CHAPTER 23

33 6 6
                                    

"Hoy, Espe! Bat ka umiiyak dyan?" Isabel asked Espe when she saw her crying alone in the rooftop.

"It's nothing." Espe answered and quickly wiped away her tears even though she knew that they saw it already.

"Ulol di moko maloloko. Bakit nga?" Pangungulit ni Isabel. Oo nga't ilang beses na niyang nakitang umiyak si Esperanza pero ngayon ang unang beses na nakita niyang umiiyak ito ng mag-isa at may lungkot at sakit sa mga mata.

"It's about my husband, Isabel." Sinagot na niya si Isabel tutal naman ay tingin niya kailangan niya rin ng kausap ngayon.

I knew it! Isabel thought. Wala naman kasing ibang iiyakan si Espe ng may sakit at lungkot na kasama maliban sa asawa nito.

"What about him?" Nabubuhay ang pagka-chismosa niya.

"Napapagod na ako. Hindi naman kasi kami magkasundo pero ayaw niya ring makipaghiwalay." Esperanza explained.

"Kailan ba huling pag-uusap niyo?" Pang-iintriga pa niya.

"Nung isang linggo pa. Tapos hindi pa matagal yun kasi parang naiwas rin siya sakin." Nanunubig na ulit ang maya ni Esperanza. Hindi na niya mapigilan. Kailangan niya lang ngayon ng makakausap at maiiyakan.

"Hala! Baka may ibang babae na yun!" Singit ni Sheila na hindi niya napansing kasama pala ni Isabel.

"Alam mo Sheila, konti na lang masasapak na kita. Imbes na makatulong ka, pinapalala mo pa." Sabi ni Espe na umurong ang luha na patulo na sana at sinamaan ng tingin si Sheila.

"Sorry na nga eh. Ituloy mo na yung pang mmk na ikwento niyo ng asawa mo." Sabi ni Sheila na napakamot sa ulo dahil dalawa sina Espe at Isabel na masama ang tingin sa kanya.

"Wag mo ng pansinin yan. Mas maiistress ka lang." Sabi ni Isabel na ikinasimangot naman ni Sheila.

Huminga ng malalim si Espe at nagsimulang ikwento sa kanila ang lahat. Lahat ay detalyado. Wala siyang iniwang impormasyon na hindi niya sinabisa dalawa. Lahat ay ikinuwento niya simula noong nalaman niyang ipapakasal sila hanggang ngayon. Umiiyak pa siya habang nagkukwento dahil nasasaktan siya sa mga kinukwento niya.

"Teka san ka pupunta, Isabel?" Tanong ni Sheila ng makita niyang tumayo ito at naglalakad na papunta sa pinto ng rooftop.

"Tatae. Sama ka?" Sarkastikong tanong ni Isabel kay Sheila.

"Ikaw na lang. Maghugas ka ah." Paalala ni Sheila na para bang bata si Isabel na ikinairap ng huli.

Tumalikod na siya at nagtuloy-tuloy sa paglalakad. Hindi naman talaga siya tatae. Ang totoo, may hahanapin siyang hinayupak na lalaki.

Ilang building pa ang hinalughog niya bago niya makita ang hinahanap niya na prenteng nakaupo sa isang puno. Sa punk lang pala nakatambay sa loob pa siya ng building naghahanap.

"Oii!" Tawag niya ng pansin sa lalaking tila malalim ang iniisip.

"What?" Iritadong tanong nito ng lingunin siya.

"I wanna talk about your wife." Panes! English yun.

"Esperanza? What about her? Is she hurt?" Nakita ni Isabel ang bahid ng pag-aalala sa mata at boses nito na lihim na nakapagpangiti kay Isabel.

"Bakit ba ayaw mo na lang makipaghiwalay sa kanya kung hindi mo rin naman kayang pangatawanan ang pagiging asawa ni Espe?" Hindi na siya nagpaligoy ligoy pa dahil hahaba lang ang usapan nila na wala naman siyang balak pahabain pa.

"None of your business." Tumayo na ito at akmang aalis ng magsalita ulit si Isabel.

"Makikipag-usap ka sakin tungkol sa asawa mo o bubugbugin ko yun." Pananakot ni Isabel na nakapagpatigil sa lalaki.

Abandoned City (COMPLETED)Where stories live. Discover now