CHAPTER 27

18 6 0
                                    

"Oh bat kayo andito?" Tanong ni Romelette ng makita niyang pumasok sa silid na tinatambayan nilang mga may anak na sina Jode , Anne, Angel, Ceej, Erica at Tal.

"Bibisita lang sa mga baby." Sagot ni Tal na nauna ng pumasok at pumunta sa anak ni Romelette.

"Sabi bisita lang pero wag niyo namang lamasin ang mukha ng anak ko." Cheska said when she saw Cee-Jay and Angel pinching her son's cheeks.

"Ang cute naman ng mga baby." Sabi ni Jode habang buhat ang anak ni Tine/Avi.

"Sana ol nadiligan na diba." Sabi ni Anne habang nilalaro ang anak ni Zeya na nakahiga sa kama.

"Kayo may bunga na pagdidilig sa inyo tapos kami wala pa ring usad. Wala pa ngang label eh. Hayuf." Bulong ni Erica na nakatayo sa may hamba ng pinto at nakatingin sa mga bagong anak at sa mga anak ng mga ito.

"Sus. Wala pa kayong dilig hanggang ngayon? Hihina naman. Tsk tsk tsk." Umiling iling na sabi pa ni Cheska sa mga tagtuyot sa harapan niya.

Sumimangot silang lahat dahil tama si Cheska. Sa tagal na nilang may kalandian hanggang ngayon wala man lang dilig sa kanila.

Nagpatuloy lang sila sa kani-kanilang ginagawa ng biglang pumasok si Angela.

"Oh bat ang sama ng mukha mo dyan? Binitin ka ba?" Tanong ni Zeya sa kanya.

"Si Charles kasi!" Nagulat silang lahat ng bigla itong sumigaw. Akala mo hindi pumasok sa may mga bata.

"Bakit? Binitin ka nga?" Taas baba pa ang kilay ni Cee J at tinignan siya ng masama ni Angela.

"Hindi."

"Eh bakit?" Si Jode naman ang nagtanong. Naiinip na kasi siya. Gusto na niyang makarinig ng chismis.

"Tinanong kasi kami ni Jhay kanina kung ano daw ba ang nauna. Kung itlog daw ba o manok." Sabi ni Angela na lumaki pa ang mata sa sobrang inis.

"Oh tapos? Anong nakakagalit don?" Takang tanong ni Angel dahil wala naman talagang nakakagalit don.

"Magkaiba kami ng sagot tapos pinagpipilitan niya yung sagot niya." Sagot ni Angela.

"Yun na yun?" Naka face palm na tanong sa kanya ni Cheska.

"Yun ang ipinuputok ng butsi mo dyan?" Manghang tanong ni Romelette dahil wala namang nakakagalit kung magkaiba sila ng sagot.

"OO!" Sabi ni Angela.

Nagpipigil na silang lahat ng tawa na hindi naman pansin ni Angela dahil naka-focus siya sa pagkainis niya.

"Ano ba sagot mo?" Tanong ulit ni Zeya sa kanya.

"Manok."

"Oh bat galit ka?"

"Eh kasi pinagpipilitan niya yung sagot niya tapos nung ayaw ko pumayag na tama siya nag explain ba naman kung bakit daw yun yung tamang sagot tapos ginamitan pa ng science." Nagpapadyak pa si Angela na parang batang hindi naibigay ang gusto.

"Inexplain naman pala niya yung sagot niya. Bakit galit ka pa rin?"

"Kasi wala akong naintindihan!" Sabi ni Angela at nagpapadyak pa. She looked like a kid.

Hindi na nila napigilan at nagtawanan na silang lahat dahil sa kinuwento ni Angela.

"Yun lang pinag-awayan niyo? Parang ang babaw mo ngayon ah." Zeya said.

"B-buntis ka na rin ba?" Utal na tanong ni Anne sa kanya.

"Tayo na lang talaga walang dilig dito." Madamdaming sabi ni Angel.

Abandoned City (COMPLETED)Where stories live. Discover now