo at nasa ilalim ka, Espe?" Tanong ni Shaina sa kanya ng makaupo ito.

"Ganito kasi 'yon. Pumunta ako dito kanina kasi iinom ako ng tubig, tapos may narinig akong paparating," huminto muna ito at uminom ng tubig, "kaya ayon tumakbo ako at nagtago kasi baka sina Aeya na naman 'yon at awayin na naman ako, pero girls diko ini-expect 'yong maririnig ko." Saad nito bago tumulala.

"Hoy! Ano ba kasi ang narinig mo?" Tanong ni Isabel kay Espe ng matulala ito.

"M-may nagsasalpukan! Akala ko kung ano na, kaya sinilip ko pero hindi ko akalaing may milagro silang ginagawa!" Ani nito bago nagtago sa palad nya, "a-ang mata at pandenig kong dating malinis... nabahiran ng nakakapangilabot na tagpo!!" Naghihisterikal na wika nya sa mga kaibigan.

Napalunok naman ang tatlo sa narinig nila. Natuon ang paningin ni Sheila kay Shaina na boryo lang syang tiningnan nito.

"Hindi naman kayo 'yon Shai, diba?" Nanlalaki ang mata na itinuro ni Sheila si Shaina at binato lang sya ng huli ng kutsarang nadampot nito.

"Baliw di kami gano'n ka hangal para dito 'yon gawin." Sagot nya na ikinasimangot lang ng huli.

"Pero nakita mo Espe, diba? Sabihin mo nga kung sino." Lumapit silang tatlo kay Espe handa na sanang magsalita ang isa ng humahangos na si Slate ang tumawag sa kanila.

Abandoned City (COMPLETED)Where stories live. Discover now